Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Mga Taga Galacia


“Mga Taga Galacia,” Manwal ng Titser ng Institute para sa Bagong Tipan (2025)

babaeng nakaupo sa tabi ng mesa

Mga Taga Galacia

Ang mga maling ideya na itinuro sa mga Banal sa Galacia ay naging dahilan ng paghina ng pananampalataya ng marami sa kanila. Ipinaalala ni Pablo sa mga Banal na siya ay tinawag ni Jesucristo, na siyang pinagmulan ng kanyang mga turo. Itinuro din niya ang papel na ginagampanan ng pananampalataya kay Cristo sa ating kaligtasan at kung paano matatanggap ang mga pagpapala ng Espiritu.

Karagdagang Resources

Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan, “Mga Taga Galacia

Paalala: Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng gabay kung paano gamitin ang sumusunod na apat na pamantayang elemento ng lesson.

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Bago magklase, isiping magpadala sa mga estudyante ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na mensahe o ng ilan sa sarili mong mga mensahe:

  • Nakadama ka na ba ng kalituhan sa lahat ng iba’t ibang opinyon at pilosopiya sa mundo? Sa pag-aaral mo ng Mga Taga Galacia 1:1–5, 10–12, pag-isipan ang ibinahagi ni Pablo na makatutulong sa iyo para hindi ka malinlang.

  • Isipin na kunwari ay may kilala kang isang tao na nakadarama na hindi siya kailanman magiging sapat na mabuti para sa Diyos. Anong mga mensahe ng pag-asa ang nakita mo sa Mga Taga Galacia 2:16; 3:24–29?

  • Kung minsan ay nadarama natin na nahihirapan tayong pumili sa pagitan ng ating mga hangarin na magpatangay sa tukso o sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu. Sa pag-aaral mo ng Mga Taga Galacia 5:16–26, hanapin ang mga turo ni Pablo na makatutulong sa iyo na mas madalas na sundin ang Espiritu.

  • Naisip mo na ba kung makabuluhan ang mga pagsisikap mong sundin ang Tagapagligtas? Habang pinag-aaralan ang Mga Taga Galacia 6:7–10, hanapin ang mga turong tutulong sa iyo na mas maunawaan ang mga pagpapalang kaugnay ng pagsunod kay Jesucristo.

icon ng talakayan
Mga Tanong at Pagbabahagi

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga ideya at katotohanang natuklasan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng Galacia.

icon ng pagsasanay sa kasanayan
Pagsasanay sa Kasanayan

Ang Mga Taga Galacia 1:1–12 ay maaaring magandang paggamitan ng kasanayang “Evaluating the Reliability of Sources” sa Scripture Study Skills.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Maraming opsiyon sa pag-aaral ang inilaan para sa iyo at sa iyong mga estudyante. Mapanalanging piliin kung aling opsiyon o mga opsiyon ang magiging pinakamakabuluhan para sa klase mo.

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Hikayatin ang mga estudyante na ipamuhay ang natututuhan nila. Tandaan na ang pagpapalakas ng pananampalataya at pagiging higit na katulad ni Cristo ay hindi nangyayari sa isang iglap. Dapat nating isagawa nang may pananampalataya ang natututuhan natin para talagang maisapuso ito. Sabihin sa mga estudyante na sadyang ipamuhay ang natututuhan nila at gumawa ng sariling pagsusuri para manatiling responsable sa kanilang pag-unlad. Bigyan ng mga pagkakataon ang mga estudyante na suriin at pagnilayan ang kanilang pag-unlad.

Mga Taga Galacia 1:1–12

Paano makatutulong sa akin ang pakikinig sa mga tagapaglingkod ng Panginoon kapag nakaririnig ako ng magkakasalungat na mensahe tungkol sa aking relihiyon?

Isiping ibahagi ang sumusunod na sitwasyon. Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga pagkakataon na naranasan nila ang katulad na bagay.

Pagkatapos ng pangkalahatang kumperensya, isang kaibigan ang nagpadala kay Carlos ng video na ipinost ng isang social media influencer na miyembro ng Simbahan. Libu-libo ang views ng video. Nagkomento ang influencer sa mensaheng ibinigay ng isang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Positibo ito sa simula pero hindi nagtagal ay naging masyado na itong mapamintas sa mga turo ng Apostol. Habang lalo pa itong pinanonood ni Carlos, lalo siyang nakadarama ng …

  • Ano kaya ang nararamdaman ni Carlos?

