Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Mateo 9–10; Marcos 5; Lucas 9


“Mateo 9–10; Marcos 5; Lucas 9,” Manwal ng Titser ng Institute para sa Bagong Tipan (2025)

Hinahawakan ni Jesus ang mukha ng isang babaeng nakaupo

Mateo 9–10; Marcos 5; Lucas 9

Madalas tumugon si Jesus sa pananampalataya ng iba sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga kasalanan at paggawa ng mga himala—pagpapagaling sa marami, pagpapalayas ng masasamang espiritu, at pagbuhay sa isang bata. Itinuro din Niya sa Kanyang mga Apostol ang tungkol sa tunay na pagiging disipulo. Ang mga salaysay na ito tungkol sa pagpapatawad ng Tagapagligtas sa mga kasalanan at paggawa ng mga himala ay nagpapakita na maaaring madama natin sa ating buhay ang Kanyang inspirasyon at kapangyarihan kapag kumilos tayo nang may pananampalataya na sumunod sa Kanya.

Karagdagang Resources

Scripture Helps: New Testament, “Matthew 9–10; Mark 5; Luke 9

Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng patnubay kung paano gamitin ang sumusunod na apat na pamantayang elemento ng lesson.

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Bago magklase, maaari mong ipadala sa mga estudyante ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na mensahe o ang ilan sa sarili mong mga mensahe:

  • Basahin ang Mateo 10:1–8. Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng pagtawag ng Panginoon ng mga apostol at propeta?

    1:39
  • Habang pinag-aaralan mo ang mga himalang ginawa ng Tagapagligtas sa Marcos 5, isipin ang mga paraan na nakatatanggap ka ng tulong o pagpapagaling mula sa Tagapagligtas.

    5:45
  • Ano ang isinakripisyo mo para masunod si Jesucristo? Basahin ang Lucas 9:57–62, at mag-isip ng mga paraan na maipaprayoridad mo ang Tagapagligtas sa iyong buhay.

icon ng talakayan
Mga Tanong at Pagbabahagi

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga ideya at katotohanang natuklasan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng Mateo 9–10; Marcos 5; Lucas 9.

icon ng pagsasanay sa kasanayan
Pagsasanay sa Kasanayan

Ang Marcos 5:22–43 ay maaaring magandang paggamitan ng kasanayang “Taking Meaningful Notes” sa Scripture Study Skills.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Maraming opsiyon sa pag-aaral ang inilaan para sa iyo at sa iyong mga estudyante. Mapanalanging piliin kung aling opsiyon o mga opsiyon ang magiging pinakamakabuluhan para sa klase mo.

Mateo 9:36–38; 10:1–8, 19–20, 40–42

Bakit ako maaaring magtiwala sa mga Apostol ng Panginoon?

Maaari kang magdispley ng kasalukuyang larawan ng Korum ng Labindalawang Apostol at pagkatapos ay ibahagi ang sumusunod na sitwasyon:

Katatapos lang ituro ng mga missionary kay Paula ang tungkol sa Korum ng Labindalawang Apostol. Dahil sa mga nakaraang karanasan, nag-iingat siya sa mga taong nagsasabing sila ay binigyan ng awtoridad. Sinabi niya sa mga missionary: “Bakit ko pagkakatiwalaan ang mga taong ito at ang itinuturo nila? Mga tao lamang sila na di-perpekto. Mapagkakatiwalaan ko si Jesucristo pero hindi sila.”

Sabihin sa isa o dalawang estudyante na ibahagi kung ano ang maaaring itutugon nila sa mga tanong at mga alalahanin ni Paula.

Isiping ipakita ang kalakip na larawan ni Jesus na nag-oorden sa Kanyang Labindalawang Apostol. Maaari mong ipaliwanag na ang ibig sabihin ng salitang apostol ay “isang isinugo” (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Apostol,” Gospel Library). Ipabasa sa mga estudyante ang Mateo 9:36–38; 10:1–8, 19–20, 40–42, na inaalam ang mga responsibilidad ng mga Apostol.

Ipinatong ni Jesus ang Kanyang mga kamay sa ulo ni Pedro upang italaga siya bilang Apostol
  • Bakit tayo maaaring magtiwala sa mga Apostol ng Panginoon? (Maaaring tukuyin ng mga estudyante ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga katotohanan: Ang mga Apostol ng Panginoon ay kumikilos at nangungusap gamit ang Kanyang kapangyarihan. Kapag tinanggap natin ang mga Apostol ng Panginoon, tinatanggap natin Siya. Kapag sinusunod natin ang mga tagapaglingkod ng Panginoon, sumusunod tayo sa Kanya.)

