Isang pahayag o iba pang katibayan na ang isang bagay ay totoo; isang patotoo. Ang isang saksi ay maaari ring isang tao na nagbibigay ng pahayag o katibayan na nababatay sa pansariling kaalaman; ibig sabihin, isang taong nagpapatotoo.
Ipangangaral ang ebanghelyo sa buong daigdig sa pagpapatotoo sa lahat ng bansa, Mat. 24:14 (JS—M 1:31 ).
Kayo’y magiging mga saksi ko, Gawa 1:8 .
Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, Rom. 8:16 (1 Juan 5:6 ).
Kayo ay nahahandang tumayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon, Mos. 18:8–9 .
Nakikibahagi tayo ng sakramento upang sumaksi sa Ama na susundin natin ang mga kautusan at aalalahanin sa tuwina si Jesus, 3 Ne. 18:10–11 (Moro. 4, 5 ; D at T 20:77–79 ).
Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya, Eter 12:6 .
Batas ng mga pagsaksi: sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ang bawat salita ay mapagtitibay, D at T 6:28 (Deut. 17:6 ; Mat. 18:16 ; 2 Cor. 13:1 ; Eter 5:4 ; D at T 128:3 ).
Pinaordenan ko kayo upang maging mga Apostol at natatanging saksi sa aking pangalan, D at T 27:12 (D at T 107:23 ).
Ang Pitumpu ay tinawag upang maging mga natatanging saksi sa mga Gentil at sa buong daigdig, D at T 107:25 .
Magkaroon ng tagapagtala, at siya ang maging saksi sa inyong mga pagbibinyag, D at T 127:6 (D at T 128:2–4 ).