Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Dinalaw ng mga Anghel sina Maria at Jose—Pinili upang pangalagaan ang Anak ng Diyos


Mateo 1; Lucas 1

Dinalaw ng mga Anghel sina Maria at Jose

Pinili upang pangalagaan ang Anak ng Diyos

Sina Maria at Jose na nag-uusap.

Isang babaeng nagngangalang Maria ang nanirahan sa bayan ng Nazaret. Mahal niya ang Diyos at sinunod ang Kanyang mga kautusan. Ikakasal si Maria noon sa isang lalaking nagngangalang Jose, na nagmamahal din sa Diyos.

Mateo 1:18–19; Lucas 1:26–28

Dinalaw ng anghel na si Gabriel si Maria.

Isang araw, isang anghel na nagngangalang Gabriel ang bumisita kay Maria. Noong una, natakot si Maria. Ngunit sinabi ni Gabriel na siya ay isinugo ng Diyos. Hindi kailangang matakot ni Maria. Sinabi niya na napakaespesyal ni Maria sa Diyos at hindi magtatagal ay magkakaroon siya ng isang sanggol. Ang anak ni Maria ay ang magiging Anak ng Diyos na si Jesus.

Lucas 1:26–33

Sinasabi ng anghel kay Maria na magkakaanak siya.

Ngunit nalito si Maria. Hindi pa siya kasal kay Jose. Paano siya magkakaroon ng anak? Ipinaliwanag ni Gabriel na mangyayari ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Sinabi niya sa kanya na “sa Diyos ay walang salitang hindi mangyayari.”

Lucas 1:34–37

Sinabi ni Maria sa anghel na handa siyang maging ina ng Anak ng Diyos.

Si Maria ay mapagpakumbaba at tapat. Sinabi niya kay Gabriel na siya ay isang tagapaglingkod ng Panginoon. Handa siyang maging ina ng Anak ng Diyos.

Lucas 1:38

Nalaman ni Jose na magkakaroon ng anak si Maria.

Nang malaman ni Jose na magkakaroon ng anak si Maria, nabagabag siya. Inisip niya kung dapat pa rin ba siyang magpakasal kay Maria.

Mateo 1:19

Isang anghel na nagpapakita kay Jose.

Ngunit isang gabi sa panaginip, binisita ng anghel si Jose. Sinabi ng anghel kay Jose na ang anak ni Maria ay ang Anak ng Diyos at dapat siyang pangalanan ni Jose na Jesus. Ililigtas ni Jesus ang lahat ng tao mula sa kanilang mga kasalanan. Sinabi ng anghel na dapat pa ring magpakasal si Jose kay Maria.

Mateo 1:20–23

Sina Maria at Jose na ikinakasal.

Ginawa ni Jose ang sinabi ng anghel. Ikinasal sina Jose at Maria.

Mateo 1:24

Binibisita ni Maria ang kanyang pinsan na si Elizabeth.

Binisita ni Maria ang pinsan niyang si Elizabeth. Sinabi ng anghel kay Maria na nagdadalantao rin si Elizabeth, kahit napakatanda na niya. Ito ay isa pang himala mula sa Diyos. Ang kanyang anak na lalaki ay magiging si Juan Bautista. Pagpasok ni Maria sa bahay, binati niya si Elizabeth.

Lucas 1:13–17, 36, 39–40

Sina Elizabeth at Maria na nagagalak.

Nang marinig ni Elizabeth si Maria, tumalon sa kagalakan ang sanggol sa sinapupunan ni Elizabeth. Napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth. Alam niya na dinadala ni Maria ang Anak ng Diyos. Nagsaya rin si Maria kasama ni Elizabeth. Pinuri niya ang Diyos para sa lahat ng magagandang bagay na ginagawa Niya para pagpalain ang Kanyang mga anak.

Lucas 1:41–55