“Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 24–25; Marcos 12–13; Lucas 21,” Manwal ng Titser ng Institute para sa Bagong Tipan (2025)
He Comes Again to Rule and Reign [Siya ay Pumaritong Muli upang Mamuno at Maghari], ni Mary Sauer
Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 24–25; Marcos 12–13; Lucas 21
Sa huling linggo ng Kanyang ministeryo sa lupa, sinagot ng Tagapagligtas ang mga tanong ng Kanyang mga disipulo tungkol sa Kanyang Ikalawang Pagparito. Itinuro din Niya sa kanila kung paano maghanda para sa Kanyang pagbabalik, at ibinahagi ang mga talinghaga tungkol sa sampung birhen, mga talento, at mga tupa at mga kambing. Matapos makita ang isang balo na naghagis ng dalawang kusing sa kabang-yaman ng templo, itinuro Niya ang isang mahalagang aral tungkol sa pag-aalay ng lahat ng maibibigay natin.
Karagdagang Resources
Scripture Helps: New Testament [Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan],, “Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 24–25; Marcos 12–13; Lucas 21”
Paalala: Ang “Pambungad sa Kurso” ay nagbibigay ng patnubay kung paano gamitin ang sumusunod na apat na pamantayang elemento ng lesson.
Paghihikayat ng Personal na Pag-aaral
Bago magklase, maaari mong ipadala sa mga estudyante ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na mensahe o ang ilan sa sarili mong mga mensahe:
-
Ano ang iyong pinapahalagahan? Habang binabasa mo ang Joseph Smith—Mateo 1:36–40, pag-isipan kung ano ang ibig sabihin ng pahalagahan ang salita ng Diyos. Paano ka matutulungan ng pagpapahalaga sa mga salita ng Diyos na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?
-
Paano ka magiging handa para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas? Habang pinag-aaralan mo ang tatlong talinghaga na matatagpuan sa Mateo 25, alamin kung paano ka nais ng Panginoon na maghanda. Maaari mo ring panoorin ang “The Ten Virgins” (1:45).
1:45 -
Ano ang makatutulong sa iyo kapag pakiramdam mo ay wala kang gaanong maibibigay sa Panginoon? Matapos basahin ang Marcos 12:41–44, panoorin ang “The Widow’s Mite” (1:57) para makita ang ilang bata na tinatalakay ang natutuhan nila sa kuwentong ito.
1:57
Mga Tanong at Pagbabahagi
Bigyan ng oras ang mga estudyante na magtanong at magbahagi ng mga ideya at katotohanang natuklasan nila sa kanilang personal na pag-aaral ng Joseph Smith—Mateo 1; Mateo 24–25; Marcos 12–13; Lucas 21.
Pagsasanay sa Kasanayan
Ang Joseph Smith—Mateo 1 ay maaaring magandang paggamitan ng kasanayang “Using Restoration Scripture to Understand the Bible” sa Scripture Study Skills.
Mga Opsiyon sa Aktibidad sa Pag-aaral
Maraming opsiyon sa pag-aaral ang inilaan para sa iyo at sa iyong mga estudyante. Mapanalanging piliin kung aling opsiyon o mga opsiyon ang magiging pinakamakabuluhan para sa klase mo.
Joseph Smith—Mateo 1:22–23, 27–33, 37–40
Paano kung nababahala ako tungkol sa mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Panginoon?
Isiping idispley ang isa o mahigit pa sa sumusunod na mga larawan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Sabihin sa mga estudyante na isipin at ibahagi kung ano ang magiging pakiramdam na makita Siyang bumalik. Pagkatapos ay ipasulat sa mga estudyante ang anumang tanong o alalahanin nila tungkol sa Ikalawang Pagparito.
He Comes Again to Rule and Reign [Siya ay Pumaritong Muli upang Mamuno at Maghari], ni Mary Sauer
Larawang-guhit ni Kevin Keele
The Second Coming [Ang Ikalawang Pagparito], ni Harry Anderson
Ipaliwanag na sa huling linggo ng buhay ng Tagapagligtas, may mga tanong ang Kanyang mga Apostol tungkol sa Kanyang pagbabalik sa lupa (tingnan sa Joseph Smith—Mateo 1:4). Habang pinag-aaralan ng mga estudyante ang sagot ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Apostol, sabihin sa kanila na hanapin ang mga posibleng sagot sa kanilang sariling mga tanong at alalahanin.
