Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Mateo 14; Marcos 6; Juan 5–6


“Mateo 14; Marcos 6; Juan 5–6,” Manwal ng Titser ng Institute para sa Bagong Tipan (2025)

Si Jesucristo na sinasagip si Pedro sa pagkalunod

Lord Save Me [Panginoon, Iligtas Mo Ako], ni Eva Koleva Timothy

Mateo 14; Marcos 6; Juan 5–6

Matapos pagalingin ang isang lalaki na 38 taon nang may karamdaman, itinuro ng Tagapagligtas na ang mga naniniwala at sumusunod sa Kanya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Himalang pinakain Niya ang limang libong tao at itinuro na Siya ang Tinapay ng Buhay. Nang lumakad si Jesus sa maunos na dagat, may pananampalatayang lumabas si Pedro ng bangka para sumama sa Kanya. Ngunit natakot si Pedro at nagsimulang lumubog. Tinawag niya ang Tagapagligtas, na sumagip sa kanya.

Karagdagang Resources

Scripture Helps: New Testament, “Matthew 14; Mark 6; John 5–6

Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng patnubay kung paano gamitin ang sumusunod na apat na pamantayang elemento ng lesson.

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Bago magklase, maaari mong ipadala sa mga estudyante ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na mensahe o ang ilan sa sarili mong mga mensahe:

  • Lahat tayo ay daranasin balang araw ang sakit at kalungkutan na dumarating kapag namatay ang isang mahal sa buhay. Ano ang matututuhan mo mula sa Tagapagligtas sa Mateo 14:10–14 tungkol sa kung paano makakayanan ang pighati at paghihirap?

  • Kailan ka huling nakaramdam ng takot o pag-aalinlangan? Pagnilayan kung ano ang matututuhan mo tungkol sa pagdaig sa takot at pag-aalinlangan habang binabasa mo ang Mateo 14:21–33.

  • Naghihintay ka ba ng isang uri ng paggaling sa iyong buhay? Isipin ang pakiramdam kung ikaw ang lalaking iyon sa Juan 5:1–9.

icon ng talakayan
Mga Tanong at Pagbabahagi

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga ideya at katotohanang natuklasan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng Mateo 14; Marcos 6; Juan 5–6.

icon ng pagsasanay sa kasanayan
Pagsasanay sa Kasanayan

Ang Mateo 14:1–23 ay magandang paggamitan ng kasanayang “Understanding the Scriptures in Context” sa Scripture Study Skills.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Maraming opsiyon sa pag-aaral ang inilaan para sa iyo at sa iyong mga estudyante. Mapanalanging piliin kung aling opsiyon o mga opsiyon ang magiging pinakamakabuluhan para sa klase mo.

Mateo 14:1–23

Ano ang matututuhan ko kay Jesucristo tungkol sa pagtugon sa paghihirap?

Maaari mong ipaliwanag na ang pag-unawa sa konteksto ng pagpapakain ng Tagapagligtas sa limang libo ay maaaring magbago sa paraan ng pagbabasa natin ng kuwento. Para matulungan ang mga estudyante na sanayin ang kasanayan na “Understanding the Scriptures in Context” sa Scripture Study Skills, maaari mong gawin ang sumusunod:

  • Idispley ang sumusunod na larawan at itanong sa mga estudyante kung ano ang alam nila tungkol sa kaugnayan ni Jesucristo kay Juan na Tagapagbautismo. (Halimbawa, sila ay magkamag-anak [tingnan sa Lucas 1:36]. Inihanda ni Juan ang daan para sa misyon ng Tagapagligtas sa mundo.)

    si Juan na Tagapagbautismo na binibinyagan si Jesucristo
  • Ipabasa sa mga estudyante sa Scripture Helps: New Testament ang entry na “Matthew 14:1–5. Why was John the Baptist imprisoned by Herod? (Compare to Mark 6:14–20.)” O maaari mong ibuod ang mga pangyayaring humantong sa pagkabilanggo at kamatayan ni Juan (tingnan sa Mateo 14:1–12).

  • Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang maaaring naramdaman ng Tagapagligtas nang malaman Niya na pinugutan ng ulo ni Herodes si Juan. Maaari mong ituro na matapos malaman ang tungkol sa kamatayan ni Juan, umalis si Jesus para mag-isa (tingnan sa Mateo 14:13).

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Mateo 14:13–21, na inaalam kung paano tumugon si Jesus sa dumaraming tao habang nagdadalamhati pa rin sa pagkamatay ni Juan. Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga nalaman, ang ilan sa mga sumusunod na tanong ay makatutulong sa paglalim ng kanilang natututuhan:

  • Paano naiimpluwensyahan ng pag-unawa sa konteksto ng kamatayan ni Juan ang paraan ng pagbasa ninyo ng kuwento tungkol sa pagpapakain ni Jesus sa limang libo?

  • Ano ang matututuhan natin tungkol sa kung paano makakayanan ang mga paghihirap at pighati mula sa mga ginawa ng Tagapagligtas? (Maaaring tukuyin ng mga estudyante ang isang katotohanan na tulad ng sumusunod: Matutularan natin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag at paglilingkod sa iba habang dumaranas tayo ng paghihirap.)

Maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Moisés Villanueva:

Elder Moisés Villanueva

Ipinakita ni Jesucristo na sa mga panahon ng pagsubok at pagdurusa maaari nating makita ang paghihirap ng iba. Dahil nahahabag tayo, maaari natin silang tulungan at palakasin. Habang ginagawa natin ito, napalalakas din tayo ng ating paglilingkod na tulad ng kay Cristo. Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley: “Ang pinakamabisang lunas para sa pag-aalala na alam ko ay pagtatrabaho. Ang pinakamabisang lunas sa kawalan ng pag-asa ay paglilingkod. Ang pinakamabisang lunas sa kapaguran ay ang hamon na tulungan ang isang taong mas pagod” [Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Gordon B. Hinckley (2016), 230]. (“Pinagpala ng Panginoon sa Lahat ng Aking mga Araw,” Liahona, Nob. 2021, 46)

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti ang mga karanasan nila sa alituntuning ito—pagbibigay o pagtanggap ng paglilingkod. Habang iniisip ng mga estudyante ang kanilang sariling mga karanasan, isiping sama-samang panoorin ang video na “God Will Lift Us Up” (4:59) o ang video na “Faith Murray’s Story: Overcoming Adversity through Service” (4:52). Isiping bigyan ng oras ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan sa maliliit na grupo.

4:59
4:52

Maaari mong tapusin ang aktibidad na ito sa pag-aaral sa pag-anyaya sa mga estudyante na pag-isipan kung paano sila magiging mas katulad ng Tagapagligtas at maghanap ng mga paraan na mapaglilingkuran ang iba kapag nakararanas sila ng dalamhati, kawalan, o sakit.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Mateo 14:22–33

Paano ako matutulungan ng pananampalataya ko kay Jesucristo na madaig ang pag-aalinlangan at takot?

Isiping anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan at isulat ang ilang bagay na nagdudulot ng takot at pag-aalinlangan sa kanilang buhay. Maaaring makatulong na talakayin kung ano ang mga epekto ng pag-aalinlangan at takot sa ating mga iniisip, ginagawa, at pinipili.

Ipabasa sa mga estudyante ang Mateo 14:22–31. Sabihin sa kanila na alamin kung ano ang dahilan ng paglubog ni Pedro. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na isipin kung ano kaya ang pakiramdam ng paglakad sa tubig (tingnan sa “Visualizing the Scriptures,” sa Scripture Study Skills).

2:11
  • Anong mga salita at pagkilos ng Tagapagligtas ang makatutulong sa atin kapag nakararanas tayo ng pag-aalinlangan o takot?

