Jerico Isang lunsod na nababakuran ng mga pader sa lambak ng Jordan, 245 metro mababa sa kapatagan ng dagat. Ang Jerico ay malapit sa lugar kung saan tumawid ang mga Israelita sa ilog nang una silang pumasok sa lupang pangako (Jos. 2:1–3; 3:16; 6). Lumaban ang mga Israelita sa digmaan sa Jerico, Jos. 6:1–20. Naglagay si Josue ng isang sumpa sa Jerico, Jos. 6:26 (1 Hari 16:34). Ang Jerico ay nasa lupaing sakop na ibinigay kay Benjamin, Jos. 18:11–12, 21. Dinalaw ng Panginoon ang Jerico sa kanyang huling paglalakbay sa Jerusalem, Mar. 10:46 (Lu. 18:35; 19:1).