Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Jesus ay Bininyagan—Pagpapakita ng halimbawa ng pagsunod sa Diyos


Mateo 3

Si Jesus ay Bininyagan

Pagpapakita ng halimbawa ng pagsunod sa Diyos

Isang pagsasalarawan kay Juan Bautista.

Tinawag ng Diyos si Juan upang tulungan ang mga tao na maghanda para sa pagdating ni Jesucristo. Itinuro ni Juan sa mga tao na magsisi at magpabinyag. Tinawag siya ng mga tao na Juan Bautista.

Mateo 3:1–12

Pagpunta ni Jesus kay Juan para magpabinyag.

Si Juan ay isang makapangyarihang guro. Maraming tao ang dumating upang pakinggan siya at magpabinyag. Isang araw, dumating si Jesus upang magpabinyag.

Mateo 3:5, 13

Magkasamang nag-uusap sina Jesus at Juan.

Alam ni Juan na palaging sinusunod ni Jesus ang Diyos. Hindi niya kailangang magsisi. Sa palagay ni Juan ay hindi niya dapat binyagan si Jesus. Inakala ni Juan na siya pa nga dapat ang binyagan ni Jesus!

Mateo 3:14

Si Juan na binibinyagan si Jesus.

Sinabi ni Jesus na kailangan din Niyang magpabinyag. Nais Niyang sundin ang lahat ng utos ng Kanyang Ama. Gusto rin Niyang magpakita ng halimbawa sa atin. Bininyagan Siya ni Juan.

Mateo 3:13–15; 2 Nephi 31:5–7

Bininyagan si Jesucristo. Ang Espiritu Santo ay bumaba.

Pagkaahon ni Jesus mula sa tubig, bumaba ang Espiritu Santo sa Kanya na tulad sa isang kalapati. Nagsalita ang Ama sa Langit mula sa langit, na nagsasabing, “Ito ang pinakamamahal Kong Anak.” Masayang-masaya ang Ama sa Langit kay Jesus.

Mateo 3:16–17