Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Buong Baluti ng Diyos—Pananatiling ligtas sa espirituwal


Efeso 6:11–17

Ang Buong Baluti ng Diyos

Pananatiling ligtas sa espirituwal

Si Pablo na sumusulat ng isang liham sa mga Banal sa Efeso tungkol sa ating espirituwal na digmaan laban sa kasamaan.

Itinuro ni Pablo sa mga Banal sa Efeso na tayong lahat ay nasa isang espirituwal na digmaan laban sa kasamaan. Tulad ng mga kawal na nagsusuot ng baluti upang panatilihing ligtas ang kanilang mga katawan, maaari nating isuot ang espirituwal na baluti ng Diyos upang mapanatiling ligtas ang ating mga espiritu.

Efeso 6:11–13

Isang batang babaeng naglalagay ng sinturon ng baluti.

Inihambing ni Pablo ang baluti ng isang sundalo sa mga bagay na nagpoprotekta sa atin sa espirituwal. Halimbawa, sinabi niya na ang katotohanan ay katulad ng isang pamigkis o sinturon sa ating baywang.

Efeso 6:14

Isang batang lalaking naglalagay ng isang baluti sa dibdib.

Pagkatapos, sinabi ni Pablo na ang kabutihan ay katulad ng isang baluti sa dibdib na nagpoprotekta sa ating puso.

Efeso 6:14

Baluti sa mga paa at binti.

Ang ebanghelyo ng kapayapaan ni Jesucristo ay katulad ng sapatos na isinusuot natin upang protektahan ang ating mga paa.

Efeso 6:15

Isang batang babae na may hawak na kalasag.

Ang ating pananampalataya kay Jesucristo ay katulad ng isang kalasag na nagpoprotekta sa atin mula kay Satanas, katulad ng isang kalasag na nagpoprotekta sa mga kawal mula sa mga palaso ng kanilang mga kaaway.

Efeso 6:16

Isang batang lalaking nakasuot ng helmet ng baluti.

Sinabi ni Pablo na ang kaligtasan ay katulad ng isang helmet na nagpapanatiling ligtas sa ating mga ulo at isipan.

Efeso 6:17

Dalawang tabak.

Sa huli, sinabi ni Pablo na ang Espiritu at ang salita ng Diyos ay katulad ng isang tabak.

Efeso 6:17

Isang batang babae at isang batang lalaki na lubos na pinoprotektahan ng baluti ng Diyos.

Kapag isinuot natin ang bawat piraso ng baluti ng Diyos, maaari tayong manindigan nang buong tapang laban sa mga kasinungalingan at tukso ng diyablo. Ibinigay sa atin ng Diyos ang baluting ito upang tulungan tayong mapanatiling ligtas at malakas ang ating mga espiritu.

Efeso 6:11–13