Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Jesucristo ay Paparitong Muli—Ang pangitain ni Juan tungkol sa pag-asa kay Jesucristo


Paghahayag

Si Jesucristo ay Paparitong Muli

Ang pangitain ni Juan tungkol sa pag-asa kay Jesucristo

Si Juan na nakatayo sa tabi ni Jesucristo.

Si Apostol Juan ay nagkaroon ng isang espesyal na pangitain. Nakita niya si Jesucristo, na nagpakita kay Juan ng maraming bagay tungkol sa nakaraan at sa hinaharap. Sinabihan niya si Juan na isulat ang mga bagay na nakita niya. Alam ni Jesus na sinusubukan ng mga Banal ang lahat ng kanilang makakaya upang sumunod sa Kanya. Nais ni Jesus na magkaroon sila ng pag-asa na Siya ay mas makapangyarihan kaysa sa kasamaan sa mundo.

Apocalipsis 1:1–2, 9–11, 13–15, 19; 2–3

Ang Ama sa Langit na nakapatong ang kamay sa balikat ni Jesucristo.

Sa kanyang pangitain, nakita ni Juan ang isang aklat na walang makapagbukas. Pagkatapos ay nakita ni Juan ang isang kordero na kumakatawan kay Jesucristo; kaya Niyang buksan ang aklat. Nalaman ni Juan na bago nilikha ang mundo, pinili ng Ama sa Langit si Jesus na maging Tagapagligtas natin. Ito ang pinakamahalagang bahagi ng plano ng Diyos, at tanging si Jesus lamang ang makagagawa nito.

Apocalipsis 5

Si Satanas at isang grupo ng mga espiritung anak na nililisan ang langit.

Nakita rin ni Juan ang isang dragon na kumakatawan kay Satanas. Hindi nagustuhan ni Satanas ang plano ng Diyos. Nag-umpisa siya ng digmaan sa langit. Ang karamihan sa mga espiritung anak ng Ama sa Langit ay may pananampalataya kay Jesucristo at piniling sumunod sa Kanya. Ngunit pinili ng ilan sa kanila na sundin si Satanas. Dahil sa kanilang pasiya, kinailangan nilang lisanin ang langit.

Apocalipsis 12:3–11

Isang pinagsamang larawan na nagpapakita ng mga sundalong nagmamartsa, taong nangangailangan, at taggutom.

Nakita ni Juan na patuloy na nilabanan ni Satanas at ng kanyang mga tagasunod si Jesus at ang Kanyang mga tagasunod sa lupa. Sinubukan nilang linlangin ang mga tao na huwag paniwalaan ang ebanghelyo ng Tagapagligtas. Maraming naging digmaan, pagkawasak, at karamdaman.

Apocalipsis 6; 8–9; 12:17; 13:11–18; 17–18

Ang anghel na si Moroni na gumagabay kay Joseph Smith tungo sa mga laminang ginto.

Ngunit nagpadala ang Ama sa Langit ng mga anghel mula sa langit na dala ang ebanghelyo ni Jesucristo, kaya maibabahagi ito sa lahat ng tao sa mundo.

Apocalipsis 14:6–7

Isang pamilyang nakikibahagi sa sakramento.

May mga taong maniniwala kay Jesus at susunod sa Kanyang mga utos, katulad ng ginawa nila sa langit. Ang kanilang patotoo tungkol kay Jesus ay tutulong sa kanila na manalo sa digmaan laban kay Satanas.

Apocalipsis 12:11; 19:8–10

Si Jesus na bumababa mula sa langit, kasama ang mga anghel sa likuran Niya.

Nakita ni Juan na si Jesucristo ay paparitong muli sa lupa. Siya ang magiging Hari ng buong mundo. Hindi na magkakaroon ng kapangyarihan si Satanas. Dahil kay Jesus, hindi na magkakaroon pa ng kalungkutan o pasakit. Ang lahat ng taong naniniwala kay Jesus at tumutupad ng mga tipan sa Kanya ay makakapiling Niya at ng Ama sa Langit magpakailanman.

Apocalipsis 19:11–16; 20:1–2; 21:1–7