Juan 5:1–17
Si Jesus sa Tipunan ng Tubig ng Betesda
Pagpapagaling sa isang lalaking matagal nang maysakit
Sa Jerusalem, may lugar na tinatawag na Tipunan ng Tubig ng Betesda. Naniwala ang mga tao na ang pool na ito ay may nakapagpapagaling na mga kapangyarihan. Maraming taong maysakit, bulag, o hindi makalakad ang nagpunta sa tipunan ng tubig na ito.
Juan 5:2–3
Naniwala ang mga tao na, sa ilang pagkakataon, isang anghel ang bumababa at pinupukaw ang mga tubig ng tipunang ito. Ang unang taong lumusong sa tubig matapos itong mapukaw ay mapapagaling sa anumang sakit na mayroon sila. Maraming tao ang nagtangkang mauna sa tipunan ng tubig.
Juan 5:4
Isa sa mga tao sa tipunan ay isang lalaking hindi makalakad. Siya ay 38 taon nang maysakit. Gusto niyang lumusong sa tipunan ng tubig para gumaling, ngunit tuwing susubukan niya, may ibang nauuna sa kanya.
Juan 5:5–7
Isang araw ng Sabbath, nasa Jerusalem si Jesus. Habang naglalakad Siya sa lungsod, nagpunta Siya sa Tipunan ng Tubig ng Betesda at nakita ang lalaking nakahiga roon.
Juan 5:6
Alam ni Jesus na matagal nang maysakit ang lalaki at hindi makalakad. Tinanong siya ni Jesus kung gusto niyang gumaling.
Juan 5:6
Sinabi ng lalaki kay Jesus na walang sinuman ang makakatulong sa kanya na makalusong sa tipunan ng tubig, at kapag napukaw ang tubig, palagi siyang nauunahan ng iba.
Juan 5:7
Sinabi ni Jesus sa lalaki, “Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.” Agad na gumaling ang lalaki! Pagkatapos ay tumayo siya at dinampot ang kanyang kama. Sa unang pagkakataon sa loob ng 38 taon ay nakapaglakad siya!
Juan 5:8–9
Nakita ng mga pinuno ng mga Judio na dala-dala ng lalaki ang kanyang kama. Sinabi nila na hindi niya iginagalang ang araw ng Sabbath, dahil inakala nila na ang pagdadala ng kanyang kama ay parang pagtatrabaho. Ipinaliwanag ng lalaki na kagagaling lang niya, at ang taong nagpagaling sa kanya ay sinabihan siyang dalhin ang kanyang kama.
Juan 5:10–11
Nalaman ng mga pinuno na si Jesus ang nagpagaling sa lalaki at nagsabi sa kanya na dalhin ang kanyang higaan sa araw ng Sabbath. Nagalit sila kay Jesus at gusto Siyang patayin. Sinabi ni Jesus sa kanila na ginagawa lamang Niya ang mga bagay na itinuro sa Kanya ng Kanyang Ama sa Langit.
Juan 5:15–17