Mateo 8:23–27; Marcos 4:36–41
Pinayapa ni Jesus ang Unos
Maging ang hangin at dagat ay sumusunod sa Kanya
Isang araw, naglalakbay si Jesus at ang Kanyang mga disipulo sa isang bangka sa Dagat ng Galilea. Nagsimulang umihip nang husto ang hangin. Nagsimulang humampas ang mga alon sa bangka at pinuno ito ng tubig. Gayunman, si Jesus ay payapang natutulog.
Mateo 8:23–24
Natakot ang mga disipulo. Ginising nila si Jesus. “Panginoon, iligtas mo kami,” pag-iyak nila. Akala nila ay malulunod sila sa dagat.
Mateo 8:25
“Bakit kayo’y nangatatakot?” tanong ni Jesus. Sinabi niya sa mga disipulo na kailangan nilang magkaroon ng higit na pananampalataya. Pagkatapos ay tumayo Siya at sinabi sa hangin at mga alon, “Pumayapa ka. Tumahimik ka.”
Mateo 8:26; Marcos 4:39
Biglang tumigil ang bagyo, at naging payapa ang dagat. Si Jesus at ang mga disipulo ay naging ligtas. Namangha ang mga disipulo ni Jesus. Napaisip sila kung anong klaseng tao ang makapag-uutos sa hangin at dagat, at sinusunod Siya ng mga ito!
Mateo 8:26–27