Mga Gawa 8:5–24
Si Simon at ang Kapangyarihan ng Diyos
Pag-aaral tungkol sa priesthood ng Diyos
Isang lalaking nagngangalang Simon ang nakatira sa Samaria. Nang marinig niya ang ebanghelyo ni Jesucristo, naniwala siya. Namangha rin siya sa mga himalang ginawa ng mga disipulo ni Jesus sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Nabinyagan si Simon, at napakaraming iba pang kalalakihan at kababaihan sa Samaria.
Mga Gawa 8:5–13
Narinig ng mga Apostol sa Jerusalem na binibinyagan ang mga tao sa Samaria. Nagpunta sina Pedro at Juan sa Samaria. Gamit ang kapangyarihan ng Diyos, ang priesthood, ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga taong nabinyagan at ibinigay sa kanila ang kaloob na Espiritu Santo.
Mga Gawa 8:14–17
Nang makita ni Simon na ginawa ito nina Pedro at Juan, binigyan niya sila ng pera at sinabing, “Bigyan din ninyo ako ng kapangyarihang ito.” Gusto niyang bilhin ang priesthood ng Diyos upang maibigay rin niya ang kaloob na Espiritu Santo.
Mga Gawa 8:18–19
Ipinaliwanag ni Pedro na walang sinumang makabibili ng kapangyarihan ng Diyos. Ito ay kaloob mula sa Kanya. Sinabi ni Pedro kay Simon na kailangang magbago ang puso niya. Inanyayahan niya si Simon na magsisi at manalangin sa Diyos para sa kapatawaran.
Mga Gawa 8:30–23
Nagsisi si Simon. Hiniling niya kay Pedro na ipagdasal na tulungan siyang magbago.
Mga Gawa 8:24