Yaman o kasaganaan. Pinagpapayuhan ng Panginoon ang mga Banal na huwag maghangad ng mga kayamanan sa mundo maliban sa paggawa ng mabuti. Hindi dapat pag-ukulan ng mga Banal ang paghahangad ng kayamanan sa mundo bago hanapin ang kaharian ng Diyos, na tumatangan ng mga kayamanang walang hanggan (Jac. 2:18–19 ).
Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso, Awit 62:10 .
Ang mga kayamanan ay walang kabuluhan sa kaarawan ng poot, Kaw. 11:4 .
Siya na nagtitiwala sa kanyang mga kayamanan ay mabubuwal, Kaw. 11:28 .
Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kaysa malaking kayamanan, Kaw. 22:1 .
Kayhirap na magsipasok sa kaharian ng Diyos ang mga may kayamanan, Mar. 10:23 (Lu. 18:24–25 ).
Ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan, 1 Tim. 6:10 .
Sa aba sa mayayaman na humahamak sa mga maralita at ang kanilang kayamanan ang kanilang diyos, 2 Ne. 9:30 .
Hindi inilagak ng mabubuti ang kanilang mga puso sa kayamanan sa halip ay ibinahagi sa lahat, Alma 1:30 .
Nagsimulang maging palalo ang mga tao dahil sa mga kayamanan, Alma 4:6–8 .
Ang mga tao ay nakikilala sa pamamagitan ng mga katayuan, alinsunod sa kanilang mga yaman, 3 Ne. 6:12 .
Mga yaman ng walang hanggan
Makailan kong tinawag kayo sa pamamagitan ng mga kayamanan ng buhay na walang hanggan, D at T 43:25 .
Ang yaman ng kawalang-hanggan ay akin upang ibigay, D at T 67:2 (D at T 78:18 ).