Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Mateo 19–20; Marcos 10; Lucas 18


“Mateo 19–20; Marcos 10; Lucas 18,” Manwal ng Titser ng Institute para sa Bagong Tipan (2025)

si Jesucristo na nakikipag-usap sa isang binata

Christ and the Rich Young Ruler [Si Cristo at ang Mayamang Binatang Pinuno], ni Heinrich Hofmann

Mateo 19–20; Marcos 10; Lucas 18

Itinuro ng Tagapagligtas ang mahahalagang katotohanan tungkol sa diborsyo at kasal. Pinagpala Niya ang maliliit na bata at tinuruan ang isang mayamang binata kung ano ang kailangan para sumunod sa Kanya. Ang mga nagsasakripisyo para kay Cristo ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. Itinuro ni Jesus ang mga talinghaga tungkol sa mga manggagawa sa ubasan, sa di-makatarungang hukom, at sa Fariseo at sa maniningil ng buwis.

Karagdagang Resources

Scripture Helps: New Testament [Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan], “Matthew 19-20; Mark 10; Luke 18 [Mateo 19-20; Marcos 10; Lucas 18]

Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng patnubay kung paano gamitin ang sumusunod na apat na pamantayang elemento ng lesson.

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Bago magklase, maaari mong ipadala sa mga estudyante ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na mensahe o ang ilan sa sarili mong mga mensahe:

  • Ano ang mga tanong mo tungkol sa pag-aasawa at diborsyo? Basahin ang Mateo 19:3–6 para malaman ang itinuro ng Tagapagligtas tungkol sa pag-aasawa at diborsyo. Maaari din ninyong panoorin ang video na“Marriage and Divorce” (3:02).

    3:2
  • Nadama mo na ba na hindi karapat-dapat ang isang tao sa pagpapala dahil hindi nila ibinigay ang katulad na pagsisikap na ibinigay mo? Basahin ang Mateo 19:27–30; 20:1–16, at pagnilayan ang natutuhan mo mula sa talinghagang ito.

  • Ano sa palagay mo ang magiging tugon ng Panginoon kung itatanong mo sa Kanya, “Ano pa ang magagawa ko para masunod Kayo?” Isipin kung paano ka matutulungan ng Marcos 10:17–22 na malaman kung paano sasagutin ng Panginoon ang tanong na ito.

icon ng talakayan
Mga Tanong at Pagbabahagi

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga ideya at katotohanang natuklasan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng Mateo 19–20; Marcos 10; Lucas 18.

icon ng pagsasanay sa kasanayan
Pagsasanay sa Kasanayan

Ang Mateo 19:1–9 ay maaaring magandang paggamitan ng kasanayang “Sharing Gospel Truths with Love and Sensitivity” sa Scripture Study Skills.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Maraming opsiyon sa pag-aaral ang inilaan para sa iyo at sa iyong mga estudyante. Mapanalanging piliin kung aling opsiyon o mga opsiyon ang magiging pinakamakabuluhan para sa klase mo.

Mateo 19:1–9; Marcos 10:1–12

Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa pag-aasawa?

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Ibahagi ang mga katotohanan ng ebanghelyo nang may pagkasensitibo at pagmamahal. Kapag tumatalakay ng mahihirap na paksa, gawin ito nang may pagkasensitibo, pag unawa, at kabaitan. Ipakita kung paano pag-usapan ang katotohanan nang may pagmamahal. Maaaring mahalagang maglaan ng ilang oras upang talakayin at isagawa ang kasanayang “Sharing Gospel Truths with Love and Sensitivity” sa Scripture Study Skills.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang ilan sa mga pag-uugali tungkol sa pakikipagdeyt at pag-aasawa sa mundo ngayon? Ipabasa ang Mateo 19:3–9 sa buong klase. Sabihin sa mga estudyante na markahan ang mga salita at parirala na nagpapakita ng nadarama ng Panginoon tungkol sa kasal.

  • Anong mga partikular na mga parirala sa talatang ito ang tumutulong sa inyo na maunawaan ang pananaw ng Panginoon tungkol sa kasal? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang mga katotohanang tulad ng sumusunod: Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay inorden ng Diyos at nilayon na hindi masira.)

  • Ano para sa inyo ang mahirap gawin sa mga talatang ito? Isiping basahin at talakayin ang “Matthew 19:3–9 [Mateo 19:3–9]. What did Jesus Christ teach about marriage and divorce? [Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa pag-aasawa at diborsyo?]” sa Scripture Helps: New Testament [Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan].

