Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pinagaling ni Jesus ang Isang Lalaking Hindi Makalakad—Pisikal at espirituwal na paggaling


Marcos 2:1–12

Pinagaling ni Jesus ang Isang Lalaking Hindi Makalakad

Pisikal at espirituwal na pagpapagaling

Nagtuturo si Jesus sa isang bahay na puno ng mga tao.

Maraming tao ang gustong marinig ang pagtuturo ni Jesus. Isang araw, Siya ay nagturo sa isang bahay na puno ng mga tao.

Marcos 2:1–2

Mga taong nagdadala ng isang lalaki upang mapagaling ni Jesus.

Apat na tao ang nagpunta sa bahay kasama ang isang kaibigang hindi makalakad. Kinailangan nila siyang buhatin sa isang kama. Gusto nilang dalhin ang kanilang kaibigan kay Jesus, pero napakaraming tao sa bahay kaya hindi sila makapasok.

Marcos 2:3–4

Ibinababa ng mga tao ang lalaki sa bahay.

Kaya dinala nila ang kanilang kaibigan sa bubong ng bahay. Inalis nila ang isang bahagi ng bubong at ibinaba ang kanilang kaibigan at ang kama nito sa bahay, sa gitna ng mga tao, sa harapan ni Jesus.

Marcos 2:4

Pinatatawad ni Jesus ang lalaki.

Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi Niya sa lalaking hindi makalakad, “Anak, pinatatawad na ang iyong mga kasalanan.”

Marcos 2:5

Nagalit ang ilan sa mga pinunong Judio.

Nang marinig ito ng ilang pinuno ng mga Judio, nagalit sila. Naisip nila na tanging Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan.

Marcos 2:6–7

Ang lalaki ay gumaling at tumayo.

Alam ni Jesus ang iniisip nila. Upang matulungan silang maunawaan na siya ay totoong may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan, gumawa Siya ng isang himala. Sinabi niya sa lalaking hindi makalakad, “Tumayo ka, damputin mo ang iyong higaan, at umuwi ka.” Tumayo ang lalaki at lumakad! Ang lahat ay namangha at nagpasalamat sa Diyos.

Marcos 2:8–12