Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Walang Makapaghihiwalay sa Atin sa Pag-ibig ni Cristo—Isang pangako para sa mga panahon na mahirap ang buhay


Roma 8:18–39

Walang Makapaghihiwalay sa Atin sa Pag-ibig ni Cristo

Isang pangako para sa mga panahon na mahirap ang buhay

Sumusulat si Pablo ng isang liham sa mga taga-Roma. Isang miyembro ng Simbahan na pinakikitunguhan nang hindi maganda.

Ang Roma ay isang napakalaking lungsod na maraming tao. Ang ilan sa mga tao ay mga tagasunod ni Jesucristo, ngunit ang karamihan ay hindi. Maraming tao sa Roma ang naniwala sa mga bagay na ibang-iba mula sa itinuro ni Jesus. Kung minsan, hindi maganda ang pakikitungo ng mga tao sa Roma sa mga miyembro ng Simbahan.

Isang miyembro ng Simbahan na nananalangin at tumatanggap ng inspirasyon.

Sumulat si Apostol Pablo ng isang liham sa mga Banal sa Roma. Gusto niyang malaman nila na kahit mahirap kung minsan ang buhay, may malalaking pagpapala ang Diyos na ibibigay sa kanila. Kung mahal natin ang Diyos, makatutulong Siya na ang mga mahihirap na bagay sa ating mga buhay ay humantong sa isang bagay na mabuti.

Roma 8:18, 28

Isang miyembro ng Simbahan na tinutulungan ang isang taong hindi naging mabait sa kanya.

Isinulat ni Pablo na walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Jesucristo. Gaano man kahirap ang ating mga pagsubok, matutulungan Niya tayong malampasan ang mga ito.

Roma 8:31, 35–39