Ipaliwanag na madalas na nahaharap ang mga Banal sa Galacia ng mga turong salungat sa ebanghelyo ni Jesucristo na itinuro sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta. Sabihin sa mga estudyante na maghanap ng kapartner at magkasamang basahin ang Mga Taga Galacia 1:1–12. Pagkatapos ay anyayahan sila na talakayin sa kanilang mga kapartner kung paano maiaangkop sa sitwasyon ni Carlos ang mensahe ni Pablo sa mga taga-Galacia.

Matapos ang talakayan ng mga estudyante, isiping anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase ang natutuhan nila. Maaari din ninyong talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano umaangkop sa inyong buhay ang mensahe ni Pablo?

  • Ayon sa mga talata 1 at 11–12, bakit mapagkakatiwalaan natin ang mga itinuturo ng mga Apostol ng Panginoon? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang isang katotohanan na tulad ng sumusunod: Mapagkakatiwalaan natin ang mga Apostol ng Panginoon dahil inihahayag ng Panginoon ang mga katotohanan ng Kanyang ebanghelyo sa kanila.)

  • Paano kayo napoprotektahan kapag inuuna ninyo ang mga turo ng mga buhay na Apostol ng Panginoon?

Isiping ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Sister Carol F. McConkie:

Sister Carol F. McConkie

Sinasang-ayunan … natin [ang Unang Panguluhan] at ang Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag. “Mayroon silang karapatan, kapangyarihan, at awtoridad na ipahayag ang isipan at kalooban ng [Panginoon] … , sa pahintulot ng … Pangulo ng Simbahan.” Nagsasalita sila sa pangalan ni Jesucristo. Nagpopropesiya sila sa pangalan ni Cristo. Ginagawa nila ang lahat ng bagay sa pangalan ni Jesucristo. Sa kanilang mga salita naririnig natin ang tinig ng Panginoon at nadarama ang pagmamahal ng Tagapagligtas. …

Habang mapanalangin nating binabasa at pinag-aaralan ang sagradong salita ng propeta nang may pananampalataya kay Cristo, na may tunay na layunin, ang Espiritu Santo ay magsasabi ng katotohanan sa ating isipan at puso. Nawa’y buksan natin ang ating mga tainga upang tayo’y makarinig, ang ating mga puso upang tayo’y makaunawa, at ang ating mga isipan upang ang mga hiwaga ng Diyos ay mabuksan sa ating [paningin]. (“Mamuhay Ayon sa mga Salita ng mga Propeta,” Liahona, Nob. 2014, 77, 79)

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang bagay na natutuhan nila kamakailan mula sa mga propeta at apostol ng Panginoon na nakatulong sa kanila. Maaari mong itanong:

  • Paano kayo naprotektahan ng mga turo ng mga propeta at apostol ng Panginoon laban sa mga panlilinlang ng mundo?

  • Paano nakatulong sa inyo ang kanilang mga turo para madaig ang pag-aalinlangan o pagkalito?

  • Paano nakatulong sa inyo ang kanilang mga turo para mas maunawaan ang tunay na kahulugan ng ebanghelyo ng Tagapagligtas?

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan.

Tapusin ang aktibidad sa pag-anyaya sa isa o dalawang estudyante na ibahagi ang kanilang patotoo tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral at pagsunod sa itinuturo ng mga propeta at apostol ng Panginoon. Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang magagawa nila para unahin sa kanilang buhay ang mga salita ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Mga Taga Galacia 2:16; 3:24–29

Ano ang makatutulong sa akin kung pakiramdam ko ay hindi ako kailanman magiging sapat na mabuti para sa Diyos?

Maaari mong simulan ang aktibidad na ito sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sumusunod na sitwasyon:

Madalas na nag-aalala si John tungkol sa kanyang pagiging karapat-dapat. Masigasig niyang sinusunod ang mga kautusan para patunayan na siya ay karapat-dapat. Pero sa kabila ng lahat ng pagsisikap ni John, nadarama niya na lagi siyang nagkukulang. Nag-aalala si John na hindi siya kailanman magiging katanggap-tanggap sa harap ng Diyos.

