Lucas 7:1–10
Pinagaling ni Jesus ang Alipin ng Senturion
Ipinakita ng isang pinunong Romano ang malaking pananampalataya
Isang senturion ang nakatira sa Capernaum na isang bayan kung saan madalas magturo si Jesus. Siya ang pinuno ng isang malaking grupo ng mga sundalo.
Lucas 7:1–2
Ang senturion na ito ay may isang alipin na napakaespesyal sa kanya. Nagkasakit ang alipin at malapit nang mamatay.
Lucas 7:2
Kahit hindi Judio ang senturion, narinig na niya ang tungkol kay Jesus. Naniwala siya na may kapangyarihan si Jesus na gumawa ng mga dakilang himala. Nagpadala siya ng ilang pinuno ng mga Judio upang hilingin kay Jesus na pumunta at pagalingin ang kanyang alipin.
Lucas 7:3–4
Sinabi ng mga lider kay Jesus ang tungkol sa senturion at sa kanyang alipin. Sinabi nila na ang senturiong ito ay mabait sa mga Judio. Nagsimulang maglakad si Jesus papunta sa bahay ng senturion. Ngunit bago Siya nakarating doon, hinarang ng ilang kaibigan ng senturion si Jesus. Sinabi nila sa Kanya na huwag pumasok sa bahay.
Lucas 7:4–6
Sinabi ng mga kaibigan na sa tingin ng senturion ay hindi siya marapat na puntahan ni Jesus sa kanyang bahay. Naniwala siya na mapagagaling ni Jesus ang kanyang alipin kahit sa malayo!
Lucas 7:6–8
Namangha si Jesus sa pananampalataya ng senturion. Sinabi Niya na hindi pa Siya nakakita ng ganoong kalaking pananampalataya.
Lucas 7:9
Nang bumalik ang mga kaibigan ng senturion sa kanyang bahay, lubos nang napagaling ang alipin. Pinagaling siya ni Jesus, tulad ng paniniwala ng senturion na magagawa Niya.
Lucas 7:10