Mga Kurso Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Mateo 4; Lucas 4–5


“Mateo 4; Lucas 4–5,” Manwal ng Titser ng Institute para sa Bagong Tipan (2025)

binasa ni Jesus ang mga banal na kasulatan sa sinagoga sa Nazaret

Mateo 4; Lucas 4–5

Napaglabanan ni Jesucristo ang mga tukso ni Satanas sa ilang. Bumalik Siya sa Kanyang kinalakhang bayan ng Nazaret at hindi tinanggap matapos ipahayag ang sarili na Siya ang Mesiyas. Si Jesus ay naglakbay sa buong Galilea, nangangaral at nagpapagaling. Ang mahabaging pagsisikap ng Tagapagligtas ay nag-alis sa mga tao mula sa hindi magagandang epekto ng masasamang espiritu, sakit, at kasalanan.

Karagdagang Resources

Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan, “Mateo 4; Lucas 4–5

Paalala: Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng patnubay kung paano gamitin ang sumusunod na apat na pamantayang elemento ng lesson.

icon ng pag-aaral
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral

Bago magklase, maaari mong ipadala sa mga estudyante ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na mensahe o ang ilan sa sarili mong mga mensahe:

  • Lahat tayo ay may mga tuksong sumusubok sa atin. Basahin ang Mateo 4:1–11, at isipin kung ano ang matututuhan mo mula sa Tagapagligtas tungkol sa paglaban sa tukso.

  • Paano ka inaanyayahan ng Panginoon na sumunod sa Kanya? Basahin ang tungkol sa pag-anyaya ng Tagapagligtas sa mga tao na sumunod sa Kanya sa Mateo 4:18–22, at pagnilayan kung paano ka tumugon sa Kanyang mga paanyaya.

  • Sa anong mga paraan mo kailangan ang nakapagpapagaling na kapangyarihan ng Panginoon sa iyong buhay? Basahin ang Lucas 5:17–26, at pagkatapos ay panoorin ang “The Wounded Soul Shall Be Healed” (5:46) at mag-isip ng mga paraan na matutulungan ka ng Tagapagligtas na gumaling.

    5:45
  • Sa loob ng isang araw, itala ang mga titulo o label na ginagamit mo para ilarawan ang iyong sarili at ang iba. Basahin ang Lucas 5:27–32, at isipin kung paano tayo mahahadlangan ng ilang titulo o label na mas mapalapit sa Tagapagligtas.

icon ng talakayin
Mga Tanong at Pagbabahagi

Bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga ideya at katotohanang natuklasan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng Mateo 4; Lucas 4–5.

icon ng pagsasanay sa kasanayan
Pagsasanay sa Kasanayan

Ang Mateo 4:1–11 ay maaaring magandang paggamitan ng kasanayang “Paggamit ng mga Banal na Kasulatan ng Panunumbalik upang Maunawaan ang Biblia” sa Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan. Maaari mo ring gamitin ang kasanayang “Paghahanap ng Kahulugan ng mga Salita at Parirala” sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan kapag pinag-aaralan ang Lucas 4:16–32.

icon ng mga opsiyon sa aktibidad sa pag-aaral
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral

Maraming opsiyon sa pag-aaral ang inilaan para sa iyo at sa iyong mga estudyante. Mapanalanging piliin kung aling opsiyon o mga opsiyon ang magiging pinakamakabuluhan para sa klase mo.

Mateo 4:1–11

Ano ang matututuhan ko mula sa Tagapagligtas tungkol sa paglaban sa tukso?

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga tuksong nararanasan nila sa kasalukuyan. Pagkatapos ay bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipan kung paano nakakaapekto ang mga tuksong iyon sa kanilang buhay.

  • Bakit mahalagang maunawaan natin na naranasan din ni Jesucristo ang mga tukso na kinakaharap natin ngayon? (tingnan sa Mga Hebreo 2:17–18; 4:15–16).

