Lucas 24:13–25
Inalo ni Jesus ang Dalawang Disipulo
Inalo ni Jesus ang Dalawang Disipulo
Noong araw na nabuhay na muli si Jesus, dalawang disipulo ang naglalakad mula sa Jerusalem papunta sa isang bayan na tinatawag na Emaus. Sila ay mga tagasunod ni Jesus, at malungkot sila. Nag-uusap sila tungkol sa pagkamatay ni Jesus at sa iba pang mga bagay na nangyari nitong nakaraang ilang araw.
Lucas 24:13–14
Habang naglalakad sila, dumating si Jesus at lumakad na kasama nila, pero hindi nila alam na si Jesus iyon. Tinanong Niya kung ano ang pinag-uusapan nila at kung bakit sila nalulungkot.
Lucas 24:15–17
Nagulat sila na hindi Niya alam ang nangyari. Sinabi nila sa Kanya ang tungkol kay Jesus. Inakala nila na Siya ang magiging Tagapagligtas nila, ngunit Siya ay namatay.
Lucas 24:18–21
Sinabi rin nila na may ilang kababaihang nagpunta sa Kanyang libingan, ngunit wala na ang katawan ni Jesus. Sinabi ng mga anghel sa kababaihan na buhay si Jesus.
Lucas 24:21–24
Pagkatapos ay itinuro sa kanila ni Jesus ang sinabi ng mga banal na kasulatan tungkol sa Tagapagligtas. Sinabi Niya na itinuro ng mga propeta na ang Tagapagligtas ay mamamatay at muling babangon.
Lucas 24:25–27
Pagdating nila sa Emaus, gumagabi na. Inanyayahan ng dalawang disipulo si Jesus na manatili sa piling nila. Umupo si Jesus para samahan sila sa pagkain. Kumuha Siya ng tinapay, binasbasan ito, at ibinigay ito sa mga disipulo. Sa sandaling iyon, nalaman nilang si Jesus iyon. Bigla Siyang nawala.
Lucas 24:29–31
Ikinuwento ng dalawang disipulo kung gaano kasaya ang nadama nila sa kanilang puso habang tinuturuan sila ni Jesus mula sa mga banal na kasulatan. Nagmadali silang bumalik sa Jerusalem para sabihin sa iba pang mga disipulo na nakita nila si Jesus.
Lucas 24:32–35