  • Paano ninyo matutulungan ang isang tao na mapalakas ang kanilang tiwala sa mga tinawag ng Panginoon na maging Kanyang mga Apostol? (Maaari mong pabalikan sa mga estudyante ang sitwasyon.)

  • Kailan ninyo nadama na ang mga makabagong Apostol ay nangungusap o kumikilos gamit ang kapangyarihan ng Tagapagligtas?

Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong tungkol sa mga makabagong Apostol. Hikayatin ang mga estudyante na sagutin ang mga tanong ng kanilang mga kaklase at kaibigan.

11:7

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na buksan ang pinakahuling pangkalahatang kumperensya sa Gospel Library at tahimik na rebyuhin ang ilan sa mga mensaheng ibinigay ng mga miyembro ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol. Matapos bigyan ng oras ang mga estudyante na rebyuhin ang mga mensahe, anyayahan silang ibahagi ang kanilang mga paboritong turo na natuklasan nila at kung paano pinatitibay ng mga turong iyon ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Maaari mong anyayahan ang isa o dalawang estudyante na ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa mga buhay na Apostol ng Panginoon.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Marcos 5:22–43

Paano ako makahahanap ng pag-asa at pagpapagaling sa pamamagitan ng Tagapagligtas?

Maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Sister Amy A. Wright. Maaari ninyong panoorin muna ang ilang bahagi ng mensahe ni Sister Wright na “Pinagagaling ni Cristo ang Nawasak” kung saan ibinahagi niya ang kuwento tungkol sa nabasag na antigong plorera (mula sa time code na 0:00 hanggang 1:15).

10:39
Amy A. Wright

Lahat tayo ay may mga bagay sa ating buhay na nawasak na kailangang buuin, ayusin, o pagalingin. … Pinatototohanan ko na walang anuman sa inyong buhay na nawasak na hindi mahihilom ng nakapagpapagaling, tumutubos, at nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ni Jesucristo. (“Pinagagaling ni Cristo ang Nawasak,” Liahona, Mayo 2022, 84)

  • Ano ang ilang halimbawa ng iba’t ibang paraan na kailangan natin ang kapangyarihang magpagaling ng Tagapagligtas? (Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na maaaring kailanganin natin ang kapangyarihang magpagaling ng Tagapagligtas sa pisikal, espirituwal, o emosyonal.)

Sabihin sa mga estudyante na isipin at itala ang isang bagay sa kanilang buhay na kailangang baguhin, ayusin, o pagalingin. Maaari mong ipakita ang sumusunod na mga katotohanan at anyayahan ang mga estudyante na alamin kung paano nakikita ang mga katotohanang ito sa mga tala sa banal na kasulatan sa mga kalakip na handout: Makadarama tayo ng pag-asa at pagpapagaling kapag bumaling tayo sa Tagapagligtas. Makagagamit tayo ng kapangyarihan ni Jesucristo kapag lumapit tayo sa Kanya nang may pananampalataya.

Tandaan: Habang naghahanda ang mga estudyante na pag-aralan ang mga himalang ginawa ng Tagapagligtas sa Kanyang ministeryo, maaaring mahalagang talakayin ang kasanayang “Maintaining Doctrinal Balance” sa Scripture Study Skills. Halimbawa, maaari mong ipaliwanag sa mga estudyante na bagama’t sumasampalataya sila, maaaring hindi nila matanggap ang himalang gusto nila. Maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks: “Ang nagpapagaling na kapangyarihan ng Panginoong Jesucristo—inaalis man nito ang ating mga pasanin o pinalalakas tayo para [matiis ang mga ito]—ay magagamit sa lahat ng paghihirap sa buhay na ito” (“Pinapagaling Niya ang Nangabibigatang Lubha,” Liahona, Nob. 2006, 8).

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Bigyan ang bawat estudyante ng isa sa mga handout sa ibaba. Sabihin sa kanila na sanayin ang kasanayan na “Taking Meaningful Notes” sa Scripture Study Skills habang pinag-aaralan ang nakatalaga sa kanila na salaysay sa banal na kasulatan. Maaari mong ipakita ang sumusunod at hikayatin ang mga estudyante na gawin ang mga ito habang nag-aaral sila:

  • Tumigil sandali para pagnilayan ang natututuhan mo.

