Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pinagaling ni Jesus ang Isang Lalaking Bulag—Isang unti-unting pagpapagaling


Marcos 8:22–25

Pinagaling ni Jesus ang Isang Lalaking Bulag

Isang unti-unting pagpapagaling

Mga taong nagdadala ng isang bulag na lalaki upang mapagaling ni Jesus.

Sa isang bayan na tinatawag na Bethsaida, dinala ng mga tao ang isang lalaking bulag kay Jesus. Gusto nilang basbasan siya ni Jesus para makakita siya.

Marcos 8:22

Binabasbasan ni Jesus ang lalaki.

Hawak ni Jesus ang kamay ng lalaki at inakay siya palabas ng bayan. Pagkatapos ay ipinatong ni Jesus ang Kanyang mga kamay sa lalaki at binasbasan siya.

Marcos 8:23

Nakakakita na ngayon ang lalaki, ngunit hindi mabuti.

Tinanong ni Jesus ang lalaki kung may nakikita siyang anuman. Tumingala ang lalaki. Sinabi niya na nakakakita siya nang kaunti, pero hindi gaanong malinaw. Sinabi niya na mukhang naglalakad na mga puno ang mga tao.

Marcos 8:23–24

Malinaw nang nakakakita ngayon ang lalaki.

Binasbasan muli ni Jesus ang lalaki. Sa pagkakataong ito, nang tumingala siya, malinaw na ang lahat. Pinagaling siya ni Jesus!

Marcos 8:25