Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Kay Cristo Ang Lahat ay Bubuhayin—Itinuro ni Pablo ang tungkol sa pagkabuhay na muli


1 Corinto 15

Kay Cristo ang Lahat ay Bubuhayin

Itinuro ni Pablo ang tungkol sa pagkabuhay na muli

Sumusulat si Pablo sa mga miyembro ng Simbahan sa Corinto. Sila ay nakatipon sa paligid ng isang babaeng pumanaw na.

Ang ilang miyembro ng Simbahan sa isang lungsod na tinatawag na Corinto ay may mga tanong tungkol sa mangyayari pagkatapos nating mamatay. Hindi sila nakatitiyak na talagang nabuhay na muli si Jesus. Sinabi ng ilang tao na walang pagkabuhay na muli. Nakarating ito kay Pablo at sumulat siya ng isang liham sa mga Banal sa Corinto.

1 Corinto 15:12–14

Nakikipag-usap ang nabuhay na muling Tagapagligtas sa Kanyang mga Apostol.

Isinulat ni Pablo na ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo ay mahalagang bahagi ng Kanyang ebanghelyo. “Si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan,” sabi ni Pablo, at “muling binuhay nang ikatlong araw.” Mahigit 500 katao ang nakakita sa Kanya pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, kabilang na si Pablo at ang iba pang mga Apostol.

1 Corinto 15:1–8

Sumusulat si Pablo ng isang liham; nililisan nina Adan at Eva ang Halamanan ng Eden; at nakatayo si Jesus malapit sa libingan.

Itinuro ni Pablo na kung hindi nabuhay na muli si Cristo, tayong lahat ay magiging malungkot at walang pag-asa. Dahil sa Pagkahulog ni Adan, lahat tayo ay mamamatay, ngunit dahil kay Jesucristo, tayong lahat ay mabubuhay na muli rin!

1 Corinto 15:17–22

Isang babaeng binibinyagan.

Ipinaalala ni Pablo sa mga Banal sa Corinto na binibinyagan ang mga tao para sa mga patay. Bakit kailangan nating gawin iyon kung hindi na muling bubuhayin ang mga taong namatay? Nagbibinyag tayo para sa mga patay dahil alam natin na ang lahat ay mabubuhay muli. Binibigyan sila nito ng pagkakataong matanggap ang gayon ding mga pagpapala ng Panginoon.

1 Corinto 15:29

Isang babaeng nakaluhod sa harapan ni Jesus.

Inisip ng ilang Banal sa Corinto kung ano ang mangyayari sa ating mga katawan kapag nabuhay tayong muli. Sinabi ni Pablo na magiging maluwalhati ang ating mga katawan. Ang mga ito ay hindi manghihina o magkakasakit o tatanda. Ang ilang tao ay magkakaroon ng mga katawang selestiyal, maningning na katulad ng araw. Ang iba ay magiging maningning na katulad ng buwan, at ang iba ay magiging maningning na katulad ng mga bituin.

1 Corinto 15:35, 40–43; Doktrina at mga Tipan 76:96–98; 88:20–23