Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21


“Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21,” Manwal ng Titser sa Institute para sa Bagong Tipan (2025)

Ang nabuhay na mag-uling Cristo na nagpakita kay Maria Magdalena malapit sa libingang walang laman

The Resurrection [Ang Pagkabuhay na Mag-uli], ni Harry Anderson

Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21

Sa pagsapit ng unang araw ng linggo, ipinahayag ng isang anghel ng Panginoon ang masayang balita na si Jesus ay bumangon mula sa mga patay. Pagkatapos ay nagpakita ang nabuhay na mag-uling Cristo sa marami sa Kanyang mga tagasunod, kabilang si Maria Magdalena, dalawang disipulo sa daan papuntang Emaus, at sa Kanyang mga Apostol. Kalaunan ay nagpakita ang Tagapagligtas sa ilan sa Kanyang mga disipulo sa dalampasigan ng Dagat ng Tiberias (Galilea) at iniutos Niya kay Pedro na pakainin ang Kanyang mga tupa.

Karagdagang Resources

Scripture Helps: New Testament [Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan], “Matthew 28; Mark 16; Luke 24; John 20–21 [Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21]

Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng patnubay kung paano gamitin ang apat na sumusunod na pamantayang elemento ng lesson.

Icon ng Pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Bago magklase, isiping magpadala sa mga estudyante ng isa o mahigit pa sa sumusunod na mga mensahe o ng ilan sa sarili mong mga mensahe:

  • Isipin kung paano ang pagkamatay ng isang taong mahal mo ay nakaapekto o maaaring makaapekto sa iyong buhay sa hinaharap. Basahin ang Lucas 24:36–48, at isipin kung paano magdudulot sa iyo ng pag-asa ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Maaari mo ring panoorin ang “Because of Him: An Easter Message of Hope and Triumph” (1:11).

  • May mga tanong ka ba o ang isang kakilala mo tungkol sa pagiging Diyos ni Jesucristo? Basahin ang Juan 20:24–29, na inaalam ang mensahe mula sa Tagapagligtas na makapagpapalakas ng pananampalataya ng isang tao.

  • Sinabi ni Pangulong Henry B. Eyring, “Nanalangin ako na tulutan akong madama kahit bahagya ang nadama ni Maria sa libingan” (“Mapasainyo ang Kanyang Espiritu,” Liahona, Mayo 2018, 87). Isiping mag-alay ng gayon ding panalangin. Pagnilayan kung ano ang maaaring pakiramdam ng maging saksi sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo habang binabasa mo ang Juan 20:1–18 o nanonood ng “Jesus is Resurrected” (4:05).

    4:23
  • Isipin ang ginawa mo para maipakita ang iyong pagmamahal sa Tagapagligtas sa linggong ito. Pagkatapos ay basahin ang Juan 21:1–17 at isipin kung paano maaaring maiangkop sa iyo ang mensaheng ito.

icon ng talakayan
Mga Tanong at Pagbabahagi

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga kabatiran at katotohanang natuklasan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; at Juan 20–21.

icon ng training
Pagsasanay sa Kasanayan

Ang Juan 20:1–18 ay maaaring magandang paggamitan ng mga kasanayang “Finding Themes in the Scriptures” at “Finding Patterns in the Scriptures” sa Scripture Study Skills.

icon ng mga opsyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Maraming inilaang opsyon sa pag-aaral para sa iyo at sa iyong mga estudyante. Mapanalanging piliin kung aling opsyon o mga opsyon ang magiging pinakamakabuluhan para sa klase mo.

Lucas 24:13–48; Juan 20:11–18, 24–29

Paano ko malalaman para sa aking sarili na si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli?

Maaari kang magsimula sa pagpapakita o pagbabahagi ng sumusunod na karanasan na ikinuwento ni Elder John M. Madsen tungkol sa pakikinig sa isang mensahe ni Elder Bruce R. McConkie.

