Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Gustong Parusahan ng mga Tao ang Isang Babaeng Nagkasala—“Humayo ka, at huwag nang magkasala”


Juan 8:1–11

Gustong Parusahan ng mga Tao ang Isang Babaeng Nagkasala

“Humayo ka, at huwag nang magkasala”

Si Jesus na nagtuturo sa templo.

Isang umaga, nagpunta si Jesucristo sa templo sa Jerusalem. Maraming tao ang nagtipon sa Kanyang paligid upang pakinggan Siyang magturo.

Juan 8:1–2

Dinadala ng mga pinunong Judio ang isang babae kay Jesus.

Habang nagtuturo si Jesus, dinala ng ilang pinunong Judio ang isang babae kay Jesus. Nahuli siyang nilalabag ang isa sa mga utos ng Diyos. Ayon sa batas, ang babae ay dapat na patayin ng mga tao sa pamamagitan ng paghagis ng mga bato sa kanya.

Juan 8:3–5

Itinatanong ng mga lalaki kay Jesus kung paano dapat parusahan ang babae.

Tinanong ng mga lalaki si Jesus kung ano ang dapat mangyari sa kanya. Sinusubukan nilang linlangin si Jesus. Alam nila na ayaw Niyang masaktan ang babae. Ngunit kung sinabi ni Jesus na hindi dapat parusahan ang babae, maaari nilang sabihin na hindi Niya sinusunod ang batas.

Juan 8:6

Sumusulat si Jesus sa lupa.

Ngunit hindi sila sinagot ni Jesus. Yumuko siya at sumulat sa lupa. Muli siyang tinanong ng mga lalaki kung ano ang dapat nilang gawin.

Juan 8:6–7

Tumutugon si Jesus sa mga pinuno.

Sa wakas, tumayo si Jesus at tumingin sa mga lalaking nakapalibot sa Kanya. Sinabi niya na kung sinuman sa kanila ang hindi nagkasala kailanman, siya ang unang maghagis ng bato sa babae.

Juan 8:7

Patuloy na sumusulat si Jesus sa lupa.

Pagkatapos ay muling yumuko si Jesus at nagpatuloy sa pagsulat sa lupa. Alam ng lahat ng mga lalaki na mayroon din silang mga kasalanan. Isa-isa silang nagsialis.

Juan 8:8–9

Sinasabi ni Jesus sa babae na siya ay pinatawad na.

Tumingin si Jesus sa paligid at nakita lamang ang babaeng nakatayo roon. Tinanong Niya siya kung saan nagpunta ang lahat ng taong gustong parusahan siya. Sinabi niya sa Kanya na umalis na silang lahat. Sinabi ni Jesus sa babae, “Humayo ka, at huwag nang magkasala.” Mula noon, naniwala na ang babae kay Jesus.

Juan 8:9–11.