Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Jesus at ang Binatang Mayaman—“Ano ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?”


Marcos 10:17–31

Si Jesus at ang Binatang Mayaman

“Ano ang dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?”

Isang binatang tumatakbo papunta kay Jesus.

Habang naglalakbay si Jesus at ang Kanyang mga disipulo, isang mayayang binata ang nagmamadaling lumapit kay Jesus at lumuhod sa Kanyang harapan. Tinanong niya si Jesus kung ano ang dapat niyang gawin upang muling makapiling ang Ama sa Langit.

Marcos 10:17

Ipinaalala ni Jesus sa binatilyo ang tungkol sa mga kautusan.

Ipinaalala ng Tagapagligtas sa binata na alam na niya ang mga utos ng Diyos: huwag pumatay, huwag magsinungaling o magnakaw, at igalang ang iyong ama at ina.

Marcos 10:19

Tumugon ang binata kay Jesus.

Sumagot ang binata na palagi niyang sinusunod ang mga kautusang ito, mula pa noong bata pa siya.

Marcos 10:20

Tinuruan ni Jesus ang binata.

Tiningnan ni Jesus ang binata nang may pagmamahal. Sinabi Niya sa kanya na kailangan pa niyang gawin ang isa pang bagay. Kailangan niyang ibenta ang lahat ng mayroon siya, ibigay ang pera sa mga maralita, at maging isa sa mga tagasunod ni Jesus. Pagkatapos ay magkakaroon siya ng mga kayamanan sa langit!

Marcos 10:21

Lumakad palayo ang binata.

Napakayaman ng binata. Ayaw niyang ibigay ang lahat ng mayroon siya. Naglakad siya palayo na nalulungkot.

Marcos 10:22

Ipinaliwanag ni Jesus na kailangan nating magtiwala sa Diyos, hindi sa mga kayamanan.

Sinabi ni Jesus na mas madali para sa isang kamelyo na dumaan sa mata ng isang karayom kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang mga taong nagmamahal sa kayamanan. Nagulat ang mga disipulo. “Sino kung gayon ang maliligtas?” tanong nila. Ipinaliwanag ni Jesus na kailangan nating magtiwala sa Diyos para maligtas. “Sa Diyos ang lahat ng bagay ay maaaring mangyari,” sabi Niya.

Marcos 10:23–30