Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Manwal ng Guro ng Institute para sa Bagong Tipan: Pambungad sa Kurso


“Manwal ng Guro ng Institute para sa Bagong Tipan: Pambungad sa Kurso,” Manwal ng Guro ng Institute para sa Bagong Tipan (2025)

“Pambungad sa Kurso,” Manwal ng Guro ng Institute para sa Bagong Tipan

Manwal ng Guro ng Institute para sa Bagong Tipan

(REL 211, 212, CFM-NT)

Pambungad sa Kurso

Ang layunin ng Seminaries and Institutes of Religion

“Ang ating layunin ay tulungan ang mga kabataan at young adult na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, ang kanilang pamilya, at ang iba pang tao para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (“Ang Layunin ng Seminaries and Institutes,” Gospel Library).

Paano nakatutulong ang kursong ito sa pagsasakatuparan ng layunin ng Seminaries and Institutes of Religion?

Ang kursong ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapalalim ang kanilang pananampalataya at pagbabalik-loob kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bagong Tipan. Ang materyal ng guro ay naglalayong tulungan ang mga guro na magkaroon ng mga karanasan sa pag-aaral na nakasentro kay Cristo, batay sa banal na kasulatan, at nakatuon sa estudyante. Ang mga guro at estudyante ay maaaring magtulungan upang mapaunlad ang espirituwal na kapaligiran kung saan nadarama nilang nabigyang-inspirasyon sila na magtanong, magbahagi ng mga saloobin, at ipamuhay ang kanilang natututuhan.

Ano ang mararanasan ng mga mag aaral sa kursong ito?

Ang kursong ito ay nilayon upang tulungan ang mga estudyante na mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng paghikayat sa mga estudyante na:

  • Pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw.

  • Palalimin ang kanilang pag-unawa sa mga katotohanang nakapaloob sa Bagong Tipan.

  • Magsanay ng mga kasanayan na nagdaragdag sa kanilang kakayahang maunawaan ang mga banal na kasulatan.

  • Magtanong tungkol sa mga banal na kasulatan at magbahagi ng mga natuklasan mula sa mga ito.

  • Kumilos ayon sa mga alituntunin ng ebanghelyo na natutukoy nila sa mga banal na kasulatan.

Paano ginawa ang kurso?

Sinusuportahan ng kursong ito ang mga young adult sa kanilang pag-aaral ng Bagong Tipan. Ang materyal ng guro ay (1) tumutulong sa mga guro na hikayatin ang personal na pag-aaral, (2) naglalaan ng oras para sa mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga ideya mula sa kanilang pag-aaral ng mga banal na kasulatan, (3) nagsasama ng mga kasanayan sa pag-aaral upang matulungan ang mga estudyante na umasa sa sariling kakayahan sa pag-aaral ng ebanghelyo, at (4) nagmumungkahi ng mga kaugnay na aktibidad sa pag-aaral upang makatulong sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante. Sinusuportahan ng materyal ng guro ang isang karanasan kung saan tumutulong ang mga estudyante na pamahalaan ang bilis, daloy, at pokus ng kanilang pag-aaral.

Ang materyal ng guro ay nakaayon sa pacing ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. May 51 lesson, isa para sa bawat linggo ng taon maliban sa mga linggo ng Pasko ng Pagkabuhay at Pasko. Dahil dito ay maaaring magsimula at magtapos ang mga klase ayon sa mga lokal na iskedyul at pangangailangan. Sinusuportahan din ng materyal ang tradisyonal na pamamaraan sa 14 na linggong semestre ng Religion 211 at 212. Ang mga pacing guide para sa Religion 211 at 212 ay matatagpuan sa dulo ng pambungad na ito. Maaari ding pagsamahin ng mga guro ang ilang lesson mula sa manwal na ito para magkaroon ng mas maikli at mas nakatuon na karanasan sa pagkatuto. Halimbawa, ang mga lesson sa aklat ng Apocalipsis ay maaaring gamitin para sa isang workshop na may lima hanggang pitong linggo.

Ang unang lesson, “Ang Buhay na Cristo,” ay maaaring ituro sa anumang bahagi sa panahon ng kurso. Halimbawa, maaari mong ituro ito bilang unang lesson ng kurso, sa linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, pagkatapos pag-aralan ang apat na Ebanghelyo, o sa pagtatapos ng kurso.

