Mateo 12:1–12; Lucas 13:10–17
Pinagaling ni Jesus ang Isang Babae sa Araw ng Sabbath
Paggawa ng mabuti sa Kanyang banal na araw
Naglalakad si Jesus at ang Kanyang mga disipulo sa bukid ng trigo sa araw ng Sabbath. Gutom sila, kaya kumuha sila ng ilang trigo at kinain ito. Nakita sila ng ilang pinunong Judio na tinatawag na mga Fariseo. Maraming patakaran ang mga Fariseo tungkol sa araw ng Sabbath. Ang pagkuha ng trigo ay labag sa kanilang mga patakaran.
Mateo 12:1–2
Tinanong ng mga Fariseo si Jesus kung bakit hindi iginalang ng Kanyang mga disipulo ang Araw ng Sabbath. Sumagot si Jesus na wala silang ginawang mali. Ibinigay sa atin ng Diyos ang araw ng Sabbath upang pagpalain tayo, hindi para mas pahirapin ang ating buhay.
Mateo 12:2–8; Marcos 2:27
Kalaunan, nagtuturo si Jesus sa sinagoga sa araw ng Sabbath. Napansin ni Jesus ang isang babae roon. Hindi siya makatayo nang tuwid. Labingwalong taon na siyang may ganitong problema.
Lucas 13:10–12
Inanyayahan ni Jesus ang babae na lumapit sa Kanya. Ipinatong Niya ang Kanyang mga kamay sa babae upang basbasan siya.
Lucas 13:12–13
Kaagad na tumayo nang tuwid ang babae. Nagalit ang pinuno ng sinagoga dahil nagpagaling si Jesus sa araw ng Sabbath.
Lucas 13:13–14
Sinabi ni Jesus na ang pagtulong sa babaeng ito ay ang tamang gawin. Itinuro ni Jesus na tamang gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath. Napahiya ang pinuno, at nagalak ang mga tao sa sinagoga dahil napagaling ang babae.
Lucas 13:15–17; tingnan din sa Lucas 6:9