Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Si Jesus ang Mabuting Pastol—“Pinapakinggan ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking kilala”


Juan 10:1–18

Si Jesus ang Mabuting Pastol

“Pinapakinggan ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking kilala”

Si Jesus na nakikipag-usap sa mga tao sa Jerusalem

Sinabi ni Jesus sa mga tao sa Jerusalem na Siya ay tulad ng isang mabuting pastol. Ang Kanyang mga disipulo, o mga alagad, ay katulad ng Kanyang mga tupa. Mahal ng mabuting pastol ang kanyang mga tupa. Alam niya ang pangalan ng bawat isa.

Juan 10:3, 14; tingnan din sa Helaman 15:13

Tinatawag ng pastol ang kanyang mga tupa.

Kilala ng mga tupa ang tinig ng mabuting pastol. Kapag tinawag niya sila, nakikinig sila at sumusunod.

Juan 10:4, 27

Pinamumunuan ng pastol ang kanyang mga tupa.

Inaalagaan ng mabuting pastol ang kanyang mga tupa. Inaakay niya sila sa mga maberdeng pastulan, tulad ng pag-akay ni Jesucristo sa atin tungo sa buhay na walang hanggan.

Juan 10:9–10, 28

Isang taong inupahan na iniiwan ang mga tupa at tumatakbo palayo sa panganib.

Kapag may isang taong inupahan upang alagaan ang mga tupa, hindi nila siya sinusunod, dahil hindi nila nakikilala ang kanyang tinig. Pagdating ng panganib, tumatakbo ang taong inupahan. Hindi siya nagmamalasakit sa mga tupa tulad ng ginagawa ng mabuting pastol.

Juan 10:5, 12–13

Pinoprotektahan ng pastol ang kanyang mga tupa.

Hindi tumatakbo palayo ang mabuting pastol kapag may panganib. Nananatili Siya para protektahan ang Kanyang mga tupa. Handa pa nga siyang ibigay ang kanyang buhay para sa kanila, tulad ng pagbibigay ni Jesucristo ng Kanyang buhay para sa atin upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan.

Juan 10:11, 17–18

Ipinaliliwanag ni Jesus na dadalawin Niya ang iba pa Niyang mga tupa sa Amerika.

Sinabi ni Jesus sa mga tao sa Jerusalem na may iba pa Siyang mga tupa na nakatira sa ibang mga lugar. Sinabi ni Jesus na dadalawin din Niya sila, at maririnig nila ang Kanyang mga turo. Nakasaad sa Aklat ni Mormon ang tungkol sa pagbisita ni Jesus sa ilan sa iba pa Niyang mga tupa sa Amerika.

Juan 10:16; 3 Nephi 15:11–24