Paano binalangkas ang mga lesson?

Ang sumusunod na mga elemento ng materyal ng guro ay makatutulong sa iyo na magbigay ng isang karanasan na may kaugnayan at nakatuon sa mag-aaral:

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Ang bawat lesson ay nagbibigay ng mga ideya para sa paghikayat ng personal na pag-aaral. Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Pangulong Russell M. Nelson

Ang araw-araw na masigasig na pag-aaral ng salita ng Diyos ay mahalaga para sa espirituwal na kaligtasan lalo na sa tumitinding ligalig sa panahong ito. Kapag nagpapakabusog tayo sa mga salita ni Cristo araw-araw, ang mga salita ni Cristo ay magsasabi sa atin kung paano tumugon sa mga paghihirap na hindi natin inakalang dadanasin natin. (“Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 89)

Isipin ang mga paraan na maaanyayahan, mahihikayat, matutulungan ang mga estudyante na pag-aralan ang kanilang mga banal na kasulatan sa buong linggo. Halimbawa, maaari kang magpadala ng mga mensaheng tutulong sa mga estudyante na pag-aralan ang nakatalagang scripture block para sa linggo at pumunta sa klase na handang magbahagi ng mga tanong at kaalaman. Ang mga ideya sa pagmemensahe ay matatagpuan sa simula ng balangkas ng bawat lesson. Kadalasan ay tumutugma ang mga ito sa isa sa mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral sa lesson.

Halimbawa, narito ang mga ideya ng mga mensahe na maaari mong ipadala sa mga estudyanteng nag-aaral ng Juan 1:

  • Pag-isipan kung ano ang matututuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa Kanyang mga tungkulin at titulong natukoy sa Juan 1:1–14.

  • Basahin ang Juan 1:35–51 para malaman kung bakit mahalagang anyayahan ang iba na lumapit kay Cristo. Maaari mong anyayahan ang isang tao na dumalo sa institute sa linggong ito.

Maaari mo ring suriin ang mga pangangailangan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na ipadala sa iyo ang mga tanong nila tungkol sa scripture block. Sa ibang komunikasyon, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na simulan ang pagtalakay sa isang paksa sa mga kaklase bago magklase. Mag-isip ng mga paraan para matulungan ang mga estudyante na makamit ang kanilang mga mithiin sa pag-aaral at magkaroon ng mas malalim na pagmamahal sa kanilang personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

icon ng talakayan
Mga Tanong at Pagbabahagi

Maglaan ng oras na makapagtanong at makapagbahagi ng mga kaalaman at karanasan ang mga estudyante. Makatutulong ito sa kanila na maiugnay ang mga banal na kasulatan sa kanilang buhay. Nagbibigay-daan din ito na masuri mo nang mas mabuti ang mga pangangailangan at hangarin ng mga estudyante. Maaaring magandang pagkakataon din ito na mag-follow up ng mga paanyaya at karanasan mula sa nakaraang klase.

Ang paglalaan ng oras para makapagtanong at makapagbahagi ng mga kaalaman ang mga estudyante tungkol sa scripture block ay nagbibigay-daan din sa kanila na maimpluwensyahan ang daloy ng talakayan. Ang dami ng oras na ginugol sa pagbabahagi ay dapat naiaakma. Kailangan mong mahiwatigan kung kailan tutulungan ang mga estudyante na magpatuloy sa isa sa mga aktibidad sa pag-aaral, na makatutulong sa mga estudyante na maipamuhay ang kanilang tinatalakay.

Para makapaghikayat ng mga tanong at pagbabahagi, isipin ang sumusunod na mga paraan para masimulan ang aktibidad:

  • Rebyuhin ang mga mensaheng ipinadala mo sa mga estudyante sa linggong iyon o anumang tanong na ipinadala nila sa iyo.

  • Magdispley ng mga larawan o salitang naglalarawan ng mga pangyayari o pangunahing turo sa scripture block.

  • Itanong sa mga estudyante kung ano ang mga tanong o kaalamang gusto nilang talakayin.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga ideya sa klase, sa maliliit na grupo, sa isang kapartner, o sa iba pang malikhaing paraan, tulad ng paggamit ng social media. Isiping bigyan ng kaunting oras ang mga estudyante na rebyuhin o pag-aralan ang scripture block bago sila magbahagi.

