Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Mga Gawa 16–21


“Mga Gawa 16–21,” Manwal ng Titser sa Institute para sa Bagong Tipan (2025)

Nangaral si Pablo sa Areopago (Mars’ Hill)

Mga Gawa 16–21

Ang Mga Gawa 16–21 ay naglalaman ng isang talaan tungkol sa pangalawa at pangatlong misyon ni Pablo. Sa patnubay ng Espiritu, naglakbay si Pablo sa mga lugar na kilala ngayon bilang Turkey at Greece. Natagpuan niya rito ang mga tao na handang tanggapin ang ebanghelyo ni Jesucristo, at nagtatag siya ng maraming simbahan. Nagbigay ng mahalagang sermon si Pablo sa Areopago sa Atenas (tingnan sa Mga Gawa 17). Sa Efeso, naharap si Pablo sa oposisyon mula sa mga lokal na mangangalakal at sa mga sumasamba sa diyosang si Artemis (Diana). Binalaan niya ang mga pinuno ng Simbahan sa Efeso tungkol sa nalalapit na mga panganib at apostasiya sa Simbahan.

Karagdagang Resources

Scripture Helps: New Testament [Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan], “Acts 16–21 [Mga Gawa 16–21]

Paunawa: Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng patnubay kung paano gamitin ang apat na sumusunod na pamantayang elemento ng lesson.

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Bago magklase, isiping magpadala sa mga estudyante ng isa o mahigit pa sa sumusunod na mga mensahe o ng ilan sa sarili mong mga mensahe:

  • Habang binabasa mo ang Mga Gawa 16–21 sa linggong ito, maghanap ng mga paraan na naalala mo si Jesucristo dahil sa mga ginawa ni Pablo. Isiping markahan o i-tag ang mga reperensyang natagpuan mo upang maibahagi mo ang mga iyon sa klase.

  • Paano mo hinahayaang manaig ang Diyos sa buhay mo? Basahin ang Mga Gawa 16:6–15, 22–40; 18:5–11 para makita kung paano pinagpala ng impluwensya ng Panginoon si Pablo at ang iba pa sa kanilang buhay.

  • Paano mo maibabahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mga taong iba ang paniniwala kaysa sa iyo? Basahin ang Mga Gawa 17:16–34 para malaman kung paano ibinahagi ni Pablo ang ebanghelyo sa mga taga-Atenas.

  • Naisip mo na ba kung ano ang ibabahagi mo tungkol sa ebanghelyo sa mga sumusunod na sa Tagapagligtas? Ano ang natutuhan mo sa Mga Gawa 18:24–28; 19:1–7 mula sa mga ginawa nina Aquila, Priscila, at Pablo?

icon ng talakayan
Mga Tanong at Pagbabahagi

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga kabatiran at katotohanang natuklasan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng Mga Gawa 16–21.

icon ng pagsasanay sa kasanayan
Pagsasanay sa Kasanayan

Ang Mga Gawa 20–21 ay maaaring magandang paggamitan ng kasanayang “Focusing on Jesus Christ in the Scriptures” sa Scripture Study Skills.

icon ng mga opsyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Maraming inilaang opsyon sa pag-aaral para sa iyo at sa iyong mga estudyante. Mapanalanging piliin kung aling opsyon o mga opsyon ang magiging pinakamakabuluhan para sa klase mo.

Mga Gawa 16:6–15, 22–40; 18:5–11

Paano ko hinahayaang manaig ang Diyos sa buhay ko?

Maaari mong ipakita ang sumusunod na pagsusuri sa sarili at anyayahan ang mga estudyante na kumpletuhin ito nang mag-isa:

Gamit ang scale na 1 hanggang 10, i-rate ang bawat pahayag (1 = halos hindi kailanman; 10 = halos palagi).

  • Ang Diyos ang pinakamahalagang impluwensya sa buhay ko.

  • Inuuna kong pakinggan ang tinig ng Diyos kaysa sa lahat ng iba pang mga tinig.

  • Handa akong hayaang manguna ang anumang kailangang ipagawa sa akin ng Diyos kaysa sa iba pang ambisyon.

