Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Talinghaga ng mga Manggagawa sa Ubasan—Isang mensahe ng pag-asa


Mateo 20:1–16

Ang Talinghaga ng Mga Manggagawa sa Ubasan

Isang mensahe ng pag-asa

Nagkukuwento si Jesus ng isang talinghaga tungkol sa isang lalaking tumanggap ng ilang manggagawa para tulungan siya.

Nagkuwento si Jesus sa Kanyang mga disipulo ng isang talinghaga o istorya upang tulungan silang maunawaan kung ano ang kahalintulad ng kaharian ng langit. Sa talinghaga, kailangan ng isang lalaki ng mga tao na magtrabaho sa kanyang ubasan. Kaya, isang umaga, nakatagpo siya ng ilang manggagawa na pumayag na magtrabaho kapalit ang isang barya. Nagsimula silang magtrabaho.

Mateo 20:1–2

Kumukuha ang lalaki ng mas maraming manggagawa.

Makalipas ang tatlong oras, kumuha ang lalaki ng mas maraming manggagawa. Hiniling niya sa kanila na magtrabaho sa kanyang ubasan sa natitirang oras ng araw. Nangako Siyang babayaran sila nang patas .

Mateo 20:3–4

Umuupa ang lalaki ng mas maraming manggagawa.

Tatlong oras pagkatapos niyon, mas marami pang natagpuang taong nangangailangan ng trabaho ang lalaki. Iniutos niya sa kanila na gumawa rin sa kanyang ubasan.

Mateo 20:5

Mas maraming tao ang natatagpuan ng lalaki at inuupahan sila para tulungan siya.

Sa huli, sa pagtatapos ng maghapon, nakita ng lalaki ang mga taong walang gagawin. Sabi nila, walang nagbigay sa kanila ng anumang trabaho sa buong maghapon. Sinabi ng lalaki na maaari silang magtrabaho sa huling oras ng araw sa kanyang ubasan.

Mateo 20:6–7

Binabayaran ng lalaki ang mga manggagawa, at ang ilan ay nadidismaya.

Sa pagtatapos ng araw, binayaran ng lalaki ang mga manggagawa. Nagbigay siya ng isang barya sa mga taong nagtrabaho nang isang oras. Nagbigay rin siya ng isang barya sa bawat isa sa iba pang mga manggagawa. Ang mga taong nagtrabaho nang buong maghapon ay nagalit. Inakala nila na dapat silang makakuha ng mas maraming pera kaysa sa iba.

Mateo 20:8–12

Nagtuturo si Jesus tungkol sa pagiging mabait at patas.

Ipinaalala ng lalaki sa mga manggagawa na pumayag silang magtrabaho buong maghapon kapalit ang isang barya. Sinabi niya na hindi sila dapat magalit kung pipiliin niyang maging mabait sa iba na nagtrabaho sa kanyang ubasan.

Mateo 20:13–16