Tandaan: ang Joseph Smith—Mateo, na matatagpuan sa Mahalagang Perlas, ay inspiradong pagsasalin, o rebisyon, ni Joseph Smith ng Mateo 24. Maaaring makatulong na basahin ang “What can we learn from Joseph Smith—Matthew? [Ano ang matututuhan natin mula sa Joseph Smith—Mateo?]” sa Scripture Helps: New Testament [Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan] para maunawaan ng mga estudyante kung paano nagdudulot ng mas malaking kalinawan ang Pagsasalin ni Joseph Smith sa Mateo 24. (Tingnan ang kasanayang “Using Restoration Scripture to Understand the Bible” sa Scripture Study Skills.)
Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Joseph Smith—Mateo 1:22–23, 27–33 nang mag-isa o kasama ang isang kapartner. Sabihin sa kanila na hanapin ang mga palatandaang sinabi ng Tagapagligtas na mangyayari bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito. Kapag natapos nang basahin ng mga estudyante ang mga talata, sabihin sa kanila na ibahagi ang mga palatandaang nahanap nila. Maaari mong isulat sa pisara ang mga palatandaan at itanong ang mga sumusunod:
-
Bakit maaaring mag-alala o malungkot tayo sa ilan sa mga palatandaang ito?
-
Sa inyong palagay, bakit itinuro ng Tagapagligtas ang mga palatandaang ito? (Kung kinakailangan, iparebyu sa mga estudyante ang mga talata 22–23 para matukoy nila ang isang katotohanan na tulad ng sumusunod: Inihayag ng Tagapagligtas ang mga palatandaan bago ang Kanyang Ikalawang Pagparito upang hindi mabahala ang Kanyang mga pinagtipanang tao.) Para malaman pa kung sino ang mga hinirang, tingnan sa “Joseph Smith—Matthew 1:22 [Joseph Smith—Mateo 1:22]. Who are the ‘elect according to the covenant?’ [Sino ang mga ‘hinirang ayon sa tipan?’]” sa Scripture Helps: New Testament [Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan].
-
Ano ang itinuturo sa inyo tungkol sa Kanya ng kaalaman na inihayag ni Jesucristo ang mga palatandaang ito bago pa man ang Ikalawang Pagparito?
Para matulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mas malaking kapayapaan tungkol sa mga pangyayaring magaganap bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas, anyayahan silang kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad sa maliliit na grupo. Ipakita ang sumusunod o ibigay ito bilang handout:
Maaari mong tapusin ang aktibidad sa pamamagitan ng pagbahagi ng sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson:
Mahal kong mga kapatid, napakaraming magagandang bagay na mangyayari. Sa mga darating na araw, masasaksihan natin ang mga pinakadakilang pagpapakita ng kapangyarihan ng Tagapagligtas na hindi pa nasasaksihan ng mundo kailanman. Mula ngayon hanggang sa oras ng Kanyang pagbalik “na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” [Joseph Smith—Mateo 1:36], magkakaloob Siya ng napakaraming pribilehiyo, pagpapala, at himala sa matatapat. (“Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan,” Liahona, Nob. 2022, 95)
Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga espirituwal na impresyong natanggap nila habang pinag-aaralan at tinatalakay nila ang mga katotohanang ito. Hikayatin sila na isulat ang kanilang mga impresyon at kumilos ayon dito.
Mateo 25
Paano ako makapaghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?
Maaari mong simulan ito sa pagsasabi sa mga estudyante na ilista kung ano sa palagay nila ang pinakamahalagang bagay na ginagawa nila sa kanilang buhay. Pagkatapos ay ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson:
Labis na napakahalaga na ihanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoong Jesucristo. (“Paghahanda para sa Pagbabalik ng Panginoon,” Liahona, Mayo 2019, 81)
-
Sa palagay ninyo, bakit “labis na napakahalaga” ang paghahanda sa mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?
Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung gaano kadalas nila iniisip na ihanda ang kanilang sarili at ang iba para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas. Ipaliwanag na sa Mateo 25, itinuro ng Tagapagligtas ang tatlong talinghaga na nagtuturo sa atin kung paano tayo makapaghahanda para sa Kanyang Ikalawang Pagparito.
Isiping ipamahagi ang handout na “Mga Talinghaga tungkol sa Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas” at hatiin ang klase sa maliliit na grupo. Bigyan ang bawat grupo ng isa sa mga talinghaga, at sabihin sa mga estudyante na magtulungan para makumpleto ang handout. Kung kinakailangan, maaari ninyong pag-aralan nang sama-sama ang isa sa mga talinghaga bilang klase para maipakita kung paano makukumpleto ng mga estudyante ang mga hakbang na nakalista sa handout.
Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo at Pag-aaral
Alamin kung paano makatutulong sa mga talakayan ng maliliit na grupo. Kapag nag-aaral ang mga estudyante sa maliliit na grupo, obserbahan ang mga interaksyon at tingnan kung kailan mahalaga na tumulong ka. Maaaring kabilang dito ang pagbibigay ng patnubay, paghihikayat, at kaalaman.
