Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Pinatawad ni Jesus ang Isang Babae—“Labis siyang nagmahal”


Lucas 7:36–50

Pinatawad ni Jesus ang Isang Babae

“Labis siyang nagmahal”

Inaanyayahan ni Simon si Jesus sa kanyang bahay.

Isang lalaking nagngangalang Simon ang nag-anyaya kay Jesus na pumunta sa kanyang bahay at kumain na kasama niya. Si Simon ay kabilang sa isang grupo ng mga lider na tinatawag na mga Fariseo.

Lucas 7:36

Isang babae ang dumating upang makita si Jesus.

Habang kumakain sila, isang babae ang nagpunta sa bahay ni Simon. Narinig niya na naroon si Jesus. Gusto niyang ipakita ang kanyang pasasalamat at pagmamahal sa Kanya.

Lucas 7:37

Hinuhugasan ng babae ang mga paa ni Jesus.

Umiyak ang babae nang makita niya si Jesus. Nahugasan ng mga luha ng babae ang Kanyang mga paa. Pagkatapos ay pinatuyo niya ang mga paa ni Jesus gamit ang kanyang buhok. Hinagkan niya ang Kanyang mga paa at nilagyan ang mga ito ng mabangong langis.

Lucas 7:38

Nagalit si Simon na kinakausap ng babae si Jesus.

Alam ni Simon na ang babaeng ito ay nakagawa ng maraming kasalanan. Naisip niya na kung talagang tao ng Diyos si Jesus, malalaman Niya na makasalanan ang babaeng ito, at hindi Niya siya hahawakan.

Lucas 7:39

Ipinaliliwanag ni Jesus kung bakit hinugasan ng babae ang Kanyang mga paa.

Alam ni Jesus kung ano ang iniisip ni Simon. Sinabi niya kay Simon na hinugasan ng babae ang Kanyang mga paa dahil mahal niya Siya. Karaniwang binibigyan ng tubig ang mga panauhin upang hugasan ang kanilang mga paa. Hindi ginawa ni Simon ang anumang katulad nito para magpakita ng pagmamahal kay Jesus.

Lucas 7:40–47

Sinabi ni Jesus sa babae na humayo nang payapa.

Sinabi ni Jesus sa babae na pinatawad na siya sa kanyang mga kasalanan dahil minahal niya Siya at sumampalataya siya sa Kanya. Sinabi Niya sa kanya na maaari siyang humayo nang payapa.

Lucas 7:47–50