Nagbigay si Elder McConkie ng isang mensahe tungkol sa Pagkahulog at itinanong niya, “Paano ninyo pinatutunayan na si Jesus ang Cristo?” Walang tumugon. Pagkatapos ay sinabi niya, “Ang lahat ng ito ay nakasentro sa Pagkabuhay na Mag-uli.” Ang sumunod niyang itinanong, “Paano ninyo pinatutunayan ang Pagkabuhay na Mag-uli?” Muli ay walang tumugon, hanggang sa sabihin ni Elder McConkie, “Ang lahat ng ito ay nakasentro sa … ” (tingnan sa Marianne Holman, “Easter Is ‘the Lord’s Day,’” Church News, Abr. 1, 2013).

Tanungin ang mga estudyante kung paano nila kukumpletuhin ang pangungusap. Pagkatapos ay ibahagi na ang sagot ni Elder McConkie ay “mga saksi.”

  • Ano ang nakita ninyong mahalaga sa sagot ni Elder McConkie? (Kung kinakailangan, rebyuhin ang ilan sa mga reperensya sa batas ng mga saksi sa “Saksi” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan [Gospel Library] o panoorin ang “Law of Witnesses” [0:26]).

    0:27
  • Bakit mahalagang magtiwala ang bawat isa sa atin sa batas ng mga saksi ng Panginoon?

Ipaliwanag na pag-aaralan ng mga estudyante ang mga salaysay tungkol sa mga taong naging saksi mismo ng nabuhay na mag-uling Cristo. Idispley ang sumusunod na mga salaysay tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, at sabihin sa mga estudyante na maggrupu-grupo na may tigtatatlong katao. Sabihin sa bawat miyembro ng grupo na pumili ng magkaibang salaysay na pag-aaralan. Habang tahimik nilang pinag-aaralan ang kanilang piniling salaysay, anyayahan silang alamin (1) ang naranasan ng bawat tao o mga tao sa nabuhay na mag-uling si Cristo at (2) ang natutuhan nila tungkol sa Kanya at sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Sabihin sa kanila na ibahagi sa kanilang mga grupo ang natutuhan o nadama nila habang binabasa nila ang kanilang salaysay.

  • Maria Magdalena: Juan 20:11–18

  • Dalawang disipulo sa daan papunta sa Emaus: Lucas 24:13–32

  • Sampung Apostol: Lucas 24:33–48

Pagkatapos ng oras para sa talakayan ng grupo, anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi kung paano naimpluwensyahan ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo ng pagbabasa at pag-uusap tungkol sa mga karanasan ng mga saksing ito.

Ipaliwanag na maaaring mahirapan ang ilang tao na maniwala sa mga salita ng mga saksing ito dahil, para sa kanila, maniniwala lang sila kapag nakita nila. Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang Juan 20:24–29, na inaalam kung ano ang itinuro ng Tagapagligtas kay Tomas tungkol sa paniniwala.

  • Anong mahalagang katotohanan ang itinuro ng Tagapagligtas kay Tomas? (Tulungan ang mga estudyante na makahanap ng katotohanan na tulad ng mga sumusunod: Pinagpapala tayo sa pagpili nating maniwala na buhay si Jesucristo kahit hindi natin Siya nakikita.)

  • Anong mga pagpapala ang dumating (o maaaring dumating) sa inyo dahil sa pagpili ninyong maniwala kay Jesucristo kahit hindi ninyo Siya nakikita? Ano ang higit na nakatulong sa paglakas ng inyong patotoo at paniniwala sa Tagapagligtas?

Isiping ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Henry B. Eyring:

Pangulong Henry B. Eyring

Itinuro ng Panginoon sa Kanyang Apostol na si Tomas, na naghangad ng pisikal na katibayan ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa paghipo sa Kanyang mga sugat, na ang paghahayag ay mas tiyak na katibayan: “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya” (John 20:29).