  • Ano ang matututuhan natin tungkol sa takot at pananampalataya mula sa karanasan ni Pedro na paglalakad sa tubig? (Maaaring tukuyin ng mga estudyante ang iba’t ibang katotohanan, kabilang na ang sumusunod: Kung pananatilihin natin ang ating pananampalataya kay Jesucristo, hindi tayo madadaig ng ating takot.)

Isiping ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Jeffrey R. Holland:

Pangulong Jeffrey R. Holland

Habang nakatuon ang kanyang mga mata sa Panginoon, maaaring mahampas ng hangin ang kanyang buhok at mabasa ng tilamsik ng tubig ang kanyang damit, ngunit maaayos ang lahat—dahil papalapit siya kay Cristo. Ngunit nang mag-alinlangan siya sa kanyang pananampalataya at mawala sa kanyang pinagtutuunan, nang alisin niya ang kanyang tingin sa Panginoon … nagsimula na siyang lumubog. …

… Nalulungkot ako na tila mabilis nating pinupuna si Pedro dahil sa takot na iyon, dahil nawalan siya ng pananampalataya, at nag-alinlangan sa pambihirang sandaling ito. … Dapat nating ibigay kay Pedro ang pinakamalaking paghanga at papuri dahil (a) ninais niya, dahil lakas-loob niyang ginawa ang ginawa ng kanyang panginoon, ang maglakad sa tubig, at (b) napagtagumpayan ito. …

Sinasabi ko ito dahil kailangan nating ikagalak ang pananampalataya at maghikayat ng pananampalataya saanman at kailan man natin ito matagpuan, kahit na ito ay bahagya, kaunti, at kulang. Walang sinuman sa atin ang may ganap at malaking pananampalataya na dapat nating taglayin, ngunit maaari nating pahalagahan ang pananampalatayang mayroon tayo at purihin ang nakikita natin sa iba. (Our Day Star Rising: Exploring the New Testament with Jeffrey R. Holland [2022], 32–34)

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawa ng pananampalataya kay Cristo na naranasan o nakita nila—kahit tila “bahagya, kaunti, at kulang.”

Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa sumusunod na mga set ng tanong at isulat ang kanilang mga sagot sa mga ito:

  • Ano ang nakatulong sa iyo o sa mga kakilala mo na mapanatili ang pananampalataya sa Tagapagligtas? Ano ang magagawa mo sa iyong buhay araw-araw para mapalakas ang iyong pananampalataya sa Kanya?

  • Ano ang nakakagambala sa iyo sa pagtuon sa Tagapagligtas? Ano ang magagawa mo para maalis ang pagkagambalang ito?

  • Sa anong mga paraan ka maaaring espirituwal na nalulubog? Paano ka hihingi ng tulong sa Tagapagligtas at makatatanggap ng Kanyang sumasagip na kamay?

Maaari kang magtapos sa pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas o pag-anyaya sa isang estudyante na magbahagi ng kanyang patotoo.

4:31
1:9

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Juan 5:1–29

Paano ako makatatanggap ng paggaling sa buhay ko?

Maaari mong simulan ito sa pagpapakita ng sumusunod na larawan ng lalaking may karamdaman sa tipunan ng tubig sa Betesda at araling muli ang mga sali’t saling sabi tungkol sa nakapagpapagaling na kapangyarihan ng mga tubig na ito (tingnan sa “John 5:2–9. What was the tradition about the pool of Bethesda?” sa Scripture Helps: New Testament).

Pinagaling ni Jesus ang isang lalaking may karamdaman

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong. Maaari din nilang ibahagi ang mga ito sa isang kapartner o sa maliit na grupo:

  • Ano kaya ang pakiramdam ng lalaki na 38 taon nang may karamdaman?

  • Sino ang kilala mo na matagal nang umaasa at naghihintay ng paggaling sa kanilang buhay?

Ipabasa sa mga estudyante ang Juan 5:1–9. Maaari mong ituro na ang Betesda ay maaaring isalin bilang “bahay ng awa.”