Ipaliwanag na matututuhan natin mula kay Pablo at sa iba kung paano natin magagawa ang gawain ng Diyos kapag hinahayaan nating manaig ang Kanyang kalooban sa ating buhay. Para maipakita sa mga estudyante ang nagagawa ng katotohanang ito, bigyan sila ng handout na “Hayaang Manaig ang Impluwensya ng Diyos sa Ating Buhay.” Anyayahan ang mga estudyante na piliin ang paksang gusto nilang pag-aralan. Pagkatapos ay maaari silang bumuo ng maliliit na grupo na kasama ang mga pumili ng kaparehong paksa.

Handout na Hayaang Manaig ang Impluwensya ng Diyos sa Ating Buhay

Para mapalalim ang pag-unawa ng mga estudyante sa katotohanang ito, maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson. Bigyan ng oras ang mga estudyante na pagnilayan ang kanyang mga tanong at itala ang kanilang mga naiisip at nadarama. Hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa anumang mga pahiwatig na matatanggap nila.

Pangulong Russell M. Nelson

Handa ka bang hayaan ang Diyos na maging pinakamahalagang impluwensya sa buhay mo? Hahayaan mo ba ang Kanyang mga salita, Kanyang mga utos, at Kanyang mga tipan na impluwensyahan ang ginagawa mo sa bawat araw? Mas uunahin mo ba ang Kanyang tinig kaysa sa iba? Handa ka bang hayaang manguna ang kailangan Niyang ipagawa sa iyo kaysa sa lahat ng iba pang ambisyon? … Mahal kong mga kapatid, kapag pinili ninyong manaig ang Diyos sa inyong buhay, mararanasan ninyo para sa inyong sarili na ang ating Diyos ay “isang Diyos ng mga himala” [Mormon 9:11]. (“Hayaang Manaig ang Diyos,” Liahona, Nob. 2020, 94, 95)

Bumalik sa “Mga Opsyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Mga Gawa 17:16–34

Paano ko maibabahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mga taong iba ang paniniwala kaysa sa akin?

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi nang maikli ang ilang halimbawa ng mga paniniwala ng mga tao na naiiba sa kanilang paniniwala. Ipaliwanag na nang magpunta si Pablo sa Atenas, may nakilala siyang mga tao na ibang-iba ang mga paniniwala kaysa sa kanya. (Maaaring makatulong na rebyuhin ang “Mga Gawa 17:15–32. What beliefs did Paul encounter in Athens? [Anong mga paniniwala ang nakaharap ni Pablo sa Atenas?]” sa Scripture Helps: New Testament [Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan].)

Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang Mga Gawa 17:16–31, na inaalam kung paano inihanda ni Pablo ang daan para maituro ang mahahalagang katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa mga taga-Atenas. Matapos bigyan ng oras ang mga estudyante na saliksikin ang mga banal na kasulatan, maaari mong itanong:

  • Ano ang nakintal sa inyong isipan tungkol sa pamamaraan ni Pablo sa pagtuturo sa mga taong iba ang paniniwala kaysa sa kanya?

  • Paano itinatag ni Pablo ang mga paniniwala ng mga tao sa Atenas na kapareho ng sa kanya? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang mga bagay na tulad ng mga sumusunod: [1] Pinagtibay ni Pablo ang interes ng mga taga-Atenas sa relihiyon, [2] alam niya kung paano sila naniniwala sa relihiyon, [3] iniugnay niya ang “di-kilalang diyos” sa tunay na Diyos, at [4] binanggit niya ang isang katotohanan mula sa isang makatang taga-Atenas at bumatay siya sa katotohanang iyon.)

  • Matapos malaman ang mga paniniwala niya na kapareho ng sa mga taga-Atenas, anong mga katotohanan ang itinuro ni Pablo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang mga katotohanang tulad ng mga sumusunod: Nilikha ng Diyos ang mundo. Ang Diyos ang nagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay na may buhay. Ang Diyos ang nagpasiya sa mga panahon at lugar kung saang bansa maninirahan ang mga tao. Kung hahanapin natin ang Panginoon, matatagpuan natin Siya. Tayo ay mga anak ng Diyos. Inuutusan ng Diyos ang lahat na magsisi. Hahatulan tayo ng Diyos sa huling araw. Si Jesucristo ay nabuhay na mag-uli.)

