Mga Gawa 6–7
Nagpatotoo si Esteban tungkol kay Jesucristo
Isang matapang na tagapaglingkod ang nagbigay ng kanyang buhay para sa kanyang patotoo
Mabilis na lumalago ang Simbahan. Nahihirapan ang mga Apostol na pangalagaan ang lahat ng miyembro.
Mga Gawa 6:1–2
Nagpasiya ang mga Apostol na tumawag ng pitong lalaking makakatulong. Hiniling nila sa mga miyembro na hanapin ang mga lalaking puspos ng karunungan at ng Espiritu Santo.
Mga Gawa 6:3
Isa sa mga taong pinili nila si Esteban. Binasbasan siya ng mga Apostol. Malakas ang pananampalataya ni Esteban at nakagawa siya ng mga dakilang himala sa mga tao.
Mga Gawa 6:5–8
Nagturo si Esteban tungkol kay Jesucristo nang may karunungan at sa pamamagitan ng Espiritu. Ngunit hindi gusto ng mga pinuno ng sinagoga ang itinuturo niya. Sinabi nila na nagsasalita siya laban kay Moises at sa Diyos. Dinala nila si Esteban sa harapan ng mataas na saserdote at iba pang mga pinuno.
Mga Gawa 6:9–15; 7:1
Ang mukha ni Esteban ay parang mukha ng isang anghel. Ipinaalala niya sa mga pinuno na isinugo ng Diyos si Moises upang iligtas ang mga Israelita, ngunit hindi nila palaging sinusunod si Moises. Sinabi ni Esteban na si Moises ay katulad ni Jesucristo. Isinugo ng Diyos si Jesus upang iligtas ang Kanyang mga tao, ngunit hindi Siya sinunod ng mga pinuno. Nagalit ang mga pinuno kay Esteban.
Mga Gawa 7:20–43, 51–54
Puspos ng Espiritu Santo, tumingin si Esteban sa langit. Nakita niyang nakatayo si Jesucristo sa tabi ng Ama sa Langit.
Mga Gawa 7:55–56
Nang sabihin ni Esteban sa mga pinuno ang kanyang nakita, lalo silang nagalit. Sumigaw sila sa galit at hinawakan si Esteban. Hinatak nila siya palabas ng lungsod.
Mga Gawa 7:57
Inihiga nila ang kanilang mga damit sa paanan ng isang lalaking nagngangalang Saulo. Pagkatapos ay pinagbabato nila si Esteban upang patayin siya. Sinang-ayunan ni Saulo ang ginawa nila. Nagdasal si Esteban. Hiniling niya sa Panginoon na patawarin ang mga taong nananakit sa kanya. Hiniling din niya sa Panginoon na tanggapin ang kanyang espiritu sa langit.
Mga Gawa 7:59–60; 8:1