Dahil maaaring iba-iba ang pananaw ng iyong mga estudyante tungkol sa pag-aasawa, maaari mong ipakita ang sumusunod na mga tanong at resources at hayaan silang magpasiya kung ano ang gusto nilang talakayin:

  • Paano kung ikinababahala ko ang tungkol sa kasal? Panoorin ang “Face to Face for YSA: with Elder Jeffrey R. Holland, Sister Carole M. Stephens, and Elder Donald L. Hallstrom” mula sa time code na 15:25 hanggang 25:46. Pagkatapos ay talakayin ang natutuhan mo.

    113:2
  • Ano ang itinuturo ng mga propeta ng Panginoon tungkol sa diborsyo sa ating panahon? Panoorin at talakayin ang “Marriage and Divorce” (3:02). O basahin at talakayin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks:

    3:2
    Pangulong Dallin H. Oaks

    Maraming mabubuting miyembro ng Simbahan na nagdiborsyo. … Alam namin na marami sa inyo ang mga inosenteng biktima—mga miyembrong ang dating asawa ay paulit-ulit na sumira sa mga sagradong tipan o iniwan o ayaw gampanan ang mga responsibilidad ng isang asawa sa mahabang panahon. Ang mga miyembrong dumanas ng gayong pang-aabuso ay alam mismo ang mga sitwasyong mas malala pa kaysa diborsyo. …

    … Karamihan sa mga problema sa pagsasama ng mag-asawa ay hindi nalulutas sa diborsyo kundi pagsisisi. …

    … Dapat gawin ng mga [mag-asawa] ang lahat ng kanilang makakaya upang mapatibay ang pagsasama nilang mag-asawa. … Dapat silang maging matalik na magkaibigan, mabait at mapagbigay, sensitibo sa pangangailangan ng isa’t isa, laging hinahangad na mapaligaya ang isa’t isa. Dapat silang magkatuwang sa paghawak ng salapi ng pamilya, na nagtutulungan sa pagpipigil sa mga paghahangad nila sa mga temporal na bagay. …

    … Ang mabuting pag-aasawa ay hindi nangangailangan ng perpektong lalaki o perpektong babae. Ang kailangan lamang ay isang lalaki at isang babaeng kapwa nagsisikap nang tapat tungo sa pagiging perpekto. (“Diborsyo,” Liahona, Mayo 2007, 70–71, 72, 73)

  • Ano ang ilang praktikal na hakbang na magagawa mo para magkaroon ng masaya at nagtatagal na pagsasama? Basahin ang pampitong talata sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (Gospel Library), at talakayin ang mahahalagang alituntunin sa pagbuo ng masaya at walang hanggang pagsasama.

  • Anong mga matagumpay na pag-aasawa ang nakita mo na? Ano ang natutuhan mo mula sa mga ito? (Isiping panoorin ang “Enduring Love” (4:16) para makita ang halimbawa ng mapagmahal na paglilingkod sa pagsasama ng mag-asawa.)

    4:11

Maaari kang magpatotoo tungkol sa mga turo ng Panginoon tungkol sa kasal.

Mateo 19:27–30; 20:1–16

Paano ko maiiwasan ang mainggit kapag pinagpapala ng Diyos ang iba?

Maaari mong ibahagi ang sumusunod na sitwasyon:

Ayaw aminin ni John, pero medyo naiinggit siya sa magandang kapalaran at biyaya na natatamasa ng isang kaibigan kamakailan. Kamakailan lang ay nagsimulang magsimba muli ang kaibigang ito matapos siyang tumigil sa pagsimba ilang taon na ang nakalilipas. Iniisip ni John kung bakit hindi biniyayaan ng gayunding mga pagpapala ang maraming taon na paglilingkod niya sa simbahan at tapat na pamumuhay ng ebanghelyo.

  • Ano ang naiisip ninyo tungkol sa sitwasyong ito?

Ipaalala sa mga estudyante na bago ibahagi ni Jesus ang talinghaga tungkol sa mga manggagawa, itinanong ni Pedro kung anong gantimpala ang matatanggap ng mga disipulo sa pagtalikod sa lahat para sumunod sa Kanya (tingnan sa Mateo 19:27–30). Ipabasa sa mga estudyante ang talinghaga sa Mateo 20:1–16, o maaari mong ipalabas ang video na “Laborers in the Vineyard” (3:05). Sabihin sa mga estudyante na alamin kung ano ang maituturo sa atin ng talinghaga tungkol kay Jesucristo. (Maaaring makatulong na ipaliwanag na ang salitang denario sa mga talatang ito ay tumutukoy sa isang barya ng Roma na karaniwang ginagamit bilang bayad sa isang manggagawa para sa isang buong araw ng pagtatrabaho.)

3:5
  • Kung nagtrabaho kayo maghapon, ano ang mararamdaman ninyo kapag ang tinanggap ninyong sahod ay kapareho ng mga nagtrabaho nang isang oras lang?

  • Ano ang nalaman ninyo tungkol sa Diyos mula sa talinghagang ito? (Maaaring ibahagi ng mga estudyante ang mga katotohanan na tulad ng sumusunod: Ang Diyos ay saganang nagbibigay at nagnanais na pagpalain ang lahat ng tao.)

