Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Tinukso ni Satanas si Jesus—Isang halimbawa ng pagdaig sa tukso


Mateo 4:1–10

Tinukso ni Satanas si Jesus

Isang halimbawa ng pagdaig sa tukso

Si Jesus na naglalakad sa ilang.

Pagkatapos ng Kanyang binyag, nagtungo si Jesus sa ilang upang makasama ang Diyos. Hindi siya kumain nang 40 araw. Siya ay nag-ayuno at nagdasal upang maghanda para sa Kanyang misyon.

Mateo 4:1–2

Tinutukso ni Satanas si Jesus na gawing tinapay ang mga bato.

Nagugutom noon si Jesus. Dumating si Satanas at tinukso Siya. Sinabi niya na kung si Jesus ang Anak ng Diyos, maaari Niyang gawing tinapay ang mga bato. Hindi ito gagawin ni Jesus. Binanggit ni Jesus ang mga banal na kasulatan upang sabihin na Siya ay namumuhay sa pamamagitan ng salita ng Diyos at hindi lamang sa tinapay.

Mateo 4:2–4

Tinutukso ni Satanas si Jesus na tumalon sa pader ng templo.

Pagkatapos ay dinala ng Espiritu Santo si Jesus sa pader ng templo. Tinukso ni Satanas si Jesus na tumalon. Sinabi niya na kung si Jesus ang Anak ng Diyos, hindi hahayaan ng mga anghel na masaktan Siya. Hindi tumalon si Jesus. Sinabi Niya kay Satanas na sinasabi sa mga banal na kasulatan na hindi natin dapat subukan ang Diyos.

Mateo 4:5–7

Tinutukso ni Satanas si Jesus na sambahin siya.

Pagkatapos, dinala ng Espiritu Santo si Jesus sa tuktok ng bundok. Mula roon, nakita ni Jesus ang lahat ng kaharian ng mundo. Dumating si Satanas at sinabing ibibigay niya kay Jesus ang lahat ng kahariang ito kung sasambahin Niya siya.

Mateo 4:8–10

Sinasabihan ni Jesus si Satanas na lumayas.

Sinabi ni Jesus kay Satanas na sinasabi sa mga banal na kasulatan na ang Diyos lamang ang dapat nating sambahin. Sinabihan ni Jesus si Satanas na lumayas. Nagpunta si Jesus sa Galilea para ituro ang Kanyang ebanghelyo. Napuspos siya ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Lucas 4:13–14