Tandaan: Kung ang isang partikular na tanong o kaalaman ay nalihis sa paksa, maghanap ng mga paraan upang maibalik ang talakayan sa mga pangunahing katotohanan sa mga banal na kasulatan. Gayundin, maaaring mas mainam na tugunan ang ilang mga katanungan pagkatapos ng klase o pagkatapos ng karagdagang pag-aaral. OK lang sabihin na “Hindi ko alam. Pag-aralan pa natin ito at tingnan natin kung ano ang matututuhan natin bago ang susunod na klase.”

icon ng pagsasanay sa kasanayan
Pagsasanay sa Kasanayan

Isipin kung paano nagbabago ang buhay ng mga estudyante kapag mas nakakaasa sila sa sariling kakayahan sa pag-aaral ng ebanghelyo. Kapag natututo sila sa kanilang sarili, mas mapapalapit sila sa Tagapagligtas. Ang pagtulong sa mga estudyante na mapahusay ang kanilang kakayahan na matuto sa kanilang sarili ay mahalaga sa pagtuturong tulad ng kay Cristo.

Ang kursong ito ay tumutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mga kasanayan na magdaragdag ng kanilang kakayahan na maunawaan at mapag-usapan ang mga banal na kasulatan. Karaniwan ang mga kasanayang ito ay isinasama sa mga aktibidad sa pag-aaral upang hindi ito makagambala sa daloy ng lesson. Para sa karagdagang tulong sa paggamit ng mga kasanayang ito, maaaring pumunta ang mga guro at estudyante sa Scripture Study Skills sa Gospel Library. Ang resource na ito ay nagbibigay ng gabay kung paano ipaliwanag, ipakita, at isagawa ang bawat kasanayan.

Kapag paulit-ulit na isinasagawa ng mga estudyante ang mga kasanayang ito sa buong kurso, mas magtitiwala sila sa kanilang kakayahan na matuto mula sa mga banal na kasulatan. Maghanap ng oras na mag-follow up at anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan gamit ang mga kasanayang ito.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Kasama sa bawat lesson ang maraming pagpipilian sa aktibidad sa pag-aaral. Suriin ang mga pangangailangan ng mga estudyante, at hingin ang patnubay ng Espiritu Santo habang pinipili mo ang mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral na magiging kapaki-pakinabang sa kanila. Maglaan ng oras na kailangan sa pagpapalalim ng pag-unawa ng mga estudyante upang madama nila ang katotohanan at kahalagahan ng kanilang natututuhan. Karaniwan ay mas maraming mga pagpipilian sa aktibidad sa pag-aaral kaysa sa maaaring magawa sa isang klase, kaya huwag ipalagay na kailangan mong gamitin ang lahat ng ito.

Ang unang lesson sa materyal ng guro ay maaaring gamitin sa unang araw ng klase tuwing magsisimula ka sa loob ng buong taon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na lumikha ng ligtas na kapaligiran sa pag-aaral, magtakda ng mga mithiin para sa kanilang sariling pag-aaral, at pag-aralan ang buod ng Mga Ebanghelyo o ng Mga Gawa hanggang sa Apocalipsis.

Paano mapapaganda ng Mga Tulong sa Banal na Kasulatan ang karanasan sa pag-aaral?

Ang Mga Tulong sa Banal na Kasulatan ay isang resource na nagbibigay ng kaalaman sa konteksto ng mga banal na kasulatan (setting o tagpo, kultura, kasaysayan, at heograpiya), nililinaw ang kahulugan ng mga salita at parirala, at tumutulong sa pag-unawa sa mahihirap na talata. Maraming aktibidad sa pag-aaral sa materyal ng guro ang naglalaman ng mga link sa Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan. Maaari mong ipakita sa mga estudyante kung saan nila makikita ang resource na ito sa Gospel Library. Banggitin ang Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan sa klase para tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang kanilang pinag-aaralan. Hikayatin silang gamitin ito sa pag-aaral nila ng Bagong Tipan sa klase at sa bahay.

Ano pang mga resource ang makatutulong sa akin na maging guro na mas katulad ni Cristo?