  • Ano ang maaaring maling mga palagay ni John tungkol sa Diyos?

  • Ano ang gusto ninyong maunawaan ni John tungkol sa Diyos?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagkakataon na nadama rin nila ang nadama ni John. Ipaliwanag na sa kanyang sulat sa mga taga-Galacia, itinuro ni Pablo ang mahahalagang alituntunin kung paano tayo makatatayo nang walang-sala at may tiwala o kumpiyansa sa harapan ng Diyos. Bigyan ang mga estudyante ng handout na “Paano Tayo Binibigyang-katwiran sa Harap ng Diyos?,” at anyayahan sila na hanapin ang mga katotohanang makatutulong kay John. Ang aktibidad na ito ay maaaring gawin nang mag-isa o sa maliliit na grupo.

handout na Paano Tayo Binibigyang-katwiran sa Harap ng Diyos?

Pagkatapos ng oras ng talakayan ng mga estudyante, anyayahan sila na ibahagi ang kanilang mga sagot. Tulungan silang matukoy ang katotohanan na tayo ay binibigyang-katwiran sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Jesucristo at sa pamamagitan ng katapatan ni Cristo. (Isiping basahin nang sabay-sabay ang “Mga Taga Galacia 2:15–16. Paano tayo binibigyang-katwiran ng ‘pananampalataya kay Jesucristo’?” sa Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan.)

Maaaring makatulong na ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson bilang bahagi ng inyong talakayan:

Elder D. Todd Christofferson

Ang pagbibigay-katwiran at pagpapabanal ay mga bunga ng “walang hanggang kapangyarihan” ng Pagbabayad-sala, na siyang kapangyarihan na tinutukoy rin nating awa o biyaya. …

Kaya, hindi natin natatamo ang mga kaloob na ito, sa halip ay pinipili nating hanapin at tanggapin ang pagbibigay-katwiran at pagpapabanal. Dahil nagbayad ang Tagapagligtas para sa ating mga kasalanan at natugunan Niya ang katarungan para sa atin, tayo ay may pagkakautang sa Kanya sa halip na sa katarungan. Samakatuwid, kailangan nating tugunan ang mga kundisyong itinakda Niya para mapatawad at malinis. … Kailangang piliin ng isang tao si Cristo para matanggap ang mga ibinibigay ni Cristo. (“Justification and Sanctification,” Ensign, Hunyo 2001, 18, 23)

Isipin kung paano mapalalalim ng mga sumusunod na tanong ang pag-unawa ng mga estudyante tungkol sa pagbibigay-katwiran:

  • Paano makapagdudulot ng kapayapaan at pag-asa sa halip na pagkabalisa at kawalang-katiyakan ang pag-unawa sa ginampanan ng Tagapagligtas sa pagbibigay-katwiran?

  • Ano ang nadarama ninyo para sa Tagapagligtas, batid na Siya ay nagdusa para sa inyong mga kasalanan upang mabigyang-katwiran kayo sa harap ng Diyos?

  • Ano ang maaari ninyong gawin upang maipakita ang inyong pasasalamat kay Jesucristo para sa handa Niyang gawin para sa inyo? (Maaaring isulat ng mga estudyante ang kanilang mga naiisip.)

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Mga Taga Galacia 5:16–26

Paano mapalalakas ng Espiritu Santo ang kakayahan kong kontrolin ang mga pagnanasa ng aking katawan?

Idispley ang sumusunod na larawan at sabay-sabay na basahin ang Mga Taga Galacia 5:16–17. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano magagamit ang larawang ito ng tug-of-war para mailarawan ang mensahe ni Pablo.

apat na katao na naglalaro ng tug-of-war gamit ang lubid
  • Sa palagay ninyo, bakit may labanan sa pagitan ng laman at ng Espiritu para sa lahat ng tao?

