Roma 3:21–28; 5:1–11; 6:3–6
Pag-asa kay Jesucristo para sa Kaligtasan
Naligtas sa pamamagitan ng Kanyang biyaya
Ang mga tao mula sa iba’t ibang lugar ay sumapi sa Simbahan ni Jesucristo. Ang mga miyembro ng Simbahan ay tinawag na mga Banal.
Roma 1:7
Ang ilan sa mga Banal ay mga Judio na sumusunod pa rin sa batas ni Moises. Ang iba ay hindi. Hindi sila nagkasundo kung kailangan nilang sundin ang batas ni Moises.
Roma 2:14–15, 23–29
Alam ni Pablo na ang mga Banal ay may mga ganitong tanong. Sumulat siya ng isang liham sa mga Banal sa Roma. Sinabi niya sa kanila na walang sinumang maliligtas sa pamamagitan lamang ng pagsisikap na sundin ang batas ni Moises. Lahat tayo ay nagkakasala, paliwanag niya. Upang maligtas, ang lahat ay kailangang manampalataya kay Jesucristo at sumunod sa Kanya.
Roma 3:20–23
Itinuro ni Pablo na isinugo ng Diyos si Jesucristo upang dalhin sa Kanyang sarili ang ating mga kasalanan. Dahil sa sakripisyo ni Jesucristo, lahat tayo ay maaaring magsisi at mapatawad sa ating mga kasalanan.
Roma 3:24–31
Itinuro ni Pablo na binibigyan tayo ni Jesucristo ng kaloob na kapatawaran at lakas na gumawa ng mabubuting bagay. Ang mapagmahal na kaloob na ito ay tinatawag na biyaya ni Jesucristo, at pinupuspos tayo nito ng pag-asa at kagalakan. Sinabi ni Pablo na kapag tayo ay bininyagan, katulad ni Jesus, para itong pagsisimula ng bagong buhay bilang tagasunod ni Jesus.
Roma 5:1–11; 6:3–6