2:24
  • Ano ang maituturo sa atin ng pakikitungo ni Jesus sa lalaking ito tungkol sa Tagapagligtas? (Maaaring tukuyin ng mga estudyante ang isang katotohanan na tulad ng sumusunod: Si Jesucristo ay maawain at nagbibigay ng pag-asa at pagpapagaling sa atin.)

Maaari mo ring ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Jeffrey R. Holland:

Pangulong Jeffrey R. Holland

Gaano ba tayo katagal maghihintay ng kaginhawaan mula sa mga paghihirap na dumarating sa atin? Magtitiis sa mga personal na pagsubok habang naghihintay nang napakatagal para sa tulong? Bakit ba kailangang patagalin gayong tila hindi na natin makayanan ang mga pasanin? …

… Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay pagtitiwala sa Diyos sa hirap at ginhawa, kahit na kabilang doon ang ilang pagdurusa hanggang sa ang Kanyang bisig ay maipahayag alang-alang sa atin. (“Paghihintay sa Panginoon,” Liahona, Nob. 2020, 115–16)

  • Ano ang ilang paraan na makapagtitiwala tayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo habang naghihintay tayong tumanggap ng awa at pagpapagaling?

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magsulat tungkol sa mga uri ng pagpapagaling na hinihintay nila. Hikayatin sila na isulat ang tungkol sa pag-asa at pagpapagaling na matatagpuan nila sa pamamagitan ni Jesucristo. Maaari silang maglista ng ilang paraan para maibigay nila ang kanilang tiwala sa Tagapagligtas habang naghahanap at naghihintay ng Kanyang pagpapagaling.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Juan 6:22–59

Saan ako pupunta para matugunan ang aking espirituwal na pagkagutom?

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong at bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipan ang mga ito:

Sa nakalipas na 24 na oras, ano ang mga partikular na bagay na ginawa mo upang pangalagaan ang iyong katawan? Paano naman ang iyong espiritu?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang ginagawa nila araw-araw upang pangalagaan ang kanilang kaluluwa habang pinag-aaralan nila ang sermon ng Tagapagligtas tungkol sa Tinapay ng Buhay.

Ipaliwanag na matapos pakainin ni Jesus ang limang libo, iniwan sila ng Tagapagligtas at tumawid sa Dagat ng Galilea. Ipabasa sa mga estudyante ang Juan 6:25–26, na inaalam kung bakit hinahanap ng mga tao si Jesus. Sabihin sa mga estudyante na alamin din kung ano ang idinagdag ng Pagsasalin ni Joseph Smith ng John 6:26 (sa John 6:26, footnote a) sa kanilang pagkaunawa.

  • Ano sa palagay ninyo ang dahilan ng paghahanap ng mga tao sa Tagapagligtas?

Maaari mong ibigay sa bawat estudyante ang sumusunod na handout at anyayahan silang gamitin ito para hanapin ang mga dahilan ng paghahanap sa Tagapagligtas.

Handout ng Si Jesucristo ang Tinapay ng Buhay

Matapos bigyan ng oras ang mga estudyante na maghanda, anyayahan ang bawat estudyante na maghanap ng kapartner at ibahagi kung paano nila ituturo ang espirituwal na pagkain na matatanggap natin mula sa Tagapagligtas. (Maaaring ipahayag ng mga estudyante ang isang alituntunin na tulad ng sumusunod: Kapag nakikibahagi tayo sa Tinapay ng Buhay, na si Jesucristo, tayo ay espirituwal na pangangalagaan at magkakaroon ng buhay na walang hanggan.)

2:36

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Juan 6:60–69

Ano ang dapat kong gawin kung hindi ko gusto ang isang bagay na itinuro ng Panginoon o ng Kanyang mga tagapaglingkod?

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Iwasang humusga. Ang isang paraan para maipadama natin sa iba na kabilang sila ay maging matiyaga at maunawain kapag nahihirapan ang mga estudyante na tanggapin ang isang turo ng ebanghelyo. Habang ibinabahagi ng mga estudyante ang bagay na nahihirapan sila, sikaping umunawa sa halip na humusga. Habang nagpapatotoo ka ng isang katotohanan na maaaring nahihirapang tanggapin ng isang tao, gawin ito sa paraang nanghihikayat at hindi nanghuhusga.

Isulat sa pisara ang sumusunod: “Mahirap ang pananalitang ito. Sino ang may kayang makinig nito?”

Basahin ang Juan 6:59–60 sa mga estudyante, at sabihin sa kanila na tukuyin kung sino ang nagtanong sa Tagapagligtas ng tanong na ito.

  • Ano ang nakita ng ilan sa Kanyang mga disipulo na mahirap na mga pananalita na mahirap tanggapin? (Kung kinakailangan, maaari mong ibuod o ng isang estudyante ang itinuro ni Jesus sa sermon tungkol sa Tinapay ng Buhay [tingnan sa Juan 6:26–56].)

Ipabasa sa mga estudyante ang Juan 6:60–69, na inaalam ang matututuhan natin tungkol sa pagtugon sa mahihirap na turo mula sa Tagapagligtas.

  • Ano ang dahilan ni Pedro kung bakit hindi siya lumayo? Ano ang matututuhan natin mula sa isinagot ni Pedro? (Maaaring tukuyin ng mga estudyante ang isang katotohanan na tulad ng sumusunod: Ang patotoo sa Tagapagligtas ay makatutulong sa atin na manatiling tapat sa Kanya kapag nakaririnig tayo ng mga turong mahirap nating tanggapin.)

  • Paano nakatulong sa inyo ang inyong patotoo sa Tagapagligtas na manatiling tapat kapag nahaharap sa mahirap na turo?

  • Bakit mahalagang hangarin ang diwa ng paghahayag kapag nakakarinig tayo ng mahihirap na turo? (tingnan sa Juan 6:63, 65). Paano kayo napagpala sa pag-alaala sa mga espirituwal na karanasan na nagpatibay sa inyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas?

Maaari mong ipakita o ibigay sa bawat estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen. O kaya naman ay panoorin ninyo ang “Sapat na ang Alam Mo” (2:06).

2:6
Elder Neil L. Andersen

Mga hamon, paghihirap, pagtatanong, pagdududa—[ang mga] ito ay bahagi ng buhay natin sa lupa. Ngunit hindi tayo nag-iisa. Bilang mga disipulo ng Panginoong Jesucristo, mayroon tayong malaking espirituwal na imbakan ng liwanag at katotohanan. … Sa panahong nahihirapan tayo, pinipili natin ang landas ng pananampalataya. Sabi ni Jesus, “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang” [Marcos 5:36].

Sa paglipas ng mga taon paulit-ulit nating ginagawa ang mahahalagang espirituwal na hakbang na ito. Nalalaman natin na, “siya na tumatanggap ng liwanag, at nagpapatuloy sa Diyos, ay tumatanggap ng marami pang liwanag; at ang liwanag na yaon ay lumiliwanag nang lumiliwanag hanggang sa ganap na araw” [Doktrina at mga Tipan 50:24]. Ang ating mga tanong at pagdududa ay nalulutas o hindi na gaanong bumabagabag sa atin. Nagiging payak at dalisay ang ating pananampalataya. Nalalaman natin ang alam na natin. (“Sapat na ang Alam Mo,” Liahona, Hunyo 2012)

Sa maliliit na grupo, maaaring talakayin ng mga estudyante kung paano nakatulong o makatutulong sa kanila ang “malaking espirituwal na imbakan ng liwanag at katotohanan” o “mahahalagang espirituwal na hakbang” na manatiling matatag kapag hinamon sila ng “mahirap na [mga] pananalita” (talata 60).

Bilang pagtatapos, maaari kang magbahagi o ang isang estudyante ng patotoo tungkol sa kung ano ang naghihikayat sa iyo o sa kanya na manatiling tapat kahit nakaririnig ng “mahirap na [mga] pananalita.”

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”