Ibahagi at talakayin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Jeffrey R. Holland:

Pangulong Jeffrey R. Holland

Tulad ng sinabi sa kanila ng may-ari ng lupa sa talinghaga (at iibahin ko lang nang kaunti): “Mga kaibigan, naging makatarungan ako sa inyo. …Binayaran ka nang buo. Kunin ninyo ang inyong sahod at tamasahin ang pagpapala. Para sa iba naman, malaya naman akong gawin ang gusto kong gawin sa pera ko.” At narito ang nakapupukaw na tanong para sa sinuman noon o ngayon na kailangang makarinig nito: “Bakit ka maiinggit kung piliin kong maging mabait?

… May mga pagkakataon sa buhay natin na ibang tao ang nagtatamo ng di-inaasahang pagpapala o tumatanggap ng espesyal na pagkilala. Maaari ba akong magsumamo sa inyo na huwag kayong maghinanakit—at huwag mainggit … ? Walang nababawas sa atin kapag may nadaragdag sa iba. …

… Tungkol ito sa kabutihan ng Diyos, sa Kanyang tiyaga at pagpapatawad, at sa Pagbabayad-sala ng Panginoong Jesucristo. Ito ay kuwento tungkol sa kabaitan at pagkahabag. Ito ay tungkol sa biyaya. Binibigyang-diin nito ang ideyang narinig ko maraming taon na ang nakalilipas na ang bagay na lubhang ikinatutuwa ng Diyos sa pagiging Diyos ay ang pagiging maawain, lalo na sa mga taong hindi ito inaasahan at kadalasan ay nadarama na hindi sila karapat-dapat dito. …

Pinakamamahal kong mga kapatid, sa inyo na napagpala ng ebanghelyo sa loob ng maraming taon dahil pinalad kayong matagpuan ito nang maaga, sa inyo na unti-unting nakabatid sa ebanghelyo kalaunan, at sa inyo—miyembro man kayo o hindi pa—na nag-aalangan pang sumapi, sa bawat isa sa inyo, sa lahat-lahat, pinatototohanan ko ang nagpapabagong kapangyarihan ng pagmamahal ng Diyos at ang himala ng Kanyang biyaya. Ang mahalaga sa Kanya ay ang pananampalatayang kakamtin ninyo, hindi kung kailan ninyo ito natamo. (“Ang mga Manggagawa sa Ubasan,” Liahona, Mayo 2012, 31–33)

  • Ano ang pinakanapansin ninyo mula sa mga turo ni Pangulong Holland?

  • Sa anong mga paraan ninyo natamasa ang kabutihan, kabaitan, at awa ng Diyos?

  • Ano ang magagawa ninyo para maging mas masaya at hindi mainggit kapag ang iba ay tumatanggap ng mga pagpapala mula sa Diyos? (Maaaring isulat ng mga estudyante ang kanilang mga iniisip at nadarama.)

Isiping ipaalala sa mga estudyante ang sitwasyon tungkol kay John mula sa simula ng aktibidad na ito sa pag-aaral. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila mula sa talinghagang ito na makatutulong para makaunawa si John.

Marcos 10:17–31

Ano ang magagawa ko para maipakita sa Panginoon na lubos akong tapat sa Kanya?

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na tanong: Ano pa ang kulang sa akin?

Sabay-sabay na basahin ang Marcos 10:17–22, o panoorin ang “Christ and the Rich Young Ruler” (2:28). Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang tanong na nakasulat sa pisara at ang sagot ng Tagapagligtas.

2:28
  • Bakit mahirap para sa mayamang binata ang iniutos ng Tagapagligtas? Ano ang isang bagay na mahirap na iniutos sa inyo ng Tagapagligtas? (Isiping sabihin sa mga estudyante na tahimik na pagnilayan ang pangalawang tanong.)

  • Ano ang iniutos ng Panginoon sa binata bukod sa pagtalikod sa kanyang kayamanan? (Maaaring matukoy ng mga estudyante ang isang katotohanan na tulad ng sumusunod: Kung nais nating sundin si Jesucristo, dapat maging handa tayong ibigay ang lahat sa Kanya.)

