Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Talinghagang Tungkol sa mga Talento—Pinagyayaman ang ibinigay sa atin ng Diyos


Mateo 25:14–30

Ang Talinghagang Tungkol sa mga Talento

Pinagyayaman ang ibinigay sa atin ng Diyos

Nagkuwento si Jesus ng isang talinghaga tungkol sa isang lalaki at sa kanyang mga tagapaglingkod.

Upang magturo tungkol sa kaharian ng Diyos, nagkuwento si Jesus ng isang talinghaga. Sa talinghaga, isang lalaki ang naghahandang maglakbay patungo sa isang malayong bansa. Bago umalis, nakipagkita siya sa tatlo sa kanyang mga tagapaglingkod at hiniling sa kanila na pangalagaan ang kanyang pera habang wala siya.

Mateo 25:14

Ang lalaki ay nagbibigay ng mga talento sa bawat isa sa kanyang mga tagapaglingkod.

Binigyan ng lalaki ang bawat isa sa kanyang mga tagapaglingkod ng malaking halaga ng perang tinatawag na mga talento. Binigyan niya ang isang tagapaglingkod ng limang talento. Binigyan niya naman ng dalawang talento ang isa pang tagapaglingkod. At binigyan niya ang huling tagapaglingkod ng isang talento. Pagkatapos ay umalis siya patungo sa kanyang paglalakbay.

Mateo 25:15

Ang isang tagapaglingkod ay kumita ng lima pang talento.

Nagsikap nang husto ang tagapaglingkod na tumanggap ng limang talento. Ginamit niya ang mga talento para kumita ng lima pa.

Mateo 25:16

Ang isang tagapaglingkod ay kumita ng dalawa pang talento.

Nagsikap nang husto ang tagapaglingkod na tumanggap ng dalawang talento. Ginamit niya ang mga talento para kumita ng dalawa pa.

Mateo 25:17

Ibinaon ng isang tagapaglingkod ang kanyang talento.

Ang alipin na tumanggap ng isang talento ay naghukay at ibinaon ang talento sa lupa.

Mateo 25:18

Bumalik ang lalaki mula sa kanyang paglalakbay.

Pagkaraan ng ilang panahon, bumalik ang lalaki mula sa kanyang paglalakbay. Gusto niyang malaman kung ano ang ginawa ng mga tagapaglingkod sa mga talentong ibinigay niya sa kanila.

Mateo 28:19.

Masaya ang lalaki sa naunang dalawang tagapaglingkod.

Sinabi ng tagapaglingkod na tumanggap ng limang talento at ng tagapaglingkod na tumanggap ng dalawang talento sa kanilang panginoon kung paano nila nadoble ang mga talento habang wala siya. Naging masaya ang panginoon. Sinabi niya na dahil napakatapat nila, mas marami pa siyang ipagkakatiwala sa kanila. Sinabi niya sa kanila na maging masaya.

Mateo 25:20–23

Sinabi ng pangatlong tagapaglingkod na itinago niya ang kanyang talento.

Sinabi ng tagapaglingkod na tumanggap ng isang talento sa kanyang panginoon na natakot siya, kaya itinago niya ang talento sa lupa. Ibinalik niya ang talento sa panginoon.

Mateo 25:24–25

Ang lalaki ay hindi naging masaya sa tagapaglingkod na ito.

Hindi naging masaya ang panginoon sa tagapaglingkod na ito. Sinabi niya na dapat ay ginamit ng tagapaglingkod ang ibinigay sa kanya upang makakuha ng mas maraming talento. Ibinigay ng panginoon ang talento sa tagapaglingkod sa may sampung talento. Nais ng panginoon na gamitin ng kanyang mga tagapaglingkod ang mga talentong ibinigay niya sa kanila upang tumulong sa pagtatayo ng kanyang kaharian.

Mateo 25:26–29