2 Corinto 12:7–10
Mapapalakas ni Jesus ang Mahihinang Bagay
Ang aral ni Pablo mula sa isang “tinik”
Si Apostol Pablo ay isang dakilang tagapaglingkod ni Jesucristo. Marami siyang paghahayag at tinuruan niya ang mga tao tungkol sa Tagapagligtas. Marami rin siyang naging hamon.
2 Corinto 12:7
Sa isang liham sa mga miyembro ng Simbahan, inihambing ni Pablo ang kanyang mga hamon sa pagkakaroon ng tinik sa kanyang balat. Pinahina nito nang lubusan si Pablo.
2 Corinto 12:7
Tatlong beses, si Pablo ay nanalangin at humiling sa Panginoon na alisin ang kanyang hamon. Ngunit hindi ito inalis ng Panginoon.
2 Corinto 12:8–9
Sa halip, sinabi ng Panginoon kay Pablo na may sapat Siyang kapangyarihan na palakasin si Pablo. Nalaman ni Pablo na kung minsan ay maaaring maging mabuting bagay ang isang hamon kung babaling tayo sa Panginoon at hihingi ng tulong. Kapag nanghihina tayo, mapapalakas tayo ni Jesucristo, kahit hindi mawawala ang ating mga hamon.
2 Corinto 12:9–10