Ang mga katotohanan na nagpapakita ng daan pauwi sa Diyos ay pinatutunayan ng Espiritu Santo. …

Ang katibayan ng katotohanan ay dumarating sa isang anak ng Diyos na natamo ang karapatang matanggap ang Espiritu Santo. (“Ang Espiritu Santo Bilang Inyong Patnubay,” Liahona, Nob. 2015, 105)

  • Ano ang maaari nating matutuhan mula sa pahayag ni Pangulong Eyring tungkol sa tungkuling ginagampanan ng Espiritu Santo?

Anyayahan ang mga estudyante na sumulat ng isang maikling patotoo kung paano nila nalaman, o gustong malaman, na si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli. Maaari din nilang itala ang nadarama nila tungkol sa ibig sabihin niyon para sa kanila at sa bawat tao sa mundo. Hikayatin sila na ibahagi ang isinulat nila sa ibang tao sa klase, sa pamamagitan ng social media, o sa iba pang mga paraan.

Bumalik sa “Mga Opsyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Lucas 24:36–48

Paano makapagbibigay sa akin ng mas malaking pag-asa ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas?

Maaari mong idispley ang nakalakip na mga larawan at anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang maaaring nadama ng mga disipulo nang makita nila ang pagkamatay ni Jesus at ang Kanyang walang-buhay na katawan na nakahimlay sa libingan. Ipaliwanag na hanggang sa puntong ito, hindi nila talaga naunawaan ang ibig sabihin ni Jesucristo nang sabihin Niya na Siya ay muling mabubuhay (tingnan sa Lucas 18:34; Juan 12:16).

  • Bakit napakahirap na karanasan ang pagkamatay ng isang mahal sa buhay?

Si Cristo habang ibinababa mula sa krus

Pagbababa mula sa Krus

mga disipulo na nakatayo sa tabi ng katawan ni Cristo malapit sa pintuan ng libingan

Ang Libing ni Cristo, ni Carl Bloch

Isiping basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley:

Pangulong Gordon B. Hinckley

Sa paghugot ng huling hininga ng buhay, iyon ang katapusang hindi maikukumpara sa iba pang katapusan. Kapag inihimlay ng isang ama at ina ang mga labi ng isang minamahal na anak sa malamig na libingan, may pighating halos hindi mapapawi. Kapag inilibing ng isang [asawa] ang kabiyak [ng kanyang] buhay, may kalungkutang masidhi at di-mapawi. … Kapag ang mga anak ay naulila ng mga magulang na nagmahal at nag-aruga sa kanila, naroon ang walang katumbas na matinding kapighatian. Ang buhay ay sagrado, at ang kamatayan ay napakalungkot. Ang buhay ay masigla at may pag-asa. Ang kamatayan ay kapanglawan at kawalan ng pag-asa. Ito ay kasindak-sindak sa pagiging tahimik at tiyak nito. (“The Empty Tomb Bore Testimony,” Ensign, Mayo 1988, 66)

Sama-samang basahin ang Lucas 24:36–48 o panoorin ang “The Risen Lord Appears to the Apostles” (2:21), na hinahanap kung ano ang natutuhan ng mga Apostol tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas. (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang isang katotohanang tulad ng sumusunod: Si Jesucristo ay may nabuhay na mag-uli at nahahawakang katawang may laman at mga buto.)

2:22

Para matulungan ang mga estudyante na pag-isipang mabuti kung paano mababago ng paniniwala sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas ang pananaw ng isang tao sa kamatayan, ibigay ang handout na “Pagkakaroon ng Pag-asa sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo”:

Handout: Pagkakaroon ng Pag-asa sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo

Matapos magkaroon ng sapat na oras ang mga estudyante para mag-aral at magnilay, anyayahan silang bumuo ng maliliit na grupo at ibahagi kung anong mga katotohanan ang ituturo nila sa kanilang mensahe sa libing. Hikayatin sila na ibahagi rin ang kanilang nadarama tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas.

Maaari mong tapusin ang klase sa panonood ng “Finding Hope through the Resurrection of Christ” (4:41) at pag-anyaya sa mga estudyante na ibahagi kung ano kaya ang magiging pakiramdam nila kapag muli nilang nakita sa laman ang mga yumaong mahal sa buhay.

