Lucas 2:39–52
Ang Batang si Jesus
Pagkatuto at Paglaki
Si Jesus ay lumaki sa bayan ng Nazaret kasama sina Maria at Jose. Sa paglipas ng panahon, marami pa Siyang natutuhan tungkol sa Ama sa Langit. Naghanda Siya para sa gawaing nais ng Ama sa Langit na gawin Niya.
Lucas 2:39–40; Doktrina at mga Tipan 93:12–14
Noong 12 taong gulang si Jesus, nagpunta Siya sa Jerusalem kasama ng Kanyang pamilya at mga kaibigan upang ipagdiwang ang Paskua. Nanatili sila roon nang ilang araw.
Lucas 2:41–43
Sa kanilang paglalakbay pabalik, natanto nina Maria at Jose na hindi nila kasama si Jesus. Bumalik sila sa Jerusalem para hanapin Siya. Labis ang kanilang pag-aalala.
Lucas 2:44–46
Matapos ang tatlong araw na paghahanap, natagpuan sa wakas nina Maria at Jose si Jesus. Nasa templo Siya at nakikipag-usap sa ilang guro tungkol sa mga banal na kasulatan. Nagtatanong ang mga guro sa Kanya. Namangha sila sa dami ng nalalaman at naunawaan ni Jesus!
Lucas 2:46–47
Sinabi ni Maria kay Jesus kung gaano sila nag-alala nang hindi nila Siya mahanap. Sinabi ni Jesus na ginagawa Niya ang gawain ng Kanyang Ama sa Langit. Bumalik si Jesus sa Nazaret kasama ang Kanyang pamilya. Sinunod niya sina Maria at Jose.
Lucas 2:48–52
Patuloy na natuto si Jesus. Siya ay naging mas malaki at mas malakas. Mahal Siya ng Ama sa Langit at tinulungan Siyang maghanda para sa Kanyang misyon. Minahal ni Jesus ang mga tao sa kanyang paligid, at Siya ay minahal nila.
Lucas 2:52