Ipaliwanag na ang Mateo 4:1–11, pati na ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng mga talatang ito, ay nagbibigay sa atin ng mahahalagang aral mula sa buhay ng Tagapagligtas tungkol sa kung paano labanan ang tukso. (Kung kinakailangan, ipakita sa mga estudyante kung paano matatagpuan ang Mateo 4 sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia na makikita sa Mga Tulong sa Pag-aaral na nasa Gospel Library [tingnan sa “Paggamit ng mga Banal na Kasulatan ng Panunumbalik upang Maunawaan ang Biblia” sa Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan].)

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Mateo 4:1–11 at ang mga kaugnay na talata sa Pagsasalin ni Joseph Smith, na inaalam kung paano makadaragdag sa kakayahan nating mapaglabanan ang tukso ang pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtas. Matapos bigyan ng oras ang personal na pag-aaral, maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong at anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang mga ito sa maliliit na grupo:

  • Paano nakaimpluwensya ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng mga talatang ito sa pagkaunawa ninyo sa karanasan ng Tagapagligtas?

  • Paano hinangad ni Satanas na tuksuhin ang Tagapagligtas?

  • Ano ang ginawa ni Jesus para mapaglabanan ang mga tukso ni Satanas?

Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila mula sa talakayan nila sa kanilang grupo. Maaari mong isulat ang mga ideya nila sa pisara. Ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod ay makatutulong para mapalalim ang kanilang pagkatuto:

  • Paano ginagamit ni Satanas ang gayon ding mga pamamaraan sa ating panahon?

  • Paano nakatulong sa inyo ang pagsunod sa halimbawa ng Tagapagligtas para mapaglabanan ninyo ang tukso? (Hikayatin ang mga estudyante na magbahagi ng mga karanasan mula sa sarili nilang buhay.)

Maaari ninyong tapusin ang inyong talakayan sa panonood ng “Temptation Fades as We Seek Christ in Every Thought” (2:57).

2:58

Sabihin sa mga estudyante na isulat ang isang bagay na magagawa nila sa linggong ito para mapag-ibayo ang kanilang kakayahang labanan ang tukso.

Opsiyonal na Materyal para Matalakay ang Pag-aalinlangan sa Sarili

Kung may pag-aalinlangan sa sarili ang ilang estudyante, maaari mong isama ang sumusunod na materyal bilang bahagi ng lesson.

  • Paano sinubukan ni Satanas na magpadama ng pag-aalinlangan sa banal na misyon ng Tagapagligtas? (tingnan sa Mateo 4:3, 6; tingnan din sa Mateo 27:40).

Maaari ninyong sama-samang basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Hugo Montoya:

Elder Hugo Montoya

Tinukso ng kaaway ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng paglalagay ng pag-aalinlangan sa Kanyang kabanalan. Ginamit niya ang kondisyunal na katagang “Kung ikaw ang Anak ng Diyos.” …

Ang pag-uusap na ito sa pagitan nina Jesucristo at Satanas ay nagbibigay sa atin ng malinaw na ideya kung paano tayo tinutukso ng kaaway upang maglagay ng mapanirang mga pag-aalinlangan sa ating mga puso’t isipan. (“Pagdaig sa Panganib ng Pag-aalinlangan,” Liahona, Setyembre 2017, 46)

  • Paano hinahangad ni Satanas na pag-alinlanganan ninyo ang inyong identidad bilang anak ng Diyos?

  • Ano ang matututuhan natin mula sa Tagapagligtas tungkol sa paglaban sa pag-aalinlangang inilalagay ni Satanas sa ating puso’t isipan? Ano ang lubos na nakatulong sa inyo na mapaglabanan ang tukso ni Satanas na pag-alinlanganan ang tunay ninyong identidad?