  • Paano maaaring baguhin ng pagkatuto sa mga katotohanang ito ang buhay ng isang tao? Paano maaaring baguhin ng mga ito ang inyong buhay?

Para matulungan ang mga estudyante na sanayin at ipamuhay ang kanilang natututuhan, maaari mo silang hatiin sa maliliit na grupo at talakayin ang sumusunod na sitwasyon. Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga paniniwala nila na kapareho ng kay Lucia at kung paano nila malulutas ang kanyang alalahanin.

Si Lucia ay lumaki sa isang sekular na tahanan (na hindi relihiyoso). Hindi niya gaanong nauunawaan ang mga turo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Kamakailan, dumalo siya sa isang open house sa templo at nakadama ng kapayapaan. Habang nasa templo, may narinig siyang dalawang tao na nag-uusap tungkol sa kahalagahan ng malaman na tayo ay mga anak ng Diyos. Naguluhan siya sa ideyang ito. Inakala niya na ang Diyos ay isang di-nakikitang puwersa sa sansinukob. Iniisip niya kung paano tayo magiging mga anak Niya.

Matapos bigyan ng oras ang mga estudyante na magtalakayan sa grupo, anyayahan silang ibahagi kung paano sila magtatatag ng mga paniniwala na kapareho ng kay Lucia. Ipabahagi sa mga estudyante kung paano nila maituturo sa kanya na siya ay anak ng Diyos. O maaari mong ipasadula sa mga estudyante kung paano nila sasagutin si Lucia.

Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng isang taong kilala nila na maaaring hindi nauunawaan ang kanyang tunay na pagkatao bilang anak ng Diyos. Maaaring itala ng mga estudyante ang ilang paraan na mas maipauunawa nila sa taong ito ang katotohanang ito. Hikayatin sila na pag-isipan kung paano nila matutularan ang halimbawa ng pagtuturo at pagpapatotoo ni Pablo tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng Espiritu.

Bumalik sa “Mga Opsyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Mga Gawa 18:24–28; 19:1–7

Bakit maaaring mahalaga na ibahagi ang aking mga paniniwala sa mga taong sumusunod na sa Tagapagligtas?

Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng sinumang mga kaibigang Kristiyano o kakilala na taos-pusong naghahangad na sundin ang Tagapagligtas. Maaaring ibahagi ng mga estudyante ang isang bagay na hinahangaan nila tungkol sa paraan ng pamumuhay ng kanilang mga kaibigan.

  • Bakit maaaring mahalaga na ibahagi ang ating mga paniniwala sa ibang mga Kristiyano?

Ipaliwanag na sina Aquila at Priscila ay mag-asawa. Tinulungan nila si Pablo sa temporal at espirituwal sa mga pagsisikap nito bilang missionary. Nagbigay sina Aquila, Priscila, at Pablo ng mga halimbawa kung paano ibahagi ang ating mga paniniwala sa mga taong naniniwala na sa Tagapagligtas. Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang Mga Gawa 18:24–28 at Mga Gawa 19:1–7, na inaalam kung ano ang ginawa nina Aquila, Priscila, at Pablo para mapalakas ang pananampalataya ng ibang mga mananampalataya.

Isiping itanong ang mga sumusunod:

  • Ano ang natanim sa isipan ninyo tungkol kay Apolo? Ano ang natanim sa isipan ninyo tungkol sa mga disipulong tinuruan ni Pablo?

  • Ano ang matututuhan natin mula sa mga halimbawa nina Aquila, Priscila, at Pablo? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang isang katotohanan na tulad ng sumusunod: Kapag ibinabahagi natin ang kabuuan ng ebanghelyo sa iba pang mga tagasunod ni Jesucristo, mas mauunawaan nila kung paano mapagpapala ng ebanghelyo ang kanilang buhay.)

  • Paano mapapalakas ang inyong pananampalataya kay Jesucristo ng pagbabahagi ng inyong pagmamahal at patotoo tungkol kay Jesucristo sa ibang mga mananampalataya?

Maaaring ibahagi ng mga estudyante ang mga karanasan nila sa pag-uusap tungkol sa ebanghelyo sa ibang mga Kristiyano. Maaaring talakayin ng mga estudyante kung ano ang naging maganda sa kanilang pag-uusap o kung ano pa ang magagawa nila para mapagbuti pa ito.

