Lucas 19:1–10
Si Zaqueo na Tagakolekta ng Buwis
Umakyat sa isang puno upang makita si Jesus
Dinalaw ni Jesus ang lungsod ng Jerico. Isang lalaking nagngangalang Zaqueo ang nakatira doon. Si Zaqueo ay isang mayaman na tagakolekta ng buwis. Karamihan sa mga tao ay ayaw sa mga tagakolekta ng buwis. Iniisip nila na masyadong maraming pera ang kinukuha ng mga tagakolekta ng buwis mula sa mga tao.
Lucas 19:1–2
Narinig ni Zaqueo na nasa lungsod si Jesus. Gusto niyang malaman ang iba pang bagay tungkol sa Kanya. Sinubukan niyang masilayan si Jesus, ngunit hindi niya makita si Jesus dahil napakaraming tao sa kanyang paligid, at napakaliit ni Zaqueo para makakita nang lagpas sa kanila. Paano niya makikita si Jesus?
Lucas 19:3–4
Si Zaqueo ay tumakbo sa unahan at umakyat sa isang puno upang makita niya si Jesus. Nang dumaan si Jesus, tumingala Siya at nakita si Zaqueo sa puno. Tinawag ni Jesus ang kanyang pangalan at sinabing, “Bumaba ka.” Gusto siyang bisitahin ni Jesus sa bahay niya. Nagmadaling bumaba si Zaqueo sa puno. Masayang-masaya siya na pupunta si Jesus sa kanyang bahay.
Lucas 19:4–6
Nagtaka ang mga tao sa Jerico kung bakit pupunta si Jesus sa bahay ni Zaqueo. Akala nila ay makasalanan si Zaqueo dahil isa siyang tagakolekta ng buwis.
Lucas 19:7
Sinabi ni Zaqueo kay Jesus, “Ang kalahati ng aking mga pag-aari ay ibinibigay ko sa mga dukha.” Sinabi niya na kung masyadong maraming pera ang nakuha niya mula sa isang tao, mas marami pa ang ibinabalik niya sa kanya. Sinabi ni Jesus kay Zaqueo, “Sa araw na ito ay dumating ang kaligtasan sa bahay na ito.” Sinabi ni Jesus na naparito Siya upang hanapin at iligtas ang mga taong nawala.
Lucas 19:6, 8–10