Juan 4
Si Jesus, Isang Babae, at Isang Balon
Pagtuturo tungkol sa tubig na buhay
Naglakad si Jesus at ang Kanyang mga disipulo sa Samaria patungong Galilea. Tumigil sila para kumuha ng tubig sa isang balon. Habang nagpapahinga si Jesus doon, bumili ng pagkain ang Kanyang mga disipulo.
Juan 4:3–8
Isang babae mula sa Samaria ang dumating sa balon upang punuin ang kanyang palayok ng tubig. Humingi si Jesus ng inumin. Nagulat ang babae. Si Jesus ay isang Judio, at karamihan sa mga Judio ay hindi nakikipag-usap sa mga Samaritano.
Juan 4:7–9
Sinabi sa kanya ni Jesus na muling nauuhaw ang mga taong umiinom ng tubig mula sa balon. Ngunit maibibigay Niya sa kanya ang “tubig na buhay” ng buhay na walang hanggan, at hindi na siya mauuhaw kailanman. Sinabi ng babae na gusto niya ng “tubig na buhay.”
Juan 4:10–14
Sinabi sa kanya ni Jesus na tawagin ang kanyang asawa. “Wala akong asawa,” sabi niya. Sinabi ni Jesus na mayroon siyang limang asawa, at ang lalaking kinakasama niya ay hindi ang kanyang asawa.
Juan 4:16–18
Nagulat ang babae na alam ni Jesus ang mga bagay na ito tungkol sa kanya. Sinabi niya na alam niya na hindi magtatagal at darating na ang isang Tagapagligtas. Sinabi sa kanya ni Jesus na Siya ang Tagapagligtas.
Juan 4:19, 25–26
Iniwan ng babae ang kanyang palayok ng tubig sa balon at nagpunta sa lungsod. Sinabi niya sa maraming tao na natagpuan niya ang Tagapagligtas. Inanyayahan niya silang puntahan Siya at pakinggan Siyang magturo. Dahil sa babaeng ito, maraming Samaritano ang naniwala kay Jesucristo.
Juan 4:28–29, 39–42