Bukod pa sa pakikibahagi sa mga teacher training meeting kasama ang iyong coordinator o lokal na faculty, maaari mong rebyuhin ang mga sumusunod na resource:

Ano ang inaasahan sa mga estudyante para makatanggap ng credit?

Para sa impormasyon kung paano makatanggap ng credit para maka-graduate sa institute o credit na maaaring ilipat sa mga paaralan ng Simbahan, tingnan sa InstituteCredit.ChurchofJesusChrist.org .

Paano ko iaakma ang mga lesson para sa mga estudyanteng may kapansanan?

Habang naghahanda kang magturo, isipin ang mga estudyanteng may mga partikular na pangangailangan. Iakma ang mga aktibidad at lesson para maisali ang mga estudyanteng ito at matulungan silang magtagumpay. Para sa iba pang mga resource kung paano turuan ang mga may kapansanan, tingnan sa disabilities.ChurchofJesusChrist.org.

Mga Pacing Guide para sa Religion 211 at 212

I-adjust ang mga sumusunod na opsiyon upang tumugma sa mga pangangailangan ng iyong programa:

Religion 211 Harmony

Mateo–Juan

Mga Linggo

1

2

3

4

5

6

7

Mga lesson

Flex Lesson

Mat. 1; Lucas 1

Mat. 2; Lucas 2

Juan 1

Mat. 3; Marcos 1; Lucas 3

Mat. 4; Lucas 4–5

Juan 2-4

Mat. 5; Lucas 6

Mat. 6–7; Mat. 8; Marcos 2–4; Lucas 7

Mat. 9–10; Marcos 5; Lucas 9

Mat. 11–12; Lucas 11

Mat. 13; Lucas 8, 13

Mat. 14; Marcos 6;

Juan 5–6

Mga Linggo

8

9

10

11

12

13

14

Mga lesson

Mat. 15–17; Marcos 7–9

Mat. 18; Lucas 10

Juan 7–10

Lucas 12–17; Juan 11

Mat. 19–20; Marcos 10; Lucas 18

Mat. 21–23; Marcos 11; Lucas 19–20; Juan 12

JS—M; Mat. 24–25; Marcos 12–13; Lucas 21

Mat. 26; Marcos 14; Juan 13

Juan 14–17

Lucas 22; Juan 18

Mat. 27; Marcos 15; Lucas 23; Juan 19

Mat. 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20–21

Religion 211 Sunud-sunod

Mateo–Juan

Kapag nagtuturo ng materyal nang sunud-sunod, pumili sa pagitan ng mga aktibidad sa pag-aaral na kasabay ng scripture block na pag-aaralan para sa linggo. Halimbawa, sa linggo 4, maaari mong gamitin ang mga naaangkop na aktibidad sa pag-aaral na kinabibilangan ng katotohanang matatagpuan sa Mateo 19–25 sa materyal ng guro.

Mga Linggo

1

2

3

4

5

6

7

Mga Scripture Block

Mateo 1–4

Mateo 5–12

Mateo 13–18

Mateo 19–25

Mateo 26–28

Marcos 1–7

Marcos 8–16

Mga Linggo

8

9

10

11

12

13

14

Mga Scripture Block

Lucas 1–8

Lucas 9–17

Lucas 18–24

Juan 1–4

Juan 5–10

Juan 11–16

Juan 17–21

Religion 212 Sunud sunod

Mga Gawa–Apocalipsis

Mga Linggo

1

2

3

4

5

6

7

Mga lesson

Flex Lesson

Mga Gawa 1–5

Mga Gawa 6–9

Mga Gawa 10–15

Mga Gawa 16–21

Mga Gawa 22–28

Rom. 1–6

Rom. 7–16

1 Cor. 1–7

1 Cor. 8–13

1 Cor. 14–16

2 Cor. 1–7

2 Cor. 8–13

Mga Linggo

8

9

10

11

12

13

14

Mga lesson

Gal.

Ef.

Fil.; Col.

1–2 Tes.

1–2 Tim.; Tito; Fil.

Heb. 1–6

Heb. 7–13

Santiago

1–2 Pedro

1–3 Juan; Judas

Apoc. 1–5

Apoc. 6–14

Apoc. 15–22