Mga Gawa 16:9–40
Sina Pablo at Silas
Sinagip ng mga himala mula sa Panginoon
Tinawag ng Panginoon sina Pablo at Silas upang magkasamang ipangaral ang ebanghelyo. Naglakbay sila patungo sa maraming lungsod upang makita kung kumusta ang mga simbahan.
Mga Gawa 15:40–41; 16:4–8
Isang gabi, sa isang pangitain, nakita ni Pablo ang isang lalaki mula sa Macedonia na humihiling sa kanya na pumunta sa kanyang lungsod. Umalis kaagad sina Pablo at Silas. Alam nila na nais ng Diyos na pumunta sila.
Mga Gawa 16:9–10
Pagdating nila sa Macedonia, narinig silang nagtuturo ng isang babaeng nagngangalang Lydia. Binuksan ng Panginoon ang puso ni Lydia. Naniwala siya sa itinuro ni Pablo at nabinyagan.
Mga Gawa 16:13–15
Sinabi ni Lydia kina Pablo at Silas na maaari silang manatili sa kanyang bahay habang naroon sila.
Mga Gawa 16:15
Ngunit hindi lahat ay nagustuhan na naroon sina Pablo at Silas. Hindi gusto ng ilang tao ang itinuturo nila. Dinala nila sina Pablo at Silas sa pamilihan at sinabi sa mga pinuno ng lungsod na nagdudulot sila ng problema.
Mga Gawa 16:16–21
Nagalit ang mga tao kina Pablo at Silas. Pinunit ng mga pinuno ng lungsod ang mga damit nina Pablo at Silas at sinabing dapat silang bugbugin.
Mga Gawa 16:22–23
Pagkatapos ay ibinilanggo ng mga pinuno ng lungsod sina Pablo at Silas. Iginapos nila ang kanilang mga paa at naglagay ng bantay sa kanila.
Mga Gawa 16:23–24
Nang gabing iyon, nanalangin at kumanta sina Pablo at Silas ng mga himno sa Diyos habang nakikinig ang iba pang mga bilanggo. Biglang nagsimulang manginig ang lupa. Bumukas ang mga pinto ng bilangguan, at nakalag ang mga tali.
Mga Gawa 16:25–26
Nagising ang bantay at nakita ang bukas na mga pinto. Akala niya, nakatakas na ang mga bilanggo at mananagot siya sa pagpapatakas sa kanila. Sinabi ni Pablo sa bantay na huwag mag-alala. Naroon pa rin ang lahat ng bilanggo.
Mga Gawa 16:27–28
Natakot ang bantay. Lumuhod siya kina Pablo at Silas at sinabing, “Ano ang kailangan kong gawin upang maligtas?” Sabi nila, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus”
Mga Gawa 16:27–31
Itinuro nina Pablo at Silas sa bantay at sa kanyang pamilya ang ebanghelyo. Ginamot ng bantay ang mga sugat nina Pablo at Silas. Noong gabing iyon, siya at ang kanyang pamilya ay nabinyagan!
Mga Gawa 16:32–33