Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Mga Anak ng Liwanag—Paniniwala kay Jesucristo habang hinihintay nating muli Siyang pumarito


1 at 2 Tesalonica

Mga Anak ng Liwanag

Paniniwala kay Jesucristo habang hinihintay nating muli Siyang pumarito

Si Pablo na sumusulat ng isang liham sa mga tao sa Tesalonica.

Nasasabik ang mga Banal noong panahon ni Pablo sa araw na muling paparito si Jesucristo sa mundo. Sa isang lugar na tinatawag na Tesalonica, humihirap ang buhay para sa mga Banal. Inisip nila kung ang ibig sabihin nito ay malapit nang dumating si Jesus. Sumulat si Pablo ng mga liham upang tulungan sila.

1 Tesalonica 4:16–18; 5:1–2; 2 Tesalonica 1:4

Isang pamilyang natutulog.

Sinabi ni Pablo na walang nakaaalam kung kailan muling paparito si Jesus. Magiging sorpresa ito sa ilang tao, katulad ng isang magnanakaw na darating sa gabi habang sila ay natutulog.

1 Tesalonica 5:2–3; 2 Tesalonica 2:2

Isang masayang pamilya na magkakasamang nakaupo sa maningning na ilaw ng isang lamparang de-langis.

Ngunit sinabi ni Pablo sa mga Banal na wala sila sa kadiliman. Dahil sinunod nila si Jesucristo, ang mga Banal ay mga anak ng liwanag!

1 Tesalonica 5:4–5

Ang masayang pamilyang nagbabahagi ng ebanghelyo sa isa pang pamilya.

Ipinaliwanag ni Pablo na bago muling pumarito si Jesus, maraming tao ang tatalikod sa katotohanan. Nais Niyang patuloy na sundin ng mga Banal, ang mga anak ng liwanag, si Jesus at patuloy na umasa sa Kanyang pagparito. Kung gagawin natin ito, anuman ang nangyayari sa mundo, magiging handa tayo kapag bumalik si Jesus.

1 Tesalonica 1:5; 2 Tesalonica 2:3