Maaari mong basahin at talakayin sa klase ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson:

Pangulong Russell M. Nelson

Naniniwala ako na kung tuwirang nagsasalita sa inyo ang Panginoon ngayong gabi, ang una Niyang titiyakin ay na nauunawaan ninyo ang inyong tunay na pagkatao. Mahal kong mga kaibigan, kayo ay literal na mga espiritung anak ng Diyos. Nakanta na ninyo ang katotohanang ito mula nang matutuhan ninyo ang mga titik sa “Ako ay Anak ng Diyos.” Ngunit nakatatak ba sa puso ninyo ang walang-hanggang katotohanang iyan? Nakadaig na ba kayo ng tukso dahil sa katotohanang ito? (“Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan” [pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Mayo 15, 2022], Gospel Library.)

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Mateo 4:18–22

Ano ang kailangan kong isakripisyo upang mas lubos na masunod ang Tagapagligtas?

Maaari mong talakayin nang maikli ang iba’t ibang paraan na makapagbibigay ng mga paanyaya sa atin ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Pagkatapos ay ipakita at sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Anong mga paanyaya ang ipinaabot sa akin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?

  • Paano ako tumugon sa mga paanyayang ito?

Matapos bigyan ng oras ang mga estudyante na tahimik na makapag-isip, ipabasa sa mga estudyante ang Mateo 4:18–22 o panoorin ang “Follow Me, and I Will Make You Fishers of Men” (1:55). Hikayatin sila na alamin kung paano tumugon sina Pedro, Andres, Santiago, at Juan sa paanyaya ng Tagapagligtas. (Paalala: Ang ibig sabihin ng kaagad ay kumilos nang walang pagpapaliban.)

1:56
  • Bakit maaaring mahirap para sa mga lalaking ito na iwan ang kanilang mga lambat?

Maaari ninyong talakayin ang sumusunod na pahayag ni Elder Joseph B. Wirthlin, na tinukoy ang mga lambat ng mga disipulo bilang metapora:

Elder Joseph B. Wirthlin

Ang mga lambat, sa pangkalahatan, ay binibigyang kahulugan bilang mga gamit para hulihin ang isang bagay. Sa mas kakaunti ngunit higit na mahalagang pagkaunawa, maaari nating bigyang kahulugan ang lambat bilang isang bagay na nang-aakit o pumipigil sa atin sa pagsunod sa paanyaya ni Jesucristo, ang Anak ng Diyos na buhay.

Ang mga lambat, sa kontekstong ito, ay maaaring ang ating mga trabaho, mga libangan, mga kasiyahan, at higit sa lahat ng bagay, ang ating mga tukso at mga kasalanan. Sa madaling salita, ang isang lambat ay anumang bagay na humihila sa atin palayo sa ating Ama sa Langit o sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan. (“Magsisunod sa Akin,” Liahona, Mayo 2002, 15)

  • Ano ang matututuhan natin tungkol sa pagsunod sa Tagapagligtas mula sa ginawa nina Pedro, Andres, Santiago, at Juan? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang katotohanang tulad ng sumusunod: Kailangang handa tayong magsakripisyo at iwan ang ating “mga lambat” kung nais nating sundin ang Tagapagligtas.)

  • Ano ang ilang halimbawa ng “mga lambat” na maaaring hilingin sa atin na talikuran para masunod ang Tagapagligtas? Bakit maaaring mahirap iwan ang ating “mga lambat” kapag tumawag ang Tagapagligtas?

Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipang mabuti ang isang “lambat” na maaaring gusto ng Tagapagligtas na talikuran nila upang mas lubos nila Siyang masunod. Maaari mong ipanood ang “Your Day for a Mission” (3:31), na kuwento tungkol kay Sid Going, na nagsakripisyo ng isang bagay na mahalaga sa kanya upang sundin ang Panginoon. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung ano ang iniwan ni Sid para magmisyon.

3:32

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Lucas 4:16–32

Paano ako mapapagaling at matutulungan ng Mesiyas?

Maaari mong simulan ang bahaging ito ng talakayan sa pamamagitan ng pagdispley at pag-anyaya sa mga estudyante na sama-samang talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano ninyo ipaliliwanag ang banal na misyon ng Tagapagligtas sa isang pitong taong gulang? Ano ang sasabihin ninyo sa kanya kung bakit mahalaga sa inyo ang misyon ng Tagapagligtas?