Matapos magkaroon ng sapat na oras ang mga estudyante sa pag-aaral, sabihin sa bawat grupo na isulat sa pisara ang katotohanang natukoy nila. Maaaring matukoy ng mga estudyante ang mga katotohanang tulad ng sumusunod:
-
Makapaghahanda ako para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng patuloy na pagsisikap na palalimin ang aking patotoo at pagbabalik-loob kay Jesucristo (tingnan sa Mateo 25:1–13).
-
Makapaghahanda ako para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng matapat na paggamit ng mga kaloob at kakayahan na ibinigay sa akin ng Diyos (tingnan sa Mateo 25:14–30).
-
Makapaghahanda ako para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kapwa (tingnan sa Mateo 25:31–46).
Sabihin sa mga estudyante na talakayin kung paano makatutulong sa atin ang pagsasabuhay ng katotohanang natukoy nila para makapaghanda tayo para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon. Habang nagbabahagi sila, isipin kung ang alinman sa sumusunod na mga tanong ay maaaring magpalalim sa kanilang pag-unawa:
-
Paano ninyo nakita na ipinamuhay ang alituntuning ito?
-
Paano mapapalakas ng pamumuhay ng alituntuning ito ang inyong pagnanais para sa pagbabalik ng Tagapagligtas?
Bigyan ng oras ang mga estudyante na isulat ang isang bagay na gagawin nila para maihanda ang kanilang sarili sa pagbabalik ng Panginoon. Kung may oras pa, maaari mong sabihin sa isa o dalawang handang estudyante na ibahagi sa klase ang isinulat nila.
Marcos 12:41–44; Lucas 21:1–4
Ano ang maaari kong ihandog sa Panginoon?
Isiping isulat sa pisara ang sumusunod na pahayag: Wala akong gaanong maihahandog.
-
Ano ang maaaring maging dahilan para madama natin ito?
Sabihin sa mga estudyante na isipin kung kailan nila nadama ang ganito. Maaari nilang isulat ang kanilang karanasan. Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang anumang impresyon mula sa Espiritu Santo habang pinag-aaralan nila ang kuwento tungkol sa kusing ng balo.
Maaari mong idispley ang sumusunod na larawan. Ipaliwanag na noong panahon ng Tagapagligtas, naroon sa isa sa mga patyo ng templo ang mga kaban kung saan maaaring magbigay ng mga handog na salapi ang mga tao sa kabang-yaman ng templo. Ang kusing ay isang maliit na baryang tanso at napakaliit na halaga ng pera (tingnan sa “[Mark 12:41–44] Marcos 12:41–44. What was a mite? [Ano ang isang kusing?]” sa Scripture Helps: New Testament [Mga Tulong sa Banal na Kasulatan: Bagong Tipan).
Ipabasa sa mga estudyante ang Marcos 12:41–44 o panoorin ang “Jesus Teaches about the Widow’s Mites” (1:14). Ipahanap sa kanila kung paano sinuri ng Panginoon ang mga handog ng balo.
-
Ano ang itinuturo sa inyo ng kuwentong ito tungkol sa nadarama ng Panginoon tungkol sa ating mga handog? (Maaaring tukuyin ng mga estudyante ang isang alituntuning tulad ng sumusunod: Tinatanggap at pinahahalagahan ng Panginoon ang ating mga handog kapag kusang-loob nating ibinigay sa Kanya ang mayroon tayo.)
-
Ano ang iba’t ibang uri ng handog na maibibigay natin sa Panginoon? (Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga halimbawa ng maliliit at karaniwang bagay.)
Maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Dieter F. Uchtdorf:
Sa simpleng pagmamasid na iyon [ng pagbibigay ng balo ng dalawang kusing], itinuro sa atin ng Tagapagligtas kung paano sinusukat ang mga handog sa Kanyang kaharian—at talaga namang naiiba ito sa karaniwang paraan ng pagsukat natin sa mga bagay-bagay. Para sa Panginoon, ang halaga ng donasyon ay hindi nasusukat sa epekto nito sa kabang-yaman kundi sa epekto nito sa puso ng nagbigay. (“Buong Puso Natin,” Liahona, Mayo 2022, 122)
-
Paano makakaapekto sa inyong mga kilos ang pag-alaala sa paraan ng Tagapagligtas sa pagsukat ng inyong mga handog?
-
Kailan ninyo nadama ang pagsang-ayon ng Panginoon sa handog ninyo sa Kanya? Paano ito nakaapekto sa inyo?
Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng handog na maibibigay nila sa Panginoon. Hikayatin sila na gawin ang anumang pahiwatig na natanggap nila.