Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Sa Pagkakaisa ng Pananampalataya—Pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga apostol at propeta


Efeso 2:19–20; 4:11–14

Sa Pagkakaisa ng Pananampalataya

Pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga apostol at propeta

Si Pablo at ang iba pang mga Apostol na nagbibinyag at nagkukumpirma ng mga bagong miyembro ng Simbahan.

Ipinangaral ng mga Apostol ni Jesus ang Kanyang ebanghelyo sa maraming bansa. Ang mga taong naniwala sa ebanghelyo ay nabinyagan. Nais ni Apostol Pablo na madama ng lahat na malugod silang tinatanggap sa Simbahan ng Tagapagligtas, kahit na sila ay mula sa iba’t ibang lugar.

Mateo 28:19–20; Efeso 2:19

Si Jesus na napapalibutan ng mga tao.

Sumulat si Pablo ng isang liham sa mga Banal sa Efeso. Sinabi niya na noong namatay si Jesus para sa atin, tila sinira Niya ang isang pader na naghiwalay sa mga anak ng Diyos. Saanman sila nanggaling, hindi na sila mga estranghero. Maaari silang makatanggap ng ebanghelyo at maging bahagi ng “sambahayan ng Diyos,” katulad ng isang malaking pamilya!

Efeso 2:11–19

Si Jesus na tinuturuan ang isang grupo ng mga bata, na may batong panulok ng isang gusali sa unahan.

Sinabi ni Pablo na ang Simbahan ay katulad ng isang matatag na gusali. Ang mga gusali ay nangangailangan ng matibay na pundasyon. Ang pinakamahalagang bato sa pundasyon ay ang punong batong panulok. Ang lahat ng iba pang mga bato ay nakahanay sa batong panulok. Si Jesucristo ang punong batong panulok ng Kanyang Simbahan.

Efeso 2:20

Mga larawan ng mga taong nagtuturo, naglilingkod, at nagbabahagi ng ebanghelyo.

Ang natitirang bahagi ng pundasyon ng Simbahan ay ang mga propeta at apostol, na nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo. Inaanyayahan din tayong lahat ng Panginoon na tumulong sa pagtatayo ng Kanyang Simbahan—sa pamamagitan ng pagtuturo, paglilingkod, pagbabahagi ng ebanghelyo, at sa maraming iba pang paraan.

Efeso 2:20; 4:11–12

Isang grupo ng mga batang magkakasamang nagkakaisa.

Kailangan ang Simbahan, sabi ni Pablo, upang matulungan ang bawat tao na makilala si Jesucristo. Ang Simbahan ni Jesucristo ay nasa mundo ngayon, na may matibay na pundasyon ni Jesucristo at ng Kanyang mga propeta at apostol. Sa pamamagitan ng Kanyang Simbahan, maaari tayong umunlad “sa pagkakaisa ng pananampalataya” at maging higit na katulad ni Jesus.

Efeso 2:21–22; 4:13