Maaari mong ipakita ang kalakip na larawan. Ipaliwanag na habang nagbabasa mula sa mga salita ni Isaias sa mga Judio sa sinagoga sa Kanyang bayang Nazaret, ipinahayag ni Jesus ang Kanyang banal na misyon.

nagtuturo si Jesus sa sinagoga

Ipabasa sa mga estudyante ang Lucas 4:16–22 o ipanood ang “ Jesus Declares He Is the Messiah ” (mula sa time code na 0:00 hanggang 2:12), na inaalam kung ano ang matututuhan natin tungkol sa banal na misyon ng Tagapagligtas.

3:24
  • Ano ang itinuturo sa atin ng talata 18 tungkol sa banal na misyon ni Jesus? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang katotohanan na hinirang ng Ama sa Langit si Jesus upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga dukha, pagalingin ang mga bagbag ang puso, mangaral ng kaligtasan sa mga bihag, magbigay ng paningin sa mga bulag, at palayain ang mga naaapi.)

Maaaring pumili ang mga estudyante ng isa sa mga salita o parirala na naglalarawan sa misyon ng Panginoon na pinaka-interesado sila. Pagkatapos ay maaari silang gumamit ng diksyunaryo, mga footnote, at Gabay sa mga Banal na Kasulatan, para malaman pa ang tungkol dito (tingnan sa “Paghahanap ng Kahulugan ng mga Salita at Parirala,” Mga Kasanayan sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksang ito sa pag-aaral).

Para maipakita ang kasanayang ito, maaari kang pumunta sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan at basahin ang entry para sa “Pinahiran, Ang” para malaman kung paano naaangkop ang “pinahiran” kay Jesucristo.

Matapos bigyan ng oras ang mga estudyante na makapag-aral, anyayahan sila na ibahagi ang natutuhan nila tungkol sa salita o pariralang pinili nila. Habang nagbabahagi sila, maaari mong ilakip ang kanilang salita o parirala sa isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong:

  • Paano ni Jesus sa ating panahon? (Halimbawa: Paano pinalaya ni Jesus ang mga naaapi sa ating panahon?)

  • Kailan ninyo nasaksihan ang Tagapagligtas ?

  • Paano kayo mapagpapala ng kakayahan ng Tagapagligtas na ?

Para mabigyang-diin kung paano nauugnay sa atin ngayon ang mga tungkulin ng Tagapagligtas, maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Gerrit W. Gong:

Elder Gerrit W. Gong

Siya ay buhay—hindi lang noon, kundi ngayon; hindi lang para sa iilan, kundi para sa lahat. Siya ay dumating at darating upang pagalingin ang mga bagbag na puso, palayain ang mga bihag, ibalik ang paningin ng mga bulag, at palayain ang mga naaapi. [Tingnan sa Lucas 4:18.] Iyan ang bawat isa sa atin. Makakamtan ang Kanyang mapantubos na mga pangako, anuman ang ating nakaraan, kasalukuyan, o mga alalahanin sa hinaharap. (“Hosana at Aleluia—Ang Buhay na Jesucristo: Ang Sentro ng Pagpapanumbalik at Pasko ng Pagkabuhay,” Liahona, Mayo 2020, 53)

Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa “mga pangako ng pagtubos” ng Tagapagligtas na may espesyal na kahulugan sa kanila. Bigyan sila ng oras na maisulat ang kanilang mga iniisip at impresyon tungkol dito.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Lucas 5:17–26

Mapapatawad ba talaga ako ng Tagapagligtas?