  • Manalangin para sa pag-unawa at pagsasabuhay.

  • Itala ang mga bagay na natutuhan, naisip, at nadama mo (sa isang paper journal o notebook, mga banal na kasulatan, o Gospel Library).

Handout ng Binuhay Muli ni Jesus ang Anak na Babae ni Jairo

Matapos magkaroon ng oras ang mga estudyante na pag-aralan ang nakatalaga sa kanila na salaysay sa mga banal na kasulatan, anyayahan sila na ibahagi sa kanilang kapartner ang natutuhan nila. Bigyan sila ng pagkakataon na ibahagi ang mga ideya, karanasan, at patotoong naitala nila. Maaari mong tanungin ang klase:

  • Anong mga mensahe ng pag-asa ang natagpuan ninyo sa salaysay na pinag-aralan ninyo?

Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa pag-asa at pagpapagaling na dumarating sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo. Hikayatin ang mga estudyante na kumilos ayon sa mga impresyong natanggap at naitala nila.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Lucas 9:57–62

Paano ko uunahin si Jesucristo sa buhay ko?

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod: Hahayo ako at gagawin ko ang anumang ipagagawa sa akin ng Panginoon! Itanong sa mga estudyante kung ano ang maaaring kailanganin sa mga taong handang gawin ang anumang ipagagawa sa kanila ng Panginoon.

Ipabasa sa mga estudyante ang Lucas 9:57–62, na inaalam kung ano ang inaasahan ng Tagapagligtas sa mga taong pipiliin ang sumunod sa Kanya.

  • Ano para sa inyo ang mahirap sa mga inaasahan ng Tagapagligtas? (Ang ilan sa mga pahayag ng Tagapagligtas sa mga talatang ito ay maaaring tila walang pagsasaalang-alang o napakahirap para sa mga estudyante. Isiping gamitin ang resources para sa mga talatang ito sa Scripture Helps: New Testament.)

  • Anong alituntunin ang matututuhan natin mula sa mga turo ng Tagapagligtas sa mga nagnanais sumunod sa Kanya? (Maaaring tukuyin ng mga estudyante ang isang katotohanan na tulad ng sumusunod: Ang mga tagasunod ni Jesucristo ay inuuna Siya sa kanilang buhay.)

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng Tagapagligtas nang magbabala Siya na huwag tayong “[humawak] sa araro at [tumingin] sa mga nasa likuran”? (talata 62).

Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawa kung paano inuna ng Tagapagligtas ang Ama sa Langit. Kung kinakailangan, maaari mong ituro sa mga estudyante ang Moises 4:1–2; Juan 6:38–39; o Lucas 22:39–44. Maaari ding magbahagi ang mga estudyante ng mga halimbawa ng mga taong kilala nila na inuna ang Diyos sa kanilang buhay.

  • Bakit kung minsan ay mahirap unahin ang Diyos?

  • Anong mga pagpapala ang naranasan ninyo nang unahin ninyo ang Diyos sa inyong buhay?

Para matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan at kahalagahan ng alituntuning ito, maaari ninyong basahin at talakayin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Jeffrey R. Holland:

Pangulong Jeffrey R. Holland

Lahat ng magsasalita sa pangkalahatang kumperensyang ito ay sasabihin, sa anumang paraan, ang sinabi ni Cristo sa mayamang batang lalaki: “Lumapit sa inyong Tagapagligtas. Lumapit nang lubos at nang buong puso. Pasanin ang inyong krus, gaano man ito kabigat, at sumunod sa Kanya” [tingnan sa Marcos 10:21]. … Walang bahagyang pagsisikap, walang sinisimulan na hindi tinatapos, at walang umaatras. … Kapag ipinagagawa sa atin ang mahihirap na bagay, maging ang mga bagay na salungat sa mga hangarin ng ating puso, alalahanin na ang katapatang ipinangako natin sa layunin ni Cristo ang dapat na maging pinakamahalaga sa ating buhay. (“Ang Pinakamahalagang Pag-aari,” Liahona, Nob. 2021, 8–9)

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na mapanalanging pag-isipan ang mga tanong na ito at isulat ang kanilang mga iniisip.

  • Ano ang maaaring hadlang sa iyo na “lubos at nang buong pusong” sumunod sa Tagapagligtas?

  • Ano ang isang bagay na magagawa mo para maipakita ang hangarin mong unahin ang Ama sa Langit at ang Tagapagligtas sa iyong buhay?

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”