Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Tabita, isang Babaeng “Puspos ng Mabubuting Gawa”—Ibinalik ang buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesucristo


Mga Gawa 9:36–42

Si Tabita, isang Babaeng “Puspos ng Mabubuting Gawa”

Ibinalik ang buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesucristo

Si Tabita na naghahabi ng damit.

Si Tabita ay isang matapat na disipulo ni Jesucristo. Nakatira siya sa isang bayan sa tabi ng dagat, na tinatawag na Joppa. Gustung-gusto niyang maglingkod at tulungan ang mga taong maralita.

Mga Gawa 9:36

Binibigyan ni Tabita ng mga damit ang mga taong nangangailangan.

Gumawa si Tabita ng mga damit at ibinigay ang mga ito sa kababaihang nangangailangan. Mahal nila si Tabita.

Mga Gawa 9:39

Nagkasakit si Tabita.

Isang araw, nagkasakit nang malubha si Tabita. Napakalala ng sakit niya na ikinamatay niya.

Mga Gawa 9:37

Dalawang lalaki ang nagmamadaling makausap si Pedro.

Lungkot na lungkot ang iba pang mga miyembro ng Simbahan sa Joppa. Alam nila na si Pedro, isa sa mga Apostol ni Jesus, ay nasa kalapit na bayan. Nagpadala sila ng dalawang lalaki upang hilingin kay Pedro na magmadali at sumama sa kanila.

Mga Gawa 9:38

Dinala ng mga tao si Pedro patungo kay Tabita.

Pumunta si Pedro sa kinaroroonan ng katawan ni Tabita. Ang ilan sa mga babaeng tinulungan ni Tabita ay naroon. Ipinakita nila kay Pedro ang mga damit na ginawa niya para sa kanila.

Mga Gawa 9:39

Lumuhod si Pedro at nanalangin sa tabi ni Tabita.

Hiniling ni Pedro sa lahat ng tao na umalis sa silid. Lumuhod siya at nanalangin.

Mga Gawa 9:40

Muling nabuhay si Tabita.

Matapos manalangin, sinabi ni Pedro, “Tabita, bumangon ka.” Binuksan niya ang kanyang mga mata at umupo. Tinulungan ni Pedro si Tabita na tumayo. Nabuhay siyang muli! Hiniling ni Pedro sa kanyang mga kaibigan na lumapit at tingnan siya. Namangha sila! Alam nila na muli siyang nabuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesucristo. Marami pang tao ang naniwala sa Kanya.

Mga Gawa 9:40–42