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral

Gamitin nang epektibo ang media. Ang mga larawan at video ay makatutulong sa mga mag-aaral na mas maunawaan ang mga banal na kasulatan at kung paano ipamumuhay ang mga katotohanan ng ebanghelyo. Maaantig ng media ang mga puso’t isipan sa mga paraang naiiba sa nakasulat na salita; makatutulong ito sa mga mag-aaral na makaugnay sa mga hindi pisikal na aspeto ng ebanghelyo. Kapag gumagamit ng media, siguraduhing mas mapagbubuti nito ang pag-aaral at hindi ito nalilihis mula rito.

ibinaba ng mga kaibigan ang isang lalaking lumpo na idinaan sa bubong

Depende sa kaalaman at pag-unawa ng iyong mga estudyante, maaari mong gawin ang isa sa mga sumusunod: (1) ipakita ang kalakip na larawan at ipabuod sa isang estudyante ang kuwento tungkol sa lalaking lumpo (lalaking paralisado), (2) ipakita ang larawan at basahin nang sabay-sabay ang Lucas 5:17–26, o (3) panoorin ang “ Jesus Forgives Sins and Heals a Man Stricken with Palsy ” (2:57).

2:57
  • Sa paanong paraan pinagaling ng Tagapagligtas ang lalaking ito? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang katotohanang tulad ng sumusunod: Si Jesucristo ay may kapangyarihang pagalingin tayo sa ating mga pisikal na hamon at patawarin tayo sa ating mga kasalanan.)

  • Bakit mahalagang maunawaan na nais ng Tagapagligtas na pagalingin tayo kapwa sa pisikal at espirituwal?

Maaari ninyong sama-samang basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Craig A. Cardon:

Elder Craig A. Cardon

Alam ng Tagapagligtas na maraming taong sumusunod sa Kanya dahil sa kagila-gilalas Niyang mga himala. …

Subalit sa lumpong lalaking ito, pinili ng Tagapagligtas na patunayan kapwa sa disipulo at sa naninira sa Kanya ang Kanyang natatanging papel bilang Tagapagligtas ng sanlibutan. …

Sa mahimalang pisikal na pagpapagaling na ito, pinatunayan ng Tagapagligtas sa ating lahat ang mas makapangyarihang espirituwal na katotohanang ito: ang Anak ng Tao ay nagpapatawad ng mga kasalanan! (“Nais ng Tagapagligtas na Magpatawad,” Liahona, Mayo 2013, 15)

Sabihin sa mga estudyante na isulat ang anumang impresyong dumarating habang pinag-iisipan nila kung bakit ang kapatawaran ng mga kasalanan ay isang “mas makapangyarihang espirituwal na katotohanan” kaysa sa “[mga] mahimalang pisikal na pagpapagaling” ng Panginoon. Maaari din nilang pagnilayan ang sarili nilang pananampalataya sa kakayahan ng Panginoon na pagalingin at patawarin sila.

Upang matulungan ang mga estudyante na maipamuhay ang mga katotohanang ito, maaari mong itanong:

  • Ano ang nalaman ninyo tungkol sa kapangyarihan ng Tagapagligtas na pagalingin at patawarin tayo? (Maaari ninyong panoorin ang “The Savior Wants to Forgive” (5:50), na kinapapalooban ng mga salita mula sa mensahe ni Elder Cardon.)

    5:50
  • Ano ang ginagawa ninyo o ano ang magagawa ninyo para maipakita sa Panginoon ang hangarin ninyong tumanggap ng nakapagpapagaling na kapangyarihan ng pagpapatawad?

Opsiyonal na Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Gamit ang larawan o video na binanggit sa simula ng bahaging ito, sabihin sa mga estudyante na magtuon sa ginawa ng mga kaibigan ng lalaking paralisado. Sama-samang basahin ang Lucas 5:18–20, at pagkatapos ay talakayin kung ano ang maituturo sa atin ng mga ginawa nila tungkol sa pananampalataya kay Cristo.

  • Kailan nakatulong ang ginawa ng isang tao para mas mapalapit kayo sa Tagapagligtas?

  • Sino ang matutulungan ninyo na mas mapalapit sa Tagapagligtas? Paano ninyo siya matutulungan? (Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga iniisip at plano na kumilos.)

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”

Lucas 5:27–32

Paano mababaluktot kung minsan ng mga titulo o label ang nais ng Tagapagligtas na makita ko ang aking sarili at ang iba?