Maaari ninyong sama-samang basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar:

Elder David A. Bednar

Bilang mga anak ng Diyos, nagmana tayo ng mga banal na katangian mula sa Kanya. Ngunit sa ngayon ay nakatira tayo sa makasalanang daigdig. Ang mismong mga elemento kung saan nalikha ang ating katawan ay likas na mahina at madaling matangay ng kasalanan, kasamaan, at kamatayan. Dahil dito, ang Pagkahulog ni Adan at ang espirituwal at temporal na mga bunga nito ay may epekto sa ating pisikal na katawan. (“Naniniwala Kami sa Pagiging Malinis,” Liahona, Mayo 2013, 42–43)

  • Ano ang natutuhan ninyo mula kay Elder Bednar tungkol sa labanan ng laman at ng Espiritu?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na makipagtulungan sa kapartner. Bigyan ang bawat magkapartner ng isang papel (o ipagamit sa kanila ang isang electronic device). Pagkatapos ay sabihin sa kanila na isulat sa papel ang dalawang heading: Mga Bunga ng Espiritu at Mga Pagnanasa ng Laman. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Mga Taga Galacia 5:18–26 at ilista ang mga salita o parirala sa ilalim ng angkop na heading. (Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang “Define” feature sa Gospel Library para matulungan sila sa anumang salita na hindi nila nauunawaan.) Sabihin sa mga estudyante na talakayin sa kanilang mga kapartner kung anong mga salita o parirala ang napansin nila at bakit.

Isiping ipatalakay sa klase ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang maaaring nagpapahirap sa pag-iwas sa “mga gawa ng laman”? (talata 19).

  • Ayon kay Pablo, paano natin madaraig ang mga pagnanasa ng laman? (Maaaring tukuyin ng mga estudyante ang isang katotohanan na tulad ng sumusunod: Kapag lumakad tayo ayon sa Espiritu, madaraig natin ang mga tukso ng laman.)

  • Ano sa inyong palagay ang ibig sabihin ng “lumakad kayo ayon sa Espiritu”? (talata 25).

Maaaring bumuo ng maliliit na grupo ang mga estudyante at pagkatapos ay magbahagi ng mga karanasan noong nadama nila ang mga bunga ng Espiritu na nakalista sa mga talata 22–23. O maaaring magsulat ang mga estudyante ng isang karanasan sa Espiritu kamakailan, at pagkatapos ay maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na handang ibahagi ang isinulat nila.

  • Paano nakaimpluwensya sa inyong relasyon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang mga bunga ng Espiritu na naranasan ninyo?

Para tapusin ang aktibidad, maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang gagawin nila para mas matamasa ang mga bunga ng Espiritu sa kanilang buhay.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Mga Taga Galacia 6:1–10

Paano ko inaani ang aking inihasik?

Maaari mong ipakita ang sumusunod na larawan at anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang mensaheng nakikita nila na inilalarawan.

isang kamay na nagtatanim ng binhi

Ipaliwanag na sa Mga Taga Galacia 6, hinikayat ni Pablo ang mga Banal na lumakad ayon sa Espiritu at tumulong na dalhin ang mga pasanin ng isa’t isa. Pagkatapos ay nagturo siya ng isang malalim na aral gamit ang imahe ng pagtatanim at pag-aani. Ituro na ginamit ni Pablo ang mga salitang maghasik (magtanim) at anihin.

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Mga Taga Galacia 6:7–10, na inaalam ang aral na itinuro ni Pablo gamit ang imahe ng paghahasik at pag-aani.

  • Ano ang mensahe ni Pablo sa talata 7?

    Maaari mong ipasulat sa mga estudyante sa pisara ang sarili nilang bersiyon ng mensahe ni Pablo. Halimbawa: Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Hindi maaaring hamakin ang Diyos. Ang nakukuha mo sa buhay mo (ani) ay ang inilalagay mo sa buhay mo (tanim).

  • Ano ang ilang halimbawa ng mga katotohanang ito sa ating buhay araw-araw?

  • Ano ang pagkakaiba ng paghahasik para mapasaya ang laman at ang paghahasik para mapasaya ang Espiritu?

  • Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng “huwag … manghinawa sa paggawa ng mabuti”? (talata 9).

Maaaring makatulong na pag-isipan kung paanong si Jesucristo ang perpektong halimbawa ng hindi nanghihinawa sa paggawa ng mabuti.

Bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na pag-isipan kung paano nila maipamumuhay ang mga katotohanang natutuhan nila. Ang isang paraan para magawa ito ay bigyan ang mga estudyante ng handout na “Saan Ako Dadalhin ng Aking mga Iniisip at Ginagawa?” at bigyan sila ng oras para makumpleto ito.

handout na Saan Ako Dadalhin ng Aking mga Iniisip at Ginagawa?

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”