Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Ang Buhay na Cristo


“Ang Buhay na Cristo,” Manwal ng Guro ng Institute para sa Bagong Tipan (2025)

isang babae na nakikita ang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas na nakatayo sa labas ng libingan

The Resurrected Christ [Ang Nabuhay na Mag-uli na si Cristo], ni Walter Rane

Ang Buhay na Cristo

Noong Enero 1, 2000, inilabas ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang pahayag na kilala bilang “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” (Gospel Library). Sa makasaysayang dokumentong ito, pinatototohanan ng mga Apostol ang walang kapantay na buhay, banal na misyon, at mga sagradong tungkulin ni Jesucristo.

Paalala: Ang lesson na ito ay maaaring ituro sa anumang bahagi ng kursong ito. Halimbawa, maaari mong ituro ito bilang unang lesson ng kurso, sa linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, pagkatapos pag-aralan ang apat na Ebanghelyo, o sa pagtatapos ng kurso.

Karagdagang Resources

Paalala: Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng gabay kung paano gamitin ang sumusunod na apat na pamantayang elemento ng lesson.

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Bago magklase, maaaring magpadala sa mga estudyante ng isa sa mga sumusunod na mensahe, depende sa yugto ng taon na ituturo mo ang lesson na ito. Maaari ka ring magpadala ng sarili mong mga mensahe.

icon ng talakayan
Mga Tanong at Pagbabahagi

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga nalaman at katotohanang natuklasan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol.”

icon ng pagsasanay sa kasanayan
Pagsasanay sa Kasanayan

Ang aktibidad sa pag-aaral sa handout na “Pag-aralan ang ‘Ang Buhay na Cristo’” ay maaaring magandang paggamitan ng kasanayang “Searching in the Scriptures and in Gospel Library” sa Scripture Study Skills.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol

Ano ang maituturo sa akin ng “Ang Buhay na Cristo” tungkol sa Tagapagligtas?

Anyayahan ang mga estudyante na isipin na may isang tao na hindi miyembro ng ating relihiyon ang nagtanong, “Ano ang pinaniniwalaan ninyo tungkol kay Jesucristo?”

Anyayahan ang mga estudyante na mag-ukol ng ilang minuto at isulat ang pinakamahahalagang bagay na gusto nilang ibahagi tungkol sa Tagapagligtas.

Matapos magkaroon ng oras ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga iniisip, ipaalala sa kanila na noong Enero 1, 2000, ibinahagi ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ang nadama nila na mahalaga tungkol sa Tagapagligtas sa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol.”

Bago pag-aralan ang “Ang Buhay na Cristo,” maaaring ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Robert D. Hales:

Elder Robert D. Hales

Ang mundo ay mas mabilis na lumalayo sa Panginoon higit kailanman. Ang kaaway ay pinakawalan sa lupa. Ating pinanonood, pinakikinggan, binabasa, pinag-aaralan, at ibinabahagi ang mga salita ng mga propeta upang mabigyang babala at maprotektahan tayo. Halimbawa, “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” ay ibinigay bago pa man natin maranasan ang mga hamon na kinakaharap ngayon ng pamilya. “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” ay inihanda noon pa bago pa natin ito kinailangang mabuti. (“Pangkalahatang Kumperensya: Nagpapalakas ng Pananampalataya at Patotoo,” Liahona, Nob. 2013, 7)

  • Ano ang pinakanapansin ninyo sa pahayag na ito?

Ipamahagi ang handout na pinamagatang “Pag-aralan ang ‘Ang Buhay na Cristo.’” Bigyan ng oras ang mga estudyante para makumpleto ang handout nang mag-isa. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang buong “Ang Buhay na Cristo” para sa aktibidad na ito sa pag-aaral. O maaari mong bigyan ang mga estudyante ng iba’t ibang bahagi ng dokumento na pag-aaralan nila.

Pag-aralan ang handout na “Ang Buhay na Cristo”

Matapos mag-aral ang mga estudyante, anyayahan silang ibahagi sa isang kapartner o maliit na grupo ang kanilang mga sagot mula sa kanilang handout. Pagkatapos ay maaaring talakayin nang sama-sama bilang isang klase ang ilang tanong na tulad ng sumusunod:

  • Ano ang natutuhan o nadama ninyo tungkol sa Tagapagligtas habang pinag-aaralan ninyo ang “Ang Buhay na Cristo”?

  • Sa palagay ninyo, sa anong mga paraan mahalaga sa mundo ngayon ang mga katotohanang itinuro sa “Ang Buhay na Cristo”? Kanino ninyo maibabahagi ang mga katotohanang ito?

  • Paano makaiimpluwensya sa paraan ng pamumuhay ninyo ang malaman at maniwala sa mga katotohanan sa “Ang Buhay na Cristo”?

Bilang pagtatapos, bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipan kung ano ang maaari nilang idagdag sa isinulat nila sa simula ng aktibidad na ito. Maaaring ibahagi ng mga estudyante sa isang kapartner o sa maliliit na grupo ang mga karagdagang naisip nila tungkol sa Tagapagligtas.

Patotohanan ang mga katotohanan tungkol kay Jesucristo na tinalakay ninyo sa lesson na ito. Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang mga espirituwal na pahiwatig na nadama nila at kumilos ayon dito.