4:42

Bumalik sa “Mga Opsyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Juan 21:1–17

Paano ko maipapakita ang aking pagmamahal sa Tagapagligtas?

Isiping anyayahan ang mga estudyante na itala ang mga bagay na pinagkaabalahan nila sa nakalipas na ilang araw. Ipaliwanag na gagamitin nila ang listahang ito kalaunan sa aktibidad sa pag-aaral.

Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang Juan 21. Ipaliwanag na ang mga kaganapan sa salaysay na ito ay nangyari matapos mabuhay na mag-uli si Jesucristo at hindi na kasama ang Kanyang mga Apostol. Ibuod ang Juan 21:2–14, at pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na basahin ang Juan 21:15–17, na inaalam ang mensahe ng Tagapagligtas kay Pedro. Maaari mong idispley ang kasunod na larawan at talakayin kung ano ang maaaring kumatawan sa bangka, mga lambat, at isda sa buhay ni Pedro.

Si Jesucristo na nagtuturo sa Kanyang mga Apostol sa tabi ng dagat

Pakainin Mo ang Aking mga Tupa, ni Kamille Corry

  • Kung itatanong sa inyo ni Jesus ang mga itinanong Niya kay Pedro, ano sa palagay ninyo ang tinutukoy Niya na “mga ito” sa buhay ninyo? (Maaaring tingnan ng mga estudyante ang itinala nila sa simula ng aktibidad na ito para sa mga posibleng sagot.)

  • Ano ang itinuturo ni Jesucristo kay Pedro? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang isang alituntunin na tulad ng sumusunod: Kung mahal natin si Jesucristo, pakakainin natin ang Kanyang mga tupa at tutulong tayo sa mga pangangailangan ng iba.)

  • Sa palagay ninyo, bakit mahalagang makita ni Pedro ang koneksyon sa pagitan ng pagmamahal sa Tagapagligtas at ng paglilingkod sa iba?

Isiping ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Patrick Kearon:

Elder Patrick Kearon

Bakit tinanong ng Tagapagligtas [si Pedro] nang tatlong beses kung mahal Siya nito? … [Kinailangan] Niyang ipaintindi kay Pedro ang kahulugan ng pagiging disipulo at alagad ng [nabuhay na mag-uling] Cristo. … Ano ang nais ng Panginoon kay Pedro? Nais Niyang pakainin ni Pedro ang Kanyang mga tupa, [ang Kanyang mga kordero]. Ito ang trabahong kailangang gawin. …

Ang inyong tanong, sa tawag na mag-minister, ay maaaring, “Saan ako magsisimula?” Magsimula sa panalangin. …

Tanungin ang iyong Ama sa Langit kung ano ang maaari mong gawin at para kanino. Ano mang maliit na kabutihan ay magtutuon sa atin sa ibang tao at may hatid itong mga biyaya. Tumugon sa anumang impresyon na matatanggap mo, kahit gaano pa kaliit ito. Gawin ito. …

Katulad ng sinabi ni Sister Jean B. Bingham, “Kung minsan iniisip natin na kailangang dakila at magiting ang bagay na ating gagawin upang ‘matanggap’ ito na paglilingkod sa ating kapwa. Gayunman, ang mga simpleng paglilingkod ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iba—pati na rin sa ating sarili” [“Paglilingkod na Tulad ng Ginagawa ng Tagapagligtas,” Liahona, Mayo 2018, 104]. (“Isang Tanda ng Totoo at Buhay na Simbahan ng Panginoon” [pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Mayo 6, 2018], broadcasts.ChurchofJesusChrist.org)

Maaari kang magpabahagi sa mga estudyante ng mga halimbawa ng mga simpleng paglilingkod na natanggap nila kamakailan at kung ano ang nadama nila tungkol doon. Anyayahan silang mapanalanging isipin ang isang simpleng paglilingkod na maibibigay nila ngayon o bukas para ipakita ang kanilang pagmamahal sa Tagapagligtas.

Bumalik sa “Mga Opsyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”