Anyayahan ang mga estudyante na sumulat ng mga katotohanan, oportunidad, at pagpapalang natatangi sa ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo. Maaari mong isulat sa pisara ang kanilang mga sagot. Maaaring makipagtulungan ang mga estudyante sa kanilang partner o sa maliliit na grupo at talakayin kung paano nila maibabahagi ang mga katotohanang ito sa ibang mga Kristiyano.

Bumalik sa “Mga Opsyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Mga Gawa 20–21

Ano ang matututuhan ko tungkol kay Jesucristo mula sa buhay ni Pablo?

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at palakasin ang pananampalataya kay Jesucristo. Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson, “Ang pangunahing layunin ng lahat ng banal na kasulatan ay puspusin ang ating mga kaluluwa ng pananampalataya sa Diyos Ama at sa Kanyang Anak na si Jesucristo” (“Ang Biyaya ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Mayo 2010, 34). Habang naghahanda kang magturo, itanong mo sa iyong sarili, “Ano ang matututuhan ng mga estudyante sa siping ito ng banal na kasulatan na makakatulong sa kanila na mas mapalapit sa Tagapagligtas?”

Maaari kang magsimula sa pagpapakita ng sumusunod na larawan ni Pablo na nagtuturo. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod.

Si Pablo na nagtuturo sa isang grupo ng mga tao

Paglalarawan ni Dan Burr

  • Ano ang nadama ni Pablo tungkol sa Tagapagligtas?

  • Ano ang matututuhan natin tungkol sa Tagapagligtas mula sa buhay ni Pablo?

Ipaliwanag na maaari nating matutuhan ang iba pa tungkol sa Tagapagligtas hindi lamang sa pamamagitan ng mga turo ng Kanyang mga Apostol at propeta kundi maging sa paraan ng kanilang pamumuhay. Maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie:

Elder Bruce R. McConkie

Walang alinlangan na maraming pangyayari sa buhay ng maraming propeta ang nagpapakita ng kabutihan bilang mga halimbawa at pagkakatulad sa kanilang Mesiyas. Makabubuti at tama na hanapin ang mga pagkakahalintulad kay Cristo saanman at gamitin ang mga ito nang paulit-ulit upang maisaisip siya at ang kanyang mga batas sa tuwina. (The Promised Messiah: The First Coming of Christ [1978], 453)

Para matulungan ang mga estudyante na matutuhan ang tungkol sa Tagapagligtas mula sa mga katangian, gawa, at halimbawa ni Pablo, maaari nilang gamitin ang kasanayang “Focusing on Jesus Christ in the Scriptures” sa Scripture Study Skills. Ipakita ang sumusunod na mga tanong at sipi sa banal na kasulatan. Anyayahan ang mga estudyante na basahin ang bawat sipi at gamitin ang mga tanong para gabayan sila sa kanilang pag-aaral.

Ano ang itinuturo sa inyo ng mga ginawa ni Pablo tungkol kay Jesucristo, sa Kanyang buhay, at sa Kanyang misyon?

Ano ang matututuhan ninyo tungkol sa pagkatao at mga katangian ni Jesucristo mula sa halimbawa ni Pablo?

  • Mga Gawa 20:7–12

  • Mga Gawa 20:17–27

  • Mga Gawa 20:28–38

  • Mga Gawa 21:10–14

Matapos bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante para mag-aral, anyayahan silang ibahagi ang natuklasan nila tungkol sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga katangian, halimbawa, at ginawa ni Pablo. Maaari ding ibahagi ng mga estudyante ang natututuhan nila tungkol sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng buhay ng sinauna at makabagong mga propeta.

Para matulungan ang mga estudyante na makita kung paano nila maibabahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa pamamagitan ng kanilang sariling mga halimbawa, isiping itanong:

  • Sino ang kilala ninyo na nagpapaalala sa inyo sa Tagapagligtas?

  • Anong mga katangian ang taglay ninyo na katulad ng sa Tagapagligtas?

  • Ano ang magagawa ninyo para maging higit na katulad ng buhay ng Tagapagligtas ang buhay ninyo?

Bumalik sa “Mga Opsyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”