Ipaliwanag na madalas gumamit ang mga tao ng mga titulo o label at pantukoy para ilarawan ang kanilang sarili o ang iba. Ibigay ang handout na “Mga Titulo” at sabihin sa bawat estudyante na punan ito.

handout ng Mga Titulo

Ipabasa sa mga estudyante ang Lucas 5:27–30 at ipahanap ang mga titulo o label na ginamit sa scripture passage na ito.

  • Ano ang ipinahiwatig ng mga titulo o label na “mga maniningil ng buwis at mga makasalanan”? (tingnan sa “Lucas 5:27–30. Bakit hinahamak ng mga Judio ang mga maniningil ng buwis?” sa Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan para sa karagdagang impormasyon).

  • Bakit pinuna ng mga eskriba at mga Fariseo si Jesus dahil sa kumain Siya na kasalo ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?

  • Ano ang ipinahihiwatig ng mga titulo o label na ginagamit mo para ilarawan ang iyong sarili at ang iba? (Maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang isinulat nila sa talahanayan.) Paano maaaring ang ilan sa mga titulo o label na ito ay negatibong makaapekto sa iyo o sa mga nasa paligid mo? Anong mga estratehiya ang magagamit mo para maalis ang mga negatibo o mapanlinlang na mga titulo mula sa iyong buhay? (Maaari mong bigyan ng oras ang mga estudyante na isulat kung ano ang gagawin nila.)

Upang matulungan ang mga estudyante na pag-isipan nang mas malalim ang mga titulo o label na ginagamit nila, maaari ninyong basahin o panoorin nang sabay-sabay ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson (mula sa time code na 17:33 hanggang 19:09):

31:24
Pangulong Russell M. Nelson

Natutuwa ang kaaway sa mga titulo dahil pinagwawatak-watak tayo ng mga ito at nililimitahan ang paraan ng pag-iisip natin tungkol sa ating sarili at sa isa’t isa. Nakalulungkot kapag mas iginagalang natin ang mga titulo kaysa kapag iginagalang natin ang isa’t isa.

Ang mga titulo ay maaaring humantong sa panghuhusga at pagkapoot. Anumang pang-aabuso o pagtatangi sa iba dahil sa nasyonalidad, lahi, seksuwal na oryentasyon, kasarian, mga degree sa pag-aaral, kultura, o iba pang makabuluhang mga pantukoy ay labag sa ating Maykapal! Ang gayong maling pagtrato ay nagiging sanhi para mamuhay tayo nang mas mababa kaysa sa ating katayuan bilang Kanyang pinagtipanang mga anak!

May iba’t ibang titulo na maaaring napakahalaga sa inyo, siyempre pa. Unawain sana ninyo ako. Hindi ko sinasabi na hindi mahalaga ang iba pang mga titulo at pantukoy. Ang sinasabi ko lang ay walang pantukoy na dapat makapag-alis, pumalit, o bigyan ng prayoridad kaysa sa tatlong nagtatagal na titulong ito: “anak ng Diyos,” “anak ng tipan,” at “disipulo ni Jesucristo.” (“Mga Pagpiling May Epekto sa Kawalang-Hanggan,” Gospel Library)

Maaari mong rebyuhin sa mga estudyante ang Lucas 5:29–32, na inaalam ang mensahe ng pag-asa ng Tagapagligtas para sa lahat.

  • Paano makatutulong ang katotohanan na naglilingkod si Jesucristo sa lahat ng kailangang pagalingin sa mga taong nakadarama na sila ay binabansagan, walang halaga, o hindi nararapat?

  • Bakit mahalaga ang katotohanang ito hindi lamang para sa mga eskriba at Fariseo kundi para din sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan? Ano ang kaugnayan ng katotohanang ito para sa inyo? (Kung kinakailangan, maaari mong basahin ang Roma 3:23 at 1 Juan 1:8.)

Maaari mong tapusin ang lesson sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong patotoo tungkol sa ating indibiduwal na pangangailangang mapagaling at matulungan ni Jesucristo, ang Dakilang Manggagamot.

Balikan ang “Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral.”