Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Nagturo si Jesus tungkol sa Lupa, mga Binhi, Tinapay, at mga Perlas—Mga simpleng kuwento na tutulong sa ating maunawaan ang mga espirituwal na katotohanan


Mateo 13

Nagturo si Jesus tungkol sa Lupa, mga Binhi, Tinapay, at mga Perlas

Mga simpleng kuwento na tutulong sa ating maunawaan ang mga espirituwal na katotohanan

Nagtuturo si Jesus mula sa bangka habang nakikinig ang mga tao.

Madalas magkuwento si Jesus ng mga tinatawag na mga talinghaga. Sa mga talinghaga, inihambing ni Jesus ang karaniwan at araw-araw na mga bagay sa mahahalagang katotohanan tungkol sa Kanyang ebanghelyo. Para maunawaan ang mga talinghaga, kinailangang makinig nang mabuti ng Kanyang mga tagasunod at pag-isipan nang malalim ang kahulugan nito. Ang mga talinghaga ay nakatulong sa kanila na malaman ang tungkol sa kaharian ng Diyos.

Mateo 13:3, 10–15

Sinisimulan ni Jesus ang isang talinghaga tungkol sa isang lalaking nagtanim ng ilang binhi.

Sa isang talinghaga, isang lalaki ang nagpunta sa bukid para magtanim ng ilang binhi. Nagkalat siya ng maraming binhi sa bukid. Ang mga binhi ay nahulog sa iba’t ibang uri ng lupa.

Mateo 13:3

Ang ilan sa mga binhi na nahuhulog sa daang may matigas na lupa.

Ang ilang binhi ay nahulog sa daang may matigas na lupa, kung saan hindi kailanman lalago ang mga iyon. Dumating ang mga ibon at kinain ang mga binhing nahulog doon.

Mateo 13:4

Ang ilan sa mga binhi na nahuhulog sa mabatong lupa.

Ang ilang binhi ay nahulog sa mabatong lupa. Mabilis na lumago ang mga binhi, ngunit hindi lumaki ang mga ugat dahil sa mga bato. Nang dumating ang tag-init, namatay ang mga halaman.

Mateo 13:5–6

Ilan sa mga binhing nahuhulog sa lupa na puno ng mga damo.

Ang ilang binhi ay nahulog sa lupa na puno ng matitinik na damo. Dahil sa matitinik na damo, hindi lumaki ang mga binhi.

Mateo 13:7

Ang ilan sa mga binhi na naging malulusog na halaman.

Ang iba pang mga binhi naman ay nahulog sa matabang lupa. Naging malalakas at malulusog na halaman ang mga ito. Naging mabunga ang mga ito.

Mateo 13:8

Ipinapaliwanag ni Jesus na ang mga binhi ay katulad ng salita ng Diyos.

Upang matulungan ang Kanyang mga disipulo na maunawaan ito, ipinaliwanag ni Jesus ang kahulugan ng Kanyang talinghaga. Ang mga binhi ay ang salita ng Diyos. Ang iba’t ibang uri ng lupa ay katulad ng puso ng mga tao at ang iba’t ibang paraan ng pagtugon nila kapag narinig nila ang salita ng Diyos. Ang matabang lupa ay parang mga taong nakaririnig sa salita ng Diyos, nauunawaan ito, at sumusunod sa Kanya.

Mateo 13:18–23

Nagtuturo si Jesus tungkol sa isang binhi ng mustasa.

Para maituro kung paano lalago ang kaharian ng Diyos, nagkuwento si Jesus tungkol sa isang binhi ng mustasa. Napakaliit nito, ngunit lumalaki ito para maging isang puno kung saan maaaring manirahan ang mga ibon.

Mateo 13:31–32

Nagtuturo si Jesus ng tungkol sa tinapay at pampaalsa.

Sinabi rin ni Jesus na ang kaharian ng Diyos ay tulad ng lebadura o pampaalsa na ginamit ng isang babae sa paggawa ng tinapay. Mangangailangan lamang ng kaunting lebadura para umalsa ang tinapay.

Mateo 13:33

Nagkukuwento si Jesus ng isang talinghaga tungkol sa isang perlas.

Nagkuwento si Jesus tungkol sa isang lalaking bumili ng mga perlas. Natagpuan niya ang isang perlas na napakaganda at napakahalaga. Ipinagbili niya ang lahat ng mayroon siya para mabili niya ang perlas. Isinalaysay ni Jesus ang kuwentong ito para maituro na napakahalaga ng mga pagpapala ng ebanghelyo kaya dapat nating gawin ang lahat ng makakaya natin para matanggap ang mga ito.

Mateo 13:45–46