1 Corinto 6:16–20
Inihambing ni Pablo ang Ating mga Katawan sa Templo
Mga sagradong kaloob mula sa Diyos
Ang Corinto ay isang malaking lungsod sa tabi ng dagat. Ang lungsod ay may maraming taong hindi sumasamba sa Diyos. Tinuruan ni Pablo ang mga tao sa Corinto tungkol kay Jesus. Maraming tao ang naniwala at nabinyagan.
Mga Gawa 18:8–11
Pagkaalis ni Pablo, narinig niya na may ilang problema ang mga miyembro ng Simbahan. Maraming tao sa Corinto ang hindi sumusunod sa mga kautusan ng Diyos sa kung paano tratuhin o gamitin ang ating mga katawan.
1 Corinto 6:13–18
Sumulat si Pablo sa kanila ng isang liham. Sinabi niya na ang ating mga katawan ay katulad ng templo ng Diyos. Iginagalang natin ang templo dahil bahay ito ng Diyos. Dapat din nating igalang ang ating mga katawan dahil kaloob ito ng Diyos.
1 Corinto 6:19–20
Nais ng Ama sa Langit na piliin nating gumawa ng mabubuting bagay sa ating mga katawan. Kapag ginawa natin ito, mapapasaatin ang Espiritu Santo.
1 Corinto 6:19
Sinabi ni Pablo na nagbayad si Jesucristo ng halaga para sa atin sa pamamagitan ng Kanyang pagdurusa. Ipinapakita natin ang ating pagmamahal para kay Jesus sa pamamagitan ng paggawa ng mabubuting pagpili tungkol sa ating mga katawan at ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan. Ipinapakita natin sa Diyos na nagpapasalamat tayo sa napakagandang kaloob na ating mga katawan sa pamamagitan ng pagtrato sa mga ito na katulad ng templo.
1 Corinto 6:20