Marcos 12:41–44
Isang Balo at Dalawang Maliliit na Barya
Nagturo si Jesus tungkol sa sakripisyo
Nagpunta si Jesus sa templo sa Jerusalem. Habang naroon Siya, minasdan Niya ang pagbibigay ng salapi ng mga tao para sa gawain sa templo. Maraming mayayamang nagbigay ng malaking halaga.
Marcos 12:41
Pagkatapos ay nagbigay ang isang maralitang balo ng dalawang barya na tinatawag na kusing. Kaunting halaga lang iyon, pero iyon lang ang pera niya.
Marcos 12:42, 44
Nakita ni Jesus ang balo at hiniling sa Kanyang mga disipulo na tingnan ang ginawa niya.
Marcos 12:43
Sinabi ni Jesus na ang balo ay nagbigay nang higit kaninuman. Ang mayayaman ay nagbigay ng maraming pera, ngunit maliit na bahagi lang iyon ng mayroon sila. Kaunti lang ang perang ibinigay ng balo, pero ibinigay niya ang lahat ng mayroon siya.
Marcos 12:43–44