Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Binasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata—“Sa mga ganito ang kaharian ng Diyos”


Marcos 10:13–16

Binasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata

“Sa mga ganito ang kaharian ng Diyos”

Hinihiling ng mga tao na basbasan ni Jesus ang kanilang mga anak.

Habang nagtuturo si Jesus, dinala ng ilang tao ang kanilang maliliit na anak sa Kanya. Gusto nilang basbasan ni Jesus ang kanilang mga anak. Tinangka ng Kanyang mga disipulo na pigilan sila.

Mateo 19:13; Marcos 10:13

Tinuturo ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na maging katulad ng maliliit na bata.

Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na hayaang lumapit sa Kanya ang mga bata. Sinabi Niya na ang maliliit na bata ay kabilang sa kaharian ng Diyos. Ipinaliwanag Niya na kung nais ng isang tao na muling makapiling ang Diyos, kailangan nilang maging katulad ng isang maliit na bata.

Mateo 19:14; Marcos 10:14–15

Binabasbasan ni Jesus ang mga bata.

Pagkatapos ay kinarga ni Jesus ang mga bata at binasbasan sila.

Mateo 19:15; Marcos 10:16