Juan 1:43–51
Halika at Tingnan Mo
Pag-anyaya sa isang kaibigan na sumunod kay Jesus
Ang isang lalaking nagngangalang Felipe ay isa sa mga tagasunod ni Jesus. Alam niya na si Jesus ang Tagapagligtas. Nais ni Felipe na malaman din ng kaibigan niyang si Nathanael ang tungkol kay Jesus.
Juan 3:43-45
Alam ni Nathanael na sinabi sa mga banal na kasulatan na magsusugo ang Diyos ng isang Tagapagligtas. Sinabi sa kanya ni Felipe na natagpuan na niya ang Tagapagligtas—ang kanyang pangalan ay Jesus, mula sa Nazaret.
Juan 1:45
Noong una, hindi siya pinaniwalaan ni Nathanael. Sa palagay niya ay hindi maaaring magmula sa Nazaret ang Tagapagligtas. “Mayroon bang mabuting bagay na maaaring manggaling sa Nazaret?” tanong niya. Sumagot si Felipe, “Halika at tingnan mo.”
Juan 1:46
Sumama si Nathanael kay Felipe upang makita si Jesus. Nang makita sila ni Jesus na paparating, sinabi Niya na si Nathanael ay isang mabuti at tapat na tao. Nabigla si Nathanael. Hindi pa niya nakita si Jesus kailanman. Paano siya nakilala ni Jesus?
Juan 1:47–48
Sinabi ni Jesus kay Nathanael na bago siya kinausap ni Felipe, nakita siya ni Jesus na nakaupo sa ilalim ng puno ng igos.
Juan 1:48
Ngayon ay nalaman ni Nathanael na si Jesus ang Anak ng Diyos. Sinabi ni Jesus kay Nathanael na makikita niya ang mahahalagang bagay—tulad ng mga anghel na nagmumula sa langit—lahat dahil sa kanyang pananampalataya.
Juan 1:49–51