Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pambungad: Tungkol sa Bagong Tipan—Ang kuwento tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga tagasunod


Pambungad

Tungkol sa Bagong Tipan

Ang kuwento tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang mga tagasunod

Isang sinaunang propeta na nagsusulat sa isang pergamino.

Ang Biblia ay may dalawang bahagi: ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. Ang Lumang Tipan ay naglalaman ng mga isinulat ng mga propeta noong unang panahon. Isinulat ng ilan sa mga propetang ito na nangako ang Diyos na magpapadala Siya ng isang Tagapagligtas. Siya ang magiging Anak ng Diyos at magliligtas sa atin mula sa kasalanan at kamatayan upang makapiling nating muli ang Diyos.

Isaias 53:3–5; Jacob 7:11; Moises 4

Si Maria na hawak ang sanggol na si Jesus.

Nakasaad sa Bagong Tipan kung paano natupad ang pangakong ito. Nagkukuwento ito tungkol sa pagsilang kay Jesucristo, ang Anak ng Diyos.

Lucas 2:4–7

Si Jesus na tinuturuan ang isang grupo ng mga tao.

Ang Bagong Tipan ay nagkukuwento rin tungkol sa buhay ni Jesus. Namuhay Siya kasama ng mga Judio at nagturo sa atin kung paano mamuhay upang makabalik tayo sa Ama sa Langit balang araw.

Mateo 5:1–2

Si Jesus na nag-aaruga sa isang bata.

Binasbasan at pinaglingkuran ni Jesus ang mga tao. Marami Siyang ginawang himala para sa kanila, tulad ng pagpapagaling sa mga taong maysakit at pagbuhay sa mga taong namatay na.

Mateo 4:23

Si Jesus na inoorden ang isa sa Kanyang mga Apostol.

Pinili ni Jesus ang labindalawa sa Kanyang mga alagad na maging mga Apostol. Binigyan Niya sila ng awtoridad na pamunuan ang Kanyang Simbahan.

Lucas 9:1–2

Si Jesus na lumalabas mula sa libingan.

Dahil mahal Niya tayo, inako ni Jesus sa Kanyang sarili ang lahat ng ating pasakit, kalungkutan, at kasalanan. Namatay Siya para sa atin. Pagkatapos, makalipas ang tatlong araw, nadaig Niya ang kamatayan at nabuhay na mag-uli! Si Jesucristo ay buhay at dahil sa Kanya, maaari tayong magsisi sa ating mga kasalanan at mabuhay na muli pagkatapos nating mamatay.

Alma 7:11–13

Dalawang bata sa modernong panahon na nagbabasa ng Bagong Tipan.

Ang mga taong nakakilala at nagmahal kay Jesus ay sumulat tungkol sa lahat ng ito. Sumulat ang Kanyang mga Apostol ng mga liham upang tulungan ang mga miyembro ng Simbahan na patatagin ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Ang mga bagay na isinulat nila ay iningatan sa loob ng napakaraming taon. Ngayon ay maaari mo nang basahin ang mga ito sa Bagong Tipan at matutuhan kung paano sundin si Jesucristo.

Lucas 1:1–4