Isiping ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Jeffrey R. Holland:

Pangulong Jeffrey R. Holland

May kayamanan man o wala, bawat isa sa atin ay kailangang lumapit kay Cristo nang may gayon ding di-natitinag na katapatan sa Kanyang ebanghelyo na inasahan sa batang pinunong ito. Sa salita ng mga kabataan ngayon, kailangan nating “itodo” ang ating katapatan. (“Ang Pinakamahalagang Pag-aari,” Liahona, Nob. 2021, 8)

Sabihin sa mga estudyante na bumuo ng maliliit na grupo at gumawa ng isa o dalawang halimbawa ng ibig sabihin ng “itodo [all in]” kapag lumapit tayo kay Cristo. Kung makatutulong, maaari mong ipakita ang sumusunod na mga pahiwatig ng talakayan:

  • Ang pagsisisi sa aking mga kasalanan ay maaaring magpakita na ako ay “all in” dahil …

  • Ang paggawa at pagtupad sa mga tipan sa templo ay nagpapakita na ako ay “all in” dahil …

  • Ang pagbabahagi ng ebanghelyo sa isang kaibigan ay maaaring magpakita na ako ay “all in” dahil …

  • Ang pangako na maikasal sa kasal sa templo ay maaaring magpakita na ako ay “all in” dahil …

  • Ang pagtanggap sa isang mapaghamong tungkulin sa Simbahan ay maaaring magpakita na ako ay “all in” dahil …

  • Ang paglilingkod sa misyon ay maaaring magpakita na ako ay “all in”dahil …

Bigyan ng oras ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga halimbawa ng ibig sabihin ng “all in [itodo]” Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan at isulat ang isang bagay na nahikayat nilang gawin para ipakita sa Panginoon na sila ay “all in.”

Lucas 18:9–14

Paano ko maiiwasang maging mapagmataas sa sarili?

Maaari mong isulat sa pisara ang salitang mapagmataas sa sarili at anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga paraan na maaaring kung minsan ay itinuturing nila ang sarili na mas magaling o mas mabuti kaysa ibang tao. Maaari nilang pag-isipan kung paano nakakaimpluwensya ang gayong saloobin sa paraan ng pagtingin o pakikitungo nila sa iba.

Basahin nang sabay-sabay ang Lucas 18:9, at ipatukoy sa mga estudyante ang dahilan kung bakit ibinahagi ni Jesus ang talinghagang ito.

Iguhit sa pisara ang sumusunod na chart:

Fariseo

Publican

Ipabasa sa mga estudyante ang Lucas 18:10–14 at ihambing ang mga panalangin ng Fariseo at ng maniningil ng buwis. Kung kinakailangan, rebyuhin ang “Maniningil ng Buwis” at “Fariseo, Mga” Gabay sa mga Banal na Kasulatan (Gospel Library).

Sabihin sa mga estudyante na isulat sa pisara ang mga salita at parirala na nagpapakita ng mga saloobin ng Fariseo at ng maniningil ng buwis. Maaaring ipaliwanag ng mga estudyante kung ano ang ipinahihiwatig ng mga salita at parirala na ito tungkol sa bawat lalaki. Maaari mong ibahagi na nang ang maniningil ng buwis ay “dinadagukan ang kanyang dibdib” (Lucas 18:13), nagpapahayag siya ng dalamhati at matinding kalungkutan.

Ano ang kulang sa panalangin ng Fariseo na makikita sa panalangin ng maniningil ng buwis? Anong mga alituntunin ang matutukoy natin sa talinghagang ito? (Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng mga alituntunin na tulad ng sumusunod: Ang Diyos ay nagkakaloob ng awa sa mga mapagpakumbaba. Ang pagiging mapagmataas sa sarili ay hadlang sa pagsisisi at pagkahabag sa kapwa.)

  • Paano nakahahadlang ang pagiging mapagmataas sa ating pagsisisi? Paano ito nakahahadlang sa pagkahabag natin sa iba?

Panoorin ang pagbabahagi ni Elder Robert C. Gay ng karanasan sa “Taglayin sa Ating Sarili ang Pangalan ni Jesucristo” [time code 0:37 hanggang 2:52]. Ano ang natutuhan ninyo mula sa karanasang ibinahagi ni Elder Gay?

10:24

Paano tinatrato ng Tagapagligtas, na walang kasalanan, ang mga nagkasala? (tingnan para sa halimbawa ang Juan 8:1–11; Lucas 7:36–50).

Isiping ipakita ang sumusunod na turo ni Elder Dale G. Renlund:

Elder Dale G. Renlund

Ang nagsisising makasalanan ay mas napapalapit sa Diyos kaysa sa taong nagmamalinis na lumalait sa makasalanan. (“Ang Ating Mabuting Pastol,” Liahona, Mayo 2017, 31)

Para matulungan ang mga estudyante na madama ang kahalagahan ng pag-iwas na maging mapagmataas sa sarili at sa halip ay maging mapagpakumbaba, anyayahan silang pag-isipan ang mga pagkakataong naranasan o nasaksihan nila ang kapangyarihan ng pagpapakumbaba. Hikayatin ang mga estudyante na magbahagi ng mga halimbawa. Sabihin sa mga estudyante na mapanalanging isipin kung ano ang gagawin nila para